Kadena 52

53 3 0
                                    

Nagising si Maria sa hilik ni Greg. Hindi niya agad kumilos at bumangon ng kama dahil gusto niyang pagmasdan ang mukha ni Greg ngayong napakalapit ng kaniyang mukha rito.

Kahit nakanganga si Greg ay hindi talaga maitatangging napakagwapo nito. Napansin ni Maria na nakaunan siya sa machong kaliwang braso ni Greg at ang kanang bisig nito ay nakayakap sa bewang niya.

Marahang hinaplos ni Maria ang 'side view' ni Greg mula sa gitna ng noo niya, paibaba sa matangos nitong ilong hanggang sa nakanganga nitong bunganga. Ipinikit niya ang mga mata, inihanda niya ang dalawang kamay niya para marahang haplusin ang kabuuan ng mukha ni Greg. Nagsimula siya sa malapad nitong noo na nahaharangan ng bagsak nitong bangs, sa makapal at maiitim nitong kilay.

Maingat na idinampi rin niya ang mga daliri sa mga mata nito. Nasalat niya ang manipis pero mahabang pilik mata. Nilakbay pa ng dalawang kamay niya ang makinis na pisngi nito at nang dumako siya sa labi ni Greg ay hindi na ito nakanganga. Natigil siya sa pinagitnang bahagi ng bibig.

Sa ginawa niyang ito, para siyang bumalik sa loob ng madilim na kwartong iyon sa hotel at ipinalagay na inaalalayan siya ng mga kamay ng lalaking kasama niya noon sa kwarto para haplusin ang kabuuan ng mukha nito.

Napangiti si Maria nang bahagya nang nahinto siya sa maumbok na labi ni Greg. Dahil ang parteng ito ang gustong gusto ni Maria lalo na ang malalim na guhit nito na komokonekta sa ilong ng lalaki.

Nakita naman ni Greg ang pagngiti ni Maria dahil kanina pa nito iminulat ang mga mata niya. Sinadya niyang yakapin nang mahigpit si Maria para lumapit pa nang husto si Maria sa kaniya.

Sa gulat niya, naimulat ni Maria ang mata niya. At bumungad na sa kaniya ang katiting na layo ng kanilang mga labi ni Greg. Iniatras ni Maria ang ulo nito nang marahan pero nakaharang na ang bisig ni Greg. Dumantay si Greg sa kaniyang binti dahilan para makulong siya nito.
Pilyong iminulat ni Greg ang mga mata at mabilis na hahalik sa labi ni Maria pero nakaligtaan ni Greg ang dalawang kamay ni Maria na maaari niyang magamit para ipangharang ito sa labi niya. Kaya't pinigilan niya ang paghalik. Itinuloy niya ito sa noo ng dalaga.

Saka nag inat na ito.

"ay ang sarap namang matulog.." sabi ni Greg.

Nakahinga naman ng maluwag si Maria dahil sa pag aakalang hindi siya nito nahuling hinahaplos ang mukha ni Greg.

Nagtama ang kanilang mga tingin nang sabay silang bumati sa isa't isa.

"kumusta nag tulog mo mahal ko? " kay Greg.

"naging mabuti na ang tulog ko.. " kay Maria.

Nagngitian ang dalawa.

"lagi ka bang nananaginip ng masama??" tanong ni Greg habang uminat at humikab.

"pumayag akong tatabi sa'yo sa pagtulog basta kung may nakita o naramdaman kang may kakaiba sa akin.. Wag mo na akong papansinin hindi ba?? " pagpapaalala niya.

"sabi ko nga e.. Ako ang mag aadjust sa'yo.. " sambit ni Greg.

Ngumiti si Maria.

"salamat Greg...kong mahal" hayag nito.

Makahulugang tinitigan niya si Maria. Hindi naman maitago ni Greg ang kilig nito kaya't hinawi hawi nito ang long hair niyang buhok na paulit ulit namang bumabagsak din sa ulo niya saka makailang beses na kinagat kagat ang labi nito.

"alam mo Mahal ko.. I can't wait to marry you.. " pagtatapat nito.

"Hindi ko yon alam.. Ingles kasi.. " sagot ni Maria.

Umiling si Greg saka isinubsob ang mukha sa unan.

Bago tumayo si Maria ay nagpaalam ito kay Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon