Kadena 49

47 3 0
                                    

Nakipagkita si Luis sa kaniyang private detective dahil may resulta na sa mga listahan ng mga doktor na ipinapahanap niya.

Sa isang Chinese restaurant nagkita ang dalawa. Iniabot ng detective ang mga larawan at kopya ng mga datos na nakuha niya mula sa kaniyang pag iimbestiga.

"Sir Fuentebello, ang may ari ng ospital ay patay na may limang taon na ang nakaraan. Sakit sa puso ang ikinamatay nito. Sa labing limang doktor na ipinahahanap po ninyo. Walo po doon ay patay na rin. Yong mga nasa envelope ay mga impormasyon sa mga nabubuhay pa. Mayroon po dyang anim na doktor ang nasa ibang bansa na. Doon na sila naninirahan." paliwanag ng detective saka pa lamang niya nagalaw ang pagkaing inihanda ng waiter sa kanila.

Tumango si Luis. Binuksan ang laman ng envelope. Mabilis siyang nag scan sa mga impormasyon ng bawat doktor na naroon. Pero may isang pangalan ng doktor ang nakatawag pansin sa kaniya na isang surgeon. Agad nitong hiniwalay ang papel ng doktor.

"nabasa mo na ba ang tungkol sa doktor na ito? Dr. Christopher Locsin, isang surgeon.. " tanong niya.

Nginuya nang mabilis ng detective ang isinubong sushi saka nagsalita.

"yes sir actually mayroon pong impormasyon dyan na nag aral siya sa South Korea ng cosmetic surgery five years ago after siyang matanggap sa Holy Christian Medical Hospital. Sabi dyan may nagpaaral sa kaniya. May partner siyang doktor na gumagawa ng surgery si Dr. Carlito Suarez, isang anaesthesiologist. Nasa states na si Dr. Suarez at sa Canada naman si Dr. Locsin." malinaw niyang paliwanag.

Mabilis na gumana ang utak ni Luis. Binuksan nito ang cellphone at tiningnan muli ang litrato ng Nanay ni Rodolfo. Ipinokus niya ang nakasulat sa wrist band na suot nito para maaninang kung anong pangalan ng doktor na naka assigned sa kaniya noong na admit siya sa ospital na iyon.

Paulit ulit niyang izinoom palayo at palapit. Hanggang sa naging malinaw na ito sa kaniyang mga mata.

"tama nga! Dr. Chris Locsin ang nakalagay sa wrist band ng pasyente.. Ibig sabihin dumaan siya sa plastic surgery.. Kaya pala hindi siya makita ng mga tauhan ko at talagang very confident itong si Rodolfo na hindi namin siya makikita.. Kaya pala nagbago ang itsura ng Nanay niya. At siguradong si Jane ang nagbayad nito. Hayop talaga ang babaeng yon!" inis niyang paliwanag.

Uminom ng tubig ang detective.

"yes sir yan din po ang hinala ko.. Ano na sir ang sunod ninyong ipapagawa? " tanong nito.
"humanda ka detective.. Lilipad tayo patungong Canada. Hahanapin ko ang doktor na yan saang sulok man ng bansang yan. " gigil niyang sabi.

Tumango ang kaniyang kausap.

Walang sawang lumangoy si Samuel dahil sa labis na ganda ng beach na nakakamukha ng boracay ang buhangin. Samantala, sumulat naman si Aileen  ng ikalawang assessment niya kay Maria. Ang grabeng pangyayari kay Maria ay unang kaso ni Aileen bilang psychiatrist sa loob ng higit sa sampung taon.

Maingat niyang inaaral ang lahat ng mga impormasyong nakikita at nalalaman niya tungkol sa kasong ito ni Maria.

"I need to talk to Greg.. As I observed Maria trusted him so much. Malaki ang nagagawa niyang tulong so far and he can do more to help Maria to recover from being raped victim. But I have to make it sure that he won't know Maria's real story. I do believe that there's a perfect time for that. For now, I have to make it sure the confidentiality of her case.. " sa loob loob ni Aileen habang tinatype sa document ang mga observations niya kay Maria ngayong araw.

Inihanda na rin ni Manang Delia naman ang dadalhing merienda sa ospital gaya ng ibinilin ni Greg sa kaniya na gawin. Ginawa rin niyang espesyal ang ham and egg sandwich para kay Maria. At hindi rin niya nakalimutan ang huling utos ni Greg na gumawa ng vegetable salad at pakwan juice para mabilis bumalik ang lakas ni Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon