Kadena 75

30 4 0
                                    

Sa isang liblib na lugar, pinuntahan ni Lionel ang mga dinukot na commercial model ng toothpaste.

Pagpasok pa lamang sa sementadong bodega ay agad na pinagsusuntok sa tiyan ang mga nakahilerang model. Nakatali ang mga kamay sa posteng bakal, may busal ang bibig at nakapiring. Duguan na ang mga mukha at nanghihina na dahil sa ginawang pagpapahirap na sa kanila ng kaniyang mga inutusang tao.

Nagtawanan ang mga tauhan niya nang may sumuka na ng dugo sa pagsuntok ni Lionel.

"boss mga gwapo lang pala to, pero mahina! " asar ng isa.

"piniga nyo na ba ang mga to?? Bakit ayaw magsalita?!" galit na tanong niya sa mga ito.

"boss nakita nyo naman ang itsura nila, para na silang lantang gulay. Pero lahat sila, ayaw umamin. Wala raw silang kilalang Maria. " paliwanag ng isa habang mayabang na ibinubuga ang sigarilyo.

Hindi ito nagustuhan ni Lionel kaya ikinasa niya ang baril niya na kinuha mula sa likod nito.

"eh kung wala naman palang kuwenta ang mga to sa harap ko, ibig sabihin wala kayong binatbat kung trumabaho!? Kaya sabihin ninyo sa akin! -- sila ba ang papatayin ko? O kayong mga palpak?! " galit niyang hayag sa mga ito.

Itinutok niya ang baril sa mga tauhan niya sa labas ng kampo. Sabay sabay na nag atrasan ang limang tauhan nito at kaniya kaniya ng ilag dahil kilala nilang magaling umasinta ito.

"boss, b-baka mapindot ninyo yan?! Kalma lang boss.. " lakas loob na sinabi ng isa.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay sa sinabi nito.

"hoy napakalaki ng ibinayad ko sa inyo!  Tapos ito lang ang trabaho ninyo?! Hindi ninyo mapa amin kung sino sa mga ito ang nagtatago kay Maria? " sigaw niya.

Nanahimik ang kaniyang mga tauhan.

Hinila ni Lionel ang buhok ng isang model na para iangat ang nakayukong ulo nito. Tinanggal din niya ang busal nito sa bibig.

"nasaan si Maria?! " gigil nitong tanong.

Halos hindi na makapagsalita ang lalaki dahil sa sobrang bugbog ang ginawa rito.

"hi-hindi k-ko sya kilala.. " mahina pa sa bulong ang sabi nito.

"punyeta!! " sigaw niya rito.

Lumakad pa siya at nagpunta sa pinakahuling lalaki na nakagapos sa poste. Tinaggalan din ng busal.

"baka naman ikaw! -- ilabas mo na si Maria kundi mamamatay ka? " banta niya.

Umiling ang lalaki.

"h--hindi ko alam ang sinasabi mo, l-lahat kami rito. H-hindi kilala ang b-babaeng sinasabi m-mo.." nanghihina na rin pero pinilit na magsalita.

Napakunot noo si Lionel.

"kahit ipadukot ko rin ang mga pamilya ninyo? --ni isa ba sa inyong commercial model ng toothpaste ay walang aamin kung sino ang kumupkop sa asawa kong si Maria?! " nanggigigil nitong tanong.

Napailing ang anim na lalaki. Sabay sabay silang tumanggi.

Hindi makapaniwala si Lionel. Kaya't tinawagan niya ang inutusang nasa lower class ng mga sundalo para kompirmahin ang mga ito.

"ano ba tong trabaho mo?! Yong naunang tatlong lalaking model na dinukot ng mga tauhan ko rito ay walang akong napala! Walang umamin kung sino sa kanila ang kumupkop kay Maria. Pati ba naman itong anim na lalaking nandito ngayon kahit anong gawing piga sa kanila ay panay pa rin ang tanggi nila?! ---- nagbackground check ka na ba sa mga to?! " gigil na sabi ni Lionel.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon