Kadena 94

43 6 0
                                    

Nagtaka si Aileen kung bakit sila pinipigilan ng ama niyang si Luis.

"Is there any something wrong Dad?" pangatlong beses na niyang pagbanggit ng tanong na Ito.

"B-bakit h-hindi muna natin i-check kung naka-check in pa ang pamilya ng bata sa ating mga staff sa hotel natin p-para hindi s-sayang ang oras na pagpunta nyo roon.." sagot ni Luis.

Agad na sumuporta si Carlito.

"Well Luis has a point anak.. we can call the hotel's receptionist to ask about it.. para makaikot pa tayo saglit sa clinic mo." aniya.

Napatango si Luis.

"I agree with you.. ako na ang tatawag para mas mabilis.." pagkukusa ni Luis.

Kunwaring komontak sa hotel si Luis.

"Hi Ms. Rose, this is your sir Luis.. can you check the rooms in VIP level if our client with a baby are still there aside from my visitors? Please let me know it as fast as you can.." pakiusap ni Luis.

Naghintay naman sina Aileen at Carlito sa isasagot ng tinawagan ni Luis.

Matapos ang trenta segundo ay sinagot ni Luis ang kunwaring bumalik na tawag. Ipinakita niya ang pakikinig sa paliwanag.

"Ok.. Thank you Ms. Rose.. " saka ini-off ang tawag.

"Anong sabi Dad??" excited na tanong ni Aileen.

Naging malungkot ang boses ni Luis.

"Nag-check out na last week.. " sagot niya.

Nadismaya si Aileen.

"Sayang Dad.. Can I have the details of them?" tanong ni Aileen.

"Yes of course.. I will send them to you after our staff in that hotel give it to me asap.." pangako ni Luis.

Ngumiti si Aileen.

"Alright Dad.. I'm hoping it so soon Dad.." hiling niya.

Tumango si Luis.

Nagpaalam na siya sa dalawa. Samantala, malaki ang pag asa ni Aileen na ang batang tinutukoy ng amang si Carlito ay ang anak na nga ni Maria at Greg.

Saksi si Greg sa pagkabalisang reaksyon ni Maria nang banggitin ng Lolo niya ang pangalan ng sundalong tumulong Kay Tony para hanapin sina Robert at ang buong pamilya niya.

Mabilis na lumapit si Greg sa asawa para iligtas sa pagkabalisa nito.

Naitanong naman ni Boyet sa kaniya kung maaari ay doon na sila mag-dinner ni Maria.
Agad niyang hinaplos ang kanang kamay ni Maria nang nakaupo ito sa tabi niya.

Saglit na gumaan ang pakiramdam ni Maria nang makita si Greg sa tabi niya. Tumingin siya sa mga kamay ni Greg na humahaplos sa kanang kamay niya na tila ba nagsasabing 'wag siyang mabalisa' dahil naririto siya. Idinampi ni Maria Ang kaliwang kamay sa kamay ni Greg at ngumiti sa kaniya.

"Sigurado akong parating na rin si Samuel... Makakapag usap na rin kayo. " pagpapatuloy ni Boyet.

Sumagot si Greg.
"Well Tito you know how much we love to join you in dinner but we have to go, May scheduled visiting kasi kami sa isa sa mga orphanage na ipinatayo po ng grandpa ko and they are waiting for us to be there in an earlier time before dinner. They prepared short program for us so I'm so sorry about it Tito and Lolo.. but let me insist for another dinner for us, mas maganda kung kasama sina Samuel and Aileen.. ako na Po Ang magsi-set at mag aasikaso" tuwang alok nito sa dulo.

Napatango ang dalawang kausap.
Bilang pagpapaalam humingi ng yakap ang Lolo ni Maria sa kaniya. Maagap na pinagbigyan naman siya nito.

Mahigpit ang yakap ng matanda at ramdam ang pagmamahal nito sa kaniya na tila ba ayaw pa siyang pakawalan.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon