Mabilis na sinundan ni Samuel ang Kapatid at pinipigilan siya sa balak nitong gawin.
Narinig Nila Aileen at Boyet ang sigaw ni Samuel na kasalukuyang papasok na sa loob ng mansyon. Nag alala ang dalawa kaya't agad din silang napasunod sa roof top.
Nadatnan nilang nakikipaglaban si Maria na makaalis sa pagkakapulupot ng mga bisig ni Samuel sa bewang niya para pigilan ang pag akyat sa grills na harang sa mga gilid ng roof top.
Napailing si Aileen dahil hindi Niya inasahan na magiging mas malala pa ang gagawin ni Maria dahil sa Kapatid.
"So gusto mong magpakamatay!?" inis na nasambit ni Aileen.
Napatingin sa kaniya ang tatlo.
Kumuha si Aileen ng halaman sa gilid, kahit mabigat dahil sa babasaging paso nito ay kinaya niyang buhatin. Ibinagsak niya ito sa gilid ng roof top. Nabasag ito nang bumagsak sa sementadong sahig sa ibaba.
Saka niya pinuwersang kinuha ang mga kamay ni Maria para maipakita ang nangyari sa nalamang itinapon niya.
"Magpapakamatay ka?---- kapag ginawa mo yan.. pinatunayan mo lang na Wala kang kuwentang Ina! at hindi ka karapat dapat sa Kapatid ko!" may kataasan na ang boses ni Aileen.
Ikinagulat naman ito ni Samuel at Boyet.
"Aileen..." pigil ni Samuel.
Napatulala si Maria sa ibaba at nabalot ng takot ang mga mata niya dahil nagkalasog lasog ang halaman na bumagsak sa sahig.
"Makasarili ka Maria? Dinadala mo ngayon ang anak ninyo ni Greg pero inisip mong tapusin ang buhay mo?! Pati ang hindi mo pag amin sa Kapatid ko na mayroon ka pang Isang anak at ang katotohanan tungkol sa'yo ay ginusto mong itago kay Greg. Sarili mo lang ang inintindi mo. Paano naman si Greg na nagmamahal sa'yo ng tapat? Sa tingin mo hindi maaapektuhan si Greg sa gagawin mo?--- Alam mo kung anong ikinagalit sa'yo ng Kapatid ko at sigurado akong, hindi mo na naman inisip ang mararamdaman niya. Ano bang palagay mo kay Greg?--- Isang superman ng buhay mo, na biglang dumating sa buhay mo! Na lumalaban para sa'yo! Na tagapagligtas mo! Na Isang lalaking laging matapang para sa'yo!? Wake up Maria?! Ilaban mo Naman ang Kapatid ko! He don't deserve what you're trying to do?! Maging matapang ka Naman para sa Kapatid ko! Lumaban ka Naman para sa kaniya! Piliin mo Naman Siya?!" naluluhang hayag ni Aileen.
Sunod sunod na bumagsak sa sahig ang mga luha ni Maria mula sa roof top matapos marinig ito kay Aileen.
Mabilis na tumalikod si Aileen para bumaba at makaalis sa kinaroronan. Napakabigat ng loob niya ngayon. Hindi na niya pinakinggan pa ang sasabihin ni Samuel, o ni Maria.
Ang mahalaga maisagawa niya ang dapat na gawin niya bilang Doktor ni Maria sa ganitong sitwasyon.
Huminga nang malalim si Samuel at lumapit sa Kapatid.
"A-ako na ang humihingi ng despensa sa mga nasabi ni Aileen.. " sabi ni Samuel.
Marahang humarap si Maria sa Kapatid. Napasulyap din siya sa kaniyang Tito. Parehang nag aalala sa kaniya. Iyon ang nakita niya sa mga mata Nila.
"T-tama Siya.. tama si ate Aileen, Kuya. Makasarili ako.. sarili ko lang ang iniintindi ko. ---I'm sorry.. " aniya agad.
Niyakap Siya ni Samuel.
"It's ok.. This won't be easy but I believe in you. If Aileen is right..then fight, fight for Greg." hikayat niya.
Tumango si Maria.
Napangiti si Boyet na minamasdan ang dalawang pamangkin. Maluwag na ang kalooban niya nang makitang nagtagumpay si Aileen sa ginawa niya.
Nagbigay ng sigarilyo si Erning kay Greg pero tumanggi siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...