Kadena-KiligFinale

169 8 5
                                    

Nagpunta ng pamilihan si Greg pagkatapos ng pananghalian. Ito ay para makasagap ng signal at siguraduhing maayos ang mangyayari kinabukasan. Kailangan Niya ring magpatawag pa ng Isang helicopter na masasakyan pa ng mga kaibigan ni Maria sa Sulu. Mayroon na rin siyang sikretong bibilhin sa bayan.

Nagturo ng mga Nanay na badjao si Maria tungkol sa tamang pagtatanim ng kani kanilang mga tanim sa isla. Para sa mas maraming bunga at mas maraming ani. Katulong Niya rito si Ramjid at ang asawa nito.

Samantalang nagtuturo Naman ng mga bata sina Joel, Mitch at Lea sa Daycare Center. Si Grace at si Aileen ay tandem Naman sa pagchecheck up pa ng mga badjao sa kanilang kalusugan at nagbibigay ng tamang gamot.

Tuwang tuwa ang mga naroon dahil natuto na, sila ay nabigyan pa sila ng mga libreng gamot.

Wala na ang takot ni Maria sa mismong kinatutuntungan niya. Inisip niyang akyatin ang dating punongkahoy na kaniyang umaakyat nong bata pa siya kung Saan tanaw niya ang buong isla. Niyaya Niya si Ramjid.

Nahirapan siya noong una, pero dahil sa husay niyang umakyat ng puno ay hindi niya nalimutan ang mga teknik kung paano Niya Ito nagagawa noon.

Nang makarating sa tuktok ay nasilayan niya muli ang buong isla. Mainit ng mga sandaling iyon pero hindi ito alintana ni Maria. Mabuti na lamang at malamig pa rin ang ihip ng hangin. Sumunod na narating ni Ramjid ang tuktok. Sinabi nitong 'masarap pa rin sa pakiramdam ang maka akyat sa punong ito.'

Sumang ayon si Maria.

"Tama ka, lalo na ngayong mas maaliwalas at mas mapayapa na ang lahat. Napakasarap pagmasdan ng mga vinta sa dagat, ng mga lumulutang na bahay sa tabi ng dagat, ang pag akyat at pagbaba ng mga badjao sa bundok, ang kanilang pangingisda at pagtatanim. Lalo na ang kanilang paglalayag papuntang pamilihan. " sambit ni Maria.

Naalala ni Ramjid ang kanilang guro na si Johara. Isinalaysay Niya muli kay Maria ang pangaral nito sa kanila tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral. Nagpasalamat si Ramjid sa guro nilang iyon dahil naturuan sila ng ganoon dahil kung hindi, mananatili sila sa kahirapan.

Naalala rin ito ni Maria. May lungkot siyang naramdaman nang maalala ang kinahinatnan ng kaniyang gurong si Johara noon.

"Napakalungkot ng nangyari sa kaniya Ramjid.. sana natulungan ko siya noon." nasambit ni Maria.

Umiling si Ramjid at sumenyas muli kay Maria. Sinasabi nitong si Johara ay hindi tunay na guro. Ikinuwento ni Ramjid na nang matapos ang Kaso nito at umuwi na nga Siya sa isla ay napag alaman niyang hindi si Johara ang 'volunteer teacher' na ipinadala sa isla ng lokal na pamahalaan, ito ay nagpanggap lamang. Si Johara ay anak ng mayamang businessman sa Maynila na naglayas sa pamilya nito. Idinagdag pa niya na ayon sa mga imbestigador, Siya ay si kaibigan ng Ama at Ina ni Maria. At siya ang dapat na babaeng ipakakasal sa Ama ni Maria. Sinabi pa ni Ramjid na nang malaman nito ang nangyari sa mga magulang ni Maria ay agad siyang nagpunta ng Sulu para alagaan ang nag iisa nilang anak na babae. Plano pa nga sana ni Johara na itakas si Maria kinabukasan ng araw na may mangyaring masama rito.

Ikinagulat ito ni Maria.

"Ano??" Hindi Siya makapaniwala.

Nagpatuloy si Ramjid sa pagkukuwento. Ipinaalam niya kay Maria na mabuting magkakaibigan ang kaniyang mga magulang noon at si Johara. At kahit hindi siya ang pinili ni Robert ay hindi ito nagkaroon ng sama ng loob kahit pa Mahal na Mahal niya si Robert. May mga sulat na nakita sa mga personal na gamit nito na nag uugnay sa mga magulang ni Maria. At ang pinakahuling na natanggap ni Johara galing sa Sulu ay sulat ng Ina ni Maria na humihingi ng tulong rito. Nasa bingit noon ng karamdaman si Aliyah, ang Ina ni Maria. Kaya iyon ang dahilan ng pagdating niya sa Sulu.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon