Kadena 10

125 8 0
                                    

Makalipas ang isang linggo, kausap ni  Mimi si Michelle sa hotel.

Nilalaro niya ang sigarilyo habang nakikipagkasundo siya kay Michelle.

"Madam Mimi inosente ang kaibigan ko. Isang dayo rito. Nagpunta lang siya rito sa Maynila para ipagamot ang Lolo niya." pagtanggi ni Michelle.

Bumuga siya ng sigarilyo.
"eh di maganda kung ganoon.." walang kaabog abog na sabi nito.

Lumuhod na si Michelle sa kaniya.
"Madam Mimi nagmamakaawa ako.. "

Tumayo ang Madam.
"costumers are always right Mitch.. Kailangan kong matugunan ang request nila. Ayaw kong mawala sila. At wag kang mag alala sa kaibigan mo. Tutulungan niya ako, tutulungan ko rin siya.. Isa pa, malaki ang tsansa niyang makabingwit ng mayamang kostumer.." paliwanag nito.

Itinayo niya si Michelle sa pagkakaluhod.

"Mitch... Kung ayaw mong mapahamak, sumunod ka sa akin. Dalhin mo na siya sa akin sa lalong madaling panahon. " mariin niyang bilin.

Napaluha si Michelle.

Sa mansyon ni Don Quaquin. Umiiling iling siya sa kaharap niyang apo.

"a-anong pakiramdam mo matapos mong gawin yon sa ama mo?" nanghihina niyang tanong.

"I don't want to talk about it grandpa.. Dahil natuloy pa rin naman ang kasal nila. " Inis niyang dahilan.

Natawa ang Matanda.
"mamamatay na ba akong ganyan ka apo? Nakakatawa ang mga pinaggagagawa mo"

Tumabi si Greg sa higaan ng Lolo niya.
"syempre hindi. Next week graduation day ko na. So I'll be staying here until the day it will come. Nagpromise ka sa akin na dapat andoon ka.. And then.. " pagbibitin niya.

Tumitig si Don Quaquin at alam na ang ibig sabihin ng apo niya.

"and then..." nagkunwaring nalimutan niya ang sinasabi ng apo.

"grandpa yong sinabi mong mana ko di ba? --" paglalambing nito.

Muling tumawa ang Lolo niya.
"ay oo nga pala.. Hindi ko naman yon nalilimutan. Pero apo kapag kaharap mo na si attorney, maging masunurin ka sa mga sasabihin niya sa'yo." pagseseryoso niya.

Napailing si Greg at may pagtataka ang kaniyang ngiti.

"masunurin akong apo grandpa.. Isa pa, aalagaan kita habang nandito ako" saka niyakap ang Lolo niya.

"mabuti kung ganon.." masaya ang pakiramdam niya na naririto ang apo niya habang patuloy na nilalabanan ang matinding kirot sa ulo niya.

Kumatok ang katulong at itinuro ang kwartong tutulugan niya.

Sa maliit na bahay, nagbibilang na muli si Michelle ng pera para sa susunod na dialysis ng Lolo ni Maria.

Ibinigay naman ni Maria ang kinita niya sa paglilinis ng mga bahay sa isang apartment malapit sa simbahan.

Nalungkot si Michelle dahil kulang pa ito ng anim na libo.

Napatingin si Michelle sa kaibigan.
"Maria naalala mo ba yong sinabi ko sa'yong babae sa hotel na gusto kang makausap?" pag iiba niya ng usapan.

Tumango si Maria.
"pero sabi mo delikado sa hotel na yon?"

Hinawakan ni Michelle ang mga kamay ng kaibigan.
"kausapin mo ang babaeng yon para mailigtas ang Lolo mo. Maria, maliit lang ang perang kinikita natin para makaipon ng sampung libo sa isang linggo. Kahit magtrabaho pa tayo ng magdamag, pero ang babaeng iyon matutulungan ka niya. " pagtatapat niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon