Tulad nga ng inasahan ni Doktor Mariano, may dalawang sundalo ang nagpapabalik balik sa paligid ng ospital.
Alam ng doktor na susundan siya ng mga ito pag uwi sa bahay kaya't minabuti niyang hindi muna umuwi sa tinutuluyan nito. Babantayan niya nang buong magdamag ang matanda.
Nag alala si Maria sa hindi pag uwi ng doktor kinagabihan. Napakarami na niyang iniisip ng kung ano ano. Sumilip siya sa bintana at tiningnan ang paligid. Madalang na ang naglalakad sa kalsada. Gusto niyang puntahan ang Lola niya.
Nagbaon ito ng pritong manok at kanin para sa dalawa. Nilagay niya ito sa bag.
Nagdoble doble ang inabot na malas ni Greg dahil habang binabaybay niya ang bayan ng Sulu ay tumirik ang kotseng second hand na binili niya on line para gamiting transportasyon nito para makarating sa ospital. Ipinaayos niya ito sa talyer na nalagpasan niya pero pagdating ng gabi ay na-flatan pa siya. Nang tingnan ang oras ay alas 9:00 na ng gabi.
Napansin niyang sarado na ang mga establisimento sa paligid, pati mga bahay ay sarado na rin. Naglakad pa siya para makakita ng taong tutulong sa kaniya.
"pambihira napaka aga pa, wala ng tao" inis niyang sabi.
Naglakas loob nang lumabas ng bahay si Maria. Dalawa ang balak niyang gawin. Makahanap ng telepono o cellphone para makontak ang kaibigang si Michelle at ang makarating nang sikreto sa ospital nang hindi napapansin ng mga sundalo.
Ipinusod ni Maria ang buhok nito at hiniram ang sumbrero ng doktor. Ipinagpatong patong din niya ang damit na ipinahiram ng doktor sa kaniya.
Sinubukan ni Greg na kumatok sa mga bahay na may ilaw pa ang sala pero hindi tao ang lumabas kundi aso. Hinabol siya ng aso at wala siyang ibang ginawa kundi tumakbo nang tumakbo. Binabato niya ang aso pero lalo itong bumabagsik.
Nakalayo na siya sa bahay ni Doktor Mariano nang may napansing paparating na sasakyan ng mga sundalo.
Agad siyang nagtago sa isang iskinita. Kailangan niyang makalayo pa dahil siguradong pupuntahan nila ang bahay ng doktor. Kaya't kumaripas siya nang takbo.
Hindi na alam ni Greg kung saan pa siya dadalhin ng mga paang todo ang pagtakbo nito.
Dahil madilim ang lugar na pinasok ni Greg hindi niya nakita ang paparating ding tao sa daang tinatahak niya. Nagkabungguan ang dalawa. Tumama ang mukha ni Maria sa dibdib ni Greg. Na out of balance naman si Greg kaya't napahiga siya at tumalbog siya sa daan.
Nang imulat niya ang mata nito nasa ibabaw niya ang nakabungguan niya. Nagkatitigan ang dalawa.
Sa napakadilim na iskinita, napatitig si Greg sa nakabunggo niya. Natakot si Maria sa ginawa ng lalaki kaya't mabilis siyang lumayo rito.
Napaupo ito sa semento at napaatras kahit pa sumadsad na magaspang na semento ang damit niya hindi na niya ito alintanan basta makalayo lang sa lalaki.
Kinuha ni Greg ang cellphone niya at ini-on ang flashlights nito. Nasilaw si Maria nang itutok ito sa kaniya.
"tama ba ako..telepono ang hawak niya? " sa isip ni Maria.
Bumangon at lumapit pa si Greg sa kinaroroonan ni Maria. Tangkang hahawakan ni Greg ang mukha niya.
Muling umatras ai Maria at nakaramdam dito ng takot.
"wag... " sabi ni Maria habang patuloy na umaatras.
"kahit may ilang pasa siya sa mukha at malaki ang eyebag niya.. Napakaganda pa rin ng mukha niya. " sa isip ni Greg.
Pero natigil siya nang marinig ang kahol ng asong humahabol sa kaniya. Mabilis na nagtago si Greg sa likuran ng babae.
"Hinahabol ako ng asong yan!" halata ang takot sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...