Kadena 22

66 8 0
                                    

Kinaumagahan,  maagap na nag set up ang team ni Greg para simulan ang unang araw ng medical mission.

Sumilip si Maria sa bintana mula sa kwarto ni Greg. Nakikita na niya ang napakaraming mga taong nakapila na sa labas ng ospital. Naipuwesto na rin ang dalawang truck van para sa X-ray at sa lab test.

Sa covered court naman na katabi lang ng ospital sa kaliwa ay kasalukuyang naghahanda na rin ang grupo nila Lea para sa gift giving na programa naman nito.

Kitang kita ni Maria ang kabuuan dahil nasa ikalawang palapag siya ng bahay na tinutuluyan nila. Maraming klase din ng gamot ang nakalabas na sa isang malapad na mesa ang naroon.

Mabilis na napaupo si Maria nang nakita niyang may tatlong truck ng militar ang paparating.

Takot na takot siya kaya't nagtungo siya sa cabinet na nasa hulihan ng kama at doon sumuot. Bumalik sa alaala ni Maria ang napakaraming beses na itinututok sa kaniya ang mga baril nilang hawak sa kaniya sa tuwing siya'y mahahanap ng mga ito at dadalhin kay Lionel.

Bumalik si Greg sa bahay tuluyan nila para makaligo dahil may trenta minuto pa bago magsimula ang team.

Nagtaka siya nang buksan ang pinto at wala roon si Maria. Inaasahan niyang naroon ito sa loob dahil pinatulog niya ito sa kwarto niya.

Napansin niyang maayos at malinis ang kabuuan ng kwarto. Natuwa siya dahil iniwan niya itong magulo at makalat. Napaupo siya sa kama nang tumunog ang cellphone nito. Tawag mula kay Grace.

Naunang nagsalita ang girlfriend nito.

Nagmamadaling magpaliwanag.

Nang masabi ang gustong sabihin ni Grace ay nagulat ito.

"Bakit hindi ka makakauwi?! -- di ba nag usap na tayo? " inis niyang sabi.

Hindi na natatanggap ni Greg ang mga sumunod na paliwanag ni Grace.

"I'm here in Sulu working on our plans even I'm with this bitch woman of Dad, I've  done so much effort just to accept me by your parents, forget myself, my own dreams just for you Grace.. Tapos sasabihin mo lang kailangan mong sumabay sa pag uwi ng punyetang lalaking yan dahil yon ang gusto ng both parents ninyo?! -- for God's sake Grace, make your own decision in life! " sa galit niya pinatay na niya ang tawag ng girlfriend.

Naririnig ito ni Maria. Tumayo si Greg sa bintana, huminga nang malalim. Minasdan sa tapat ang mga taong nakapila na. Nagsuot na rin ng gown ang dalawang doktor na kasama niya.

"I'm doing this for you Grace.." sambit niya.

Nilingap ang gown nito na nakahanger..

Tiningnan niya ang oras, may 20 minutes pa.

Tinungo niya ang cabinet kung saan naroon ang mga damit niya.

Habang inilalagay ni Lea ang mga tetra pack na juices sa mga cooler na dala nila ay sumagi sa isip niya ang pag uusap nila Greg kagabi.

Matapos niyang mapainom ng tubig ang Lola ni Maria ay hinanap niya agad si Greg. Nakita niya ito sa gilid ng ospital. Umiinom ito ng beer sa in can.

Minabuti niyang bumili rin at sabayan si Greg sa pag inom nito.

Nang makabalik si Lea, narinig niyang kausap ni Greg ang kaibigang si Samuel.

Nagtatawanan ang dalawa. Dito na siya lumapit at umupo sa upuang naroon, isang metro ang layo kay Greg.

Naglakas loob siyang magsalita matapos buksan ang in can beer.

"Nakakatuwa kayong magkaibigan ni Samuel.. Para kayong magkapatid." pangahas na sabi niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon