Kadena 20

87 9 0
                                    

Sinamahan ni Dr. Mariano kung saan tutuloy ang team nila Greg sa apat na araw na lalagi sa kanilang bayan. Isang malaking bahay ito na may sariling kusina, sala at walong maliliit na kwarto.

Masayang masaya si Dr. Mariano dahil kasama ang lugar nila sa napiling pagdadausan ng medical mission ng grupo nila Greg.

Habang iniisa isang tingnan ni Greg ang kwarto ay may naitanong ito sa doktor.

"dok y-yong kasama kong babae kagabi.. ilang taon na? " lakas loob niyang tanong.

Natawa si Dr. Mariano.

"alam ko kung anong iniisip mo Dok. Fuentebello.. " sabi niya.

Napangiti si Greg.

"well I'm just being observant dok.. " aniya.

Tinungo ni Dok Mariano ang sala. Sumunod din si Greg.

"so did you also observe her eyes?" napaupo ang doktor.

Napakunot noo si Greg..

"paano niya nalaman yon? " sa isip niya.

Sumagot si Greg.
"ginawa ko at wala akong ibang nakita kundi puro lungkot.. " sambit niya at umupo rin sa tabi ng kausap.

"exactly.. Tell me Dr. Fuentebello how to cure with that kind of pain? " naitanong sa kaniya.

Napalunok si Greg. Wala siyang maisagot dahil sa pagkakaalala niya sa kaniyang mommy ay hindi niya nagamot ang kalungkutang nararamdaman nito noon.

Huminga nang malalim si Dr. Mariano.

"ang tanging kaya ko lang gawin ngayon ay makinig at tingnan ang mga mata niya.. " makabuluhang sabi ng doktor.

Napatitig si Greg. Naalala niya ang mga mata ng ina niya. Napailing siya nang makitang ang sinasabing 'makasarili' ang ina.

"no way, bakit iyon ang nakita ko sa mga mata ni Mommy?" tanong niya sa isip.

Nagtungo si Dr. Mariano sa kusina.

"May mga naipamili na nga pala akong kaunting maluluto ninyo na nasa ref.. May oras nga pala ang bukas ng gripo.. Bubuksan ito ng 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. Naiinon ang tubig na ito dahil galing ito sa bukal. Siya nga pala dok.. Gusto nyo ba ng may makatutulong dito sa loob ng tutuluyan ninyo? I'm sure magiging busy na ang team ninyo kapag nagsimula na ang mission, at pagod na rin kapag hapon. " bigla niyang naisip na tanungin ang huli.

Naunawaan naman agad ni Greg ang ibig sabihin niya.

"mukhang magandang ideya yan.. Siya ba ang isa-suggest mo? " ngiting sabi niya.

Napatango ang kausap.

"bahala na rin kayo kung magkano ang ibibigay ninyo sa kaniya. Ngayong narito na siya siguradong hindi na siya makakapagtrabaho sa pamilihan."

Lumapit si Greg at naintriga.

"h-hindi siya tagarito? " agad na tanong niya.

"maraming badjao rito pero nakakalat sila sa Sulu.. Ang isang tribo pa nito ay nasa islang dulo kung saan siya nakatira. Kailangan mo pang tumawid sa dagat ng dalawa hanggang tatlong oras. Nagtitinda ang mga badjao ng kanilang huling mga isda at ani sa pamilihan. Pero malayo pa rito ang pamilihan. May isang oras din ang layo buhat dito sa bayan.." paliwanag ng doktor.

"tribong badjao... " sambit ni Greg

Tumango ang kausap.

"alam mo dok Mariano, sa internet nakikita ko ang itsura ng mga badjao.. Halos magkakamukha sila.. Nong una kong nakita siya.." natigil si Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon