Madaling araw nagising si Maria para mailagay ang mga naaning kamote sa mga sako na dadalhin mamayang umaga sa pamilihan. Madilim pa sa labas nang kunin ang mga sako na nakasampay sa bakod sa likod ng kanilang bahay. Napatigil siya sa pagkuha nang may naaninag siya sa di kalayuan na mga anino papunta sa bahay na inilaan para sa mga militar.
Sinundan niya ito nang marinig niya ang boses ng isang babae. Dalawang anino ng lalaki ang nakita niyang may hawak hawak sa magkabilang braso ng babae.
Ang isa ay tinatakpan ang bibig ng babae. Nakita niyang pumasok ang tatlo sa pinto ng bahay ng mga militar.
Gusto niyang lumapit pa sa kampo ng mga militar pero nakita na siya ng kaniyang Lolo kaya't hindi na niya itinuloy ang balak.
Sa pamilihan, nanibago si Maria dahil sa daming mga kakompetensya niya sa pag aalok ng kamote. Hindi niya akalaing sa marami na ring kagaya nila ang nagtatanim nito sa bundok. Isang sako pa lamang ang nauubos kaya't nag isip siya ng paraan.
Binuhat nila ng kaniyang lolo ang apat pang sako sa bungad ng pamilihan upang mas madali na makita ng mga taong darating pa lamang ang kanilang paninda.
Bawat negosyanteng ale at mama na galing pa sa bayan ay inaalok niya hindi nman siya nagkamali sa diskarteng ito na ginawa niya.
Isang sasakyan ng mga militar ang nakita niyang parating na naglalaman ng pito hanggang walong katao. Lumagpas ito sa kanila.
"mukhang ligtas na nga tayo sa mga rebelde at bandido Lolo sa dami ng militar na pumaparito" sambit niya.
Tumango ang Lolo niya.
"kaya nga ang ating Sultan ay lubos ang pasasalamat.. "Hinatid ng mga mata ni Maria ng mga tingin ang sasakyan ng militar na pumasok sa loob ng pamilihan.
Nasilip niyang huminto ito sa isang karinderya na nasa gitna ng pamilihan.
Isang sako na lang ang natitira pero nakaramdam na ng gutom ang Lolo niya kaya't minabuti niyang buksan na ang kanilang dalang baon.
Naghanap ng puno para sumilong sa kalagitnaan ng tirik na araw.
Nalimutan niyang magdala ng tubig kaya't gaya ng dati nagdala siya ng limang pirasong malalaking kamote at tinungo ang karinderya para ipalit ang dala ng tubig na maiinom.
Lalo siyang nakaramdam ng uhaw nang matapos maglakad.
Kumaway siya sa aleng nasa harap ng karinderya. Saka inilapag ang dalang kamote.
Maya maya lang ay isang pitsel na may malamig na tubig ang iniabot sa kaniya nito.
Sa sulok ng karinderya kanina pa siya pinagmamasdan ng isang militar. Malalagkit ang tingin kay Maria.
Siniko niya ang katabi sa kaliwa. Inginuso si Maria.
Sumulyap ang siniko.
"ahhh yan yong magandang badjao na taga bundok.. "
Sa sobrang uhaw niya, may mga lumagpas na tubig sa bibig nito at umagos hanggang leeg niya. Mabilis niyang pinunasan ito ng hawak na towel.
Umabot ang basa hanggang sa kaniyang dibdib.
Titig na titig ang militar na ito sa kaniya.
Lumagok ito ng inorder niyang kape.
"napakaganda nga.. " sambit nito."mukhang type ng aming bagong Lieutenant Colonel ah.." sabi ng siniko niya.
Napangiti ito sa kaniya.
"makakasabay at makikita mo pa yan Sir kapag nakarating ka na doon sa maliit na kampo sa isla.. " dagdag pa nito
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...