Kadena 95

30 5 0
                                    

Nagising si Greg nang alas tres ng madaling araw. Naging napakasarap ng tulog nila ni Maria matapos ang pagiging isa ng kanilang mga katawan kagabi. Nakabalot lamang ng makapal na blanket ang mga hubad nilang katawan. Nakayakap at nakadantay si Maria sa kaniya. Ayaw niya itong istorbohin sa pagtulog kaya't dahan dahan siyang kumilos para makawala sa yakap at dantay ng binti nito sa kaniya.

Hinanap ang damit kagabi at isinuot. Napakaganda pa rin ng mga kalangitan nang tingalain niya ito. Naupo siya sa tabi ni Maria at humalik sa noo nito.

Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Napakagat labi siya.

"I can't deny the fact that I love the way I make love with you.." nasambit ni Greg habang nakamasid sa mukha ni Maria.

Nagdesisyon siyang buhatin ito para ibalik sa kwarto nila. Kaya't binalot niya ng blanket ang katawan ni Maria para mabilis na sila'y makarating sa kwarto.

Binalikan niya sa roof top ang mga naiwang damit ng asawa sa kamang tinulungan nila. Inilapag niya ang mga Ito sa ibabaw ng kama nila.

Tinungo na niya ang shower room. Pagkatapos ng mabilisang pagligo ay nagbihis agad siya. Naghanda ng ilang mga damit at isinilid ang mga kinakailangan niyang gamit para sa tunay na sadya niya sa Ninong niya.

Isinuot na rin niya ang relong ibinigay ng kaibigan niyang hiningan niya ng tulong para magtagumpay ang plano niya.

Lahat ng kailangan niya ay sinigurado niyang nadala niya lahat.

Naka-V neckline royal blue shirt Ito na pinatungan ng maong na jacket. Binagayan ng itim na pantalon at nike rubbershoes na magkahalong royal blue at puting kulay.

Nagwisik na rin siya ng pabango. Tinawagan agad din niya si Alex para ipaalam na paalis na siya ng mansyon. Ibinilin rin niyang magkita na lamang sila sa tinutuluyan ni Mitch para sabay-sabay na sila umalis.

Paglabas sa wardrobe room nila ay nakaramdam siya ng bigat sa kalooban na iwanan si Maria. Naupo siya sa gilid ng kama sa tabi ni Maria. Hinaplos ang mahaba nitong buhok. Humalik sa noo at labi nito.

"I don't have any idea of what Will happen to me when I meet him.. I ask you to pray for me. Dahil ang totoo may kaba akong nararamdaman. It's his territory not mine and I don't know if I'm going to win against him. He's strong and powerful. The only weapon I have right now is my love for you.. " nangilid ang mga luha ni Greg habang pabulong na binabanggit Ito sa sarili.

Hinawakan niya ang kamay ni Maria. Hinagkan Ito.

Nagising si Maria sa ginawa niya. Nakita niyang nakabihis na si Greg at handa nang umalis. Inipit nito ang blanket na tumatakip sa hubad niyang katawan sa magkabilang kili-kili niya at naupo sa kama. Ikinagulat niya na nasa kwarto na sila at hindi niya naramdaman ang pagbuhat ni Greg sa kaniya. Pero mas umagaw ng pansin sa kaniya ang nangingilid na mga luha ni Greg.

Pinunasan niya ito gamit ang kamay niya.

"Bakit ka naiiyak??-- may nangyari bang masama?" pag aalala ni Maria.

Pero makahulugan lang siyang tumitig kay Maria saka niyakap siya.

"Mahihiwalay Kasi ako sa'yo.. pakiramdam ko matagal tayong magkakahiwalay." hayag ni Greg.

Yumakap din nang mahigpit si Maria.

"Hindi ako mawawala sa'yo.. Isa pa, hihintayin kita rito at dadatnan mo ako.. Ipapanalangin ko kay Allah na maging maayos ang negosyong lalakarin mo. Ilang araw ka ba roon?" sagot ni Maria.

Kumalas ng yakap si Greg.

"Depende.. kung mabilis kausap ang kaharap ko.. madali kong mako-close ang deal kung hindi naman mag iisip pa ako ng ibang maiooffer hanggang sa mapapayag ko siya.." pagtatakip ni Greg sa tunay na lakad niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon