Kadena 68

37 4 0
                                    

Isinama ni Greg ang isang kaibigan nitong magaling sa pangungupya ng mga susi para magawa nito ang key duplicate ng kandado sa apartment na pinupuntahan ni Lea.

At makaraan nga lang ng tatlumpong minuto ay nagawa na ang susi. Binayaran niya ang serbisyo ng lalaking ito.

Ito ang ginamit niya para mabuksan nito ang kandado ng apartment. Nang makarating sa loob ay umalingasaw agad ang masamang amoy. Madilim dahil makakapal ang kurtina ng mga bintana. Hinanap niya ang switch ng ilaw malapit sa kanan ng pinto. Nang magbukas ay nasilip niya agad na may mga paang nakatali ng malalaking kadena malapit sa kusina.

Tinungo niya ito at nasuka sa napakabahong amoy ng lalaking nakahandusay sa sahig.
Putol ang isang daliri nito sa paa.. May mga tiyong patak ng mga dugo sa sahig. Hindi gumigising ang lalaki at di namalayan ang pagdating niya. Kumuha si Greg ng tubig sa faucet sa lababo. Ibinuhos niya ito sa mukha ng lalaki at gumising ito.

"grabe ang amoy mo?! May tubig naman ahh.. Bakit di ka maligo.." sambit ni Greg.

Grabe ang pagkakatitig sa kaniya ng lalaki.

"may dala nga pala ako sa'yong pagkain.. " hayag ni Greg.

Nagtataka man ang lalaki ay binalewala ito nang marinig niya ang pagkain. Biglang nabuhayan ito.

Kinuha ni Greg ang dalang ulam at kanin na inorder niya sa isang restaurant kanina para dalhin sa lalaking ito. Tinanggal niya ang busal sa bibig nito.

"naku pasensya ka na hindi ako nakapagduplicate ng susi sa mga kandado ng mga kamay at paa mo. " sambit ni Greg.

Halatang halata ni Greg na natatakam na ito sa pagkain niyang dala. Kaya't mabilis niya itong sinubuan. Panay lang ang ngalngal at lunok ng lalaki.

"Rodolfo ang pangalan mo hindi ba? " singit ni Greg habang sinusubuan ito.

Tumango ang lalaki.

Mabilis na naubos ni Rodolfo ang dala niyang pagkain sa ilang minuto lang. Kumuha siya ng isang basong tubig sa faucet at pinainom ito. Nakadalawang beses ito ng baso ng tubig.

"grabe ang dami mong gutom at dami mong uhaw ha? " biro ni Greg.

"sino ka? Bakit mo ako kilala?  Paano ka nakapasok dito? " sunod sunod na tanong ni Rodolfo.

"may pagkabastos ka rin e no? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na muna sa akin?? " asar ni Greg.

Tinitigan siya ng lalaki at saka sinilip ang pinto palabas. Nakita niyang naka awang ang pinto.

"tulong!! Kinulong ako rito!! Tulungan nyo ako!! " sunod sunod nitong sigaw.

Nainis si Greg sa ginawa niya kaya't sinuntok niya ito sa mukha.

"gago ka Ipapahamak mo pa ako?! Hindi ka lang bastos, isa ka ring tanga!! " galit na sigaw ni Greg.

Binalingan siya ni Rodolfo ng galit na titig.
SInuntok siya uli ni Greg.

"hindi mo ba alam ang lumang apartment na ito ay pagmamay ari ko?! Alam mo bang kaya kitang sunugin ng buhay dito?! " panakot ni Greg.

"pare pareha kayo! Ilang beses ko ba sasabihing hindi nyo kailanman mahahanap ang nanay ko."

Bumuga nang hinga si Greg.

"pakakawalan pa naman sana kita kaso ginagago mo ako.. " yamot na sabi niya saka lumakad palayo sa kaniya.

"teka!! --anong sinasabi mong pakakawalan mo ako?! Sino ka ba?! " habol niya kay Greg.

Ngumisi si Greg nang humarap ito kay Rodolfo.
"sabihin na nating swerte mo dahil sagad hanggang buto ang galit ko sa Leang yon na nagpakulong sa'yo rito.. " pagmamalaki niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon