Kadena 47

38 4 0
                                    

Limang kwarto ang nakalaan para sa kanilang tatlong araw na bakasyon. Inilaan ito ni Greg para sa kaniyang inimbitahan sa kaarawan nito. Kay Manang Delia, Samuel, Maria at sa Ninong Ed niya ang apat. Pero dahil sumama si Aileen, nagdesisyon siyang iisang kwarto na lamang sila ni Maria.

Alas dyes na ng gabi nang lumabas ang resulta ng lab test ni Maria. Parehong bumaba ang platelet counts at hemoglobin nito.. Kaya naman pati ang red blood cells count niya ay bumaba rin. Alam ni Greg na ang ganitong kabilis na pagbaba ng dugo ng isang pasyente ay napakaraming dahilan gaya ng pregnancy, heart problems, thyroid conditions, dehydratiom, blood loss at severe infection.

Malaking palaisipan ito sa kaniya bilang isang doktor. At sa pag aalala niya bilang doktor minabuti niyang icheck ang buong katawan ni Maria habang ito'y tulog.

"pasensya ka na Mahal ko but I have to touch you to check your body.. " bulong niya rito saka hinawakan ang noo at leeg ni Maria para macheck ang body temperature niya.

"hindi siya mainit wala siyang lagnat. " sa isip niya saka niya sinunod na hawakan ang mga braso at kamay ni Maria.

"Hindi rin mainit ang body temperature niya rito.. Ibig sabihin she's not fertile right now.. " sambit niya.

Hinawakan niya ang tiyan ni Maria hanggang sa poson nito.

Malambot ang mga ito. Pero sa bahagi ng poson niya ay naninigas.

"mukhang may period siya.. " nakahinga siya nang maluwag dahil hindi dahil sa pregnancy ang low blood pressure ni Maria

Hinawakan niya muli ang leeg at lalamunan ng dalaga. Wala ring nakaumbok sa thyroid nito.
Inilapat niya ang kaliwang tenga niya sa dibdib ni Maria para pakinggan ang heart beat nito.
Saka niya binanggit ang diagnoses niya,

"ok ang heart beat, so hindi heart problems, wala rin siyang endocrine problems o thyroid problems.. Imposible namang dehydration dahil nakita ko naman siyang panay ang inom ng tubig sa plane.. " nag isip muli siya.

Binalika niya ang mga dahilan ng biglaang low blood pressure.

"hindi kaya 'blood loss'?" sambit niya.

Muli niyang hinawakan ang poson nito.

"naninigas,  hindi kaya may myoma siya? Madami at matagal na pagreregla ang isa sa sintomas nito." bigla niyang sambit.

"Pero paano ko makokompirma yon kung hindi ko naman siya makakausap kung nararanasan ba niya ang mga sintomas nito?" dagdag niya.

Ilang saglit pa,

"tama transvaginal ultrasound! "

Kaya't kinausap niya ang assigned doktor sa kaniya at ibinahagi ang kaniyang nalalaman bilang isang doktor din. Mabuti na lamang at very cooperative ang doktor sa kaniya kaya naman nagrequest ito agad ng transvaginal ultrasound sa pasyente nito. Dagdag pa ng doktor na kailangan ng blood donor ni Maria upang masalinan na ito ng dugo sa lalong madaling panahon.

Bumalik ulit siya sa kwarto ni Maria nang malamang bukas pa ng umaga available ang technician para sa transvaginal ultrasound. Hindi rin niya ka blood type si Maria. Kaya't kahit gustuhin man niya ay bigo siyang maging blood donor ni Maria.

Maya maya lamang ay tumawag na si Aileen sa kaniya. Kinumusta ni Aileen ang lagay ni Maria

"wala pa ring malay si Maria.. And she needs blood donor. I told to her doktor to make transvaginal ultrasound because I suspected that she has myoma. Kapag positive sya doon kailangan niyang maoperahan kung malala na.." paliwanag ni Greg.

Humikab si Greg at narinig ito ni Aileen. Nag offer siya sa kapatid na pupunta silang tatlo sa ospital para makapagpahinga na muna si Greg.

Alam ni Aileen na nakakapagod ang maging piloto ng eroplano, kahit pa isang oras lang ang inilaang oras ng kapatid bilang piloto ng kanilang sinakyan.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon