Kadena 28

70 7 0
                                    

Tumitig si Maria sa mga mata ni Greg na kanina pa naghihintay ng sagot niya. 

Sobrang naaakit pa rin si Greg sa mga mata ni Maria kaya't umiwas siya ng tingin.

Nagsimulang magsalaysay si Maria.
"kailangan kong ipagamot si Lolo rito sa Maynila dahil mas magaganda ang ospital dito at maraming doktor ang magpapagaling sa kaniya. Pero di ko akalain na ganon kahirap ang pagpapagamot sa kaniya pero lahat ng paraan ginawa ko para masustentuhan ang gamutan at operasyon niya. Nagtrabaho ako umaga hanggang gabi. Ganon din si Mitch tinulungan niya ako, pati ipon niya ibinigay niya. May pagkakataon ding namalimos ako sa labas ng ospital para matuloy ang dialysis niya,.. Lahat ng sakripisyo at pagtitiis ginawa ko para mabuhay si Lolo. " nagsimulang tumulo ang luha niya nang maalala niya ang gabing ikinulong sila ni Madam Mimi sa isang kwarto na walang kasaplot saplot.

Pati si Samuel na nakikinig lang sa isang sulok sa kusina ay napapaiyak sa buhay ni Maria.

Nakaramdam ng pag aalala si Greg.

"n-kaligtas ba ang Lolo mo? " interesadong tanong ni Samuel.

Tumango si Maria.

"naawa si Allah kaya naoperahan siya at nakaligtas p-pero nang umuwi kami sa Sulu.. " udlot niya.

Mabilis na sumagi sa isip ni Maria ang pagpapahirap sa Lolo niya ng mga tauhan ni Lionel bago ang barilin sa harap niya ang Lolo niya.

"w-wala pa ang isang taon pero pinatay nila si Lolo.. B-inaril siya sa harap ko.." humagulgol nang tuluyan si Maria.

Awtomatikong nagkatinginan ang magkaibigan nang marinig ito.

"w-wala akong nagawa para iligtas sya sa pagkakataong iyon.. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo.. Nagmakaawa ako na dalhin sya sa ospital pero pinagtawanan lang nila ako.. Mga hayop sila!! Wala silang awa! " agad na kinuha ni Maria ang baso at ibinato ito sa sahig.

Nagulantang ang dalawa sa sunod niyang ikinilos. Mabilis na kinuha ni Maria ang kutsilyong nasa lababo at itatarak sa puso niya.
"ayaw ko ng mabuhay! --gusto ko ng mamatay"

Pero mabilis na inagaw ito ni Greg.

Natakot naman si Samuel sa ginawa ni Maria at hindi na ito nakakilos pa sa kinatatayuan niya.

Niyakap niya nang mahigpit si Maria.

"wag mong gawin yan Maria,  di ba nga sabi ko sa'yo ayaw kitang mamatay.." pigil ni Greg.

Pero nagpatuloy sa pagsigaw si Maria.
"gusto ko ng mamatay! Walang halaga ang buhay ko!! Mga hayop kayo! Wala kayong awa!!" sinampal niya si Greg.

Nagulat si Greg sa lakas ng sampal niya.

Pinuntahan ni Maria si Samuel at sinampal din.
"walanghiya kayo! Wala kayong awa!"
Gulat na gulat si Samuel.

"teka bakit mo ako sinampal? " pagtataka ni Samuel.

Nanlaki ang mga mata ni Greg nang makitang pinunit punit ni Maria ang damit na suot niya.

"wala akong kuwenta!! Gusto ko ng mamatay! " saka niya pinagsasasampal ang sarili nito.

"ayoko ng mukhang to!! Ayokong mabuhay! " tinangka niyang kalmutin ang mukha niya pero pinigil agad ito ni Greg.

"ano bang nangyayari sa'yo Maria?  Wag mong saktan ang sarili mo.. " pag aalala ni Greg.

Pero hindi tumigil si Maria. Sumisigaw pa rin at pilit na kumakawala sa yakap ni Greg.

Nag isip ng paraan si Greg kung paano niya mapipigilan si Maria.

"ano bang gagawin ko sa'yo?" hanggang sa sumagi sa isip niya kung paano niya napahinto si Maria nang takot na takot ito sa ginawa sa kaniya ng kaniyang ama.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon