3 Levi

4.9K 157 31
                                    


"Hey girl!"



Pagpasok ni Banang sa classroom nila ay agad siyang sinalubong ng kanyang ever best friends na sina Patring at Dodong.



"Hey too girl and g-". Tiningnan niya si Dodong at hindi itinuloy ang sana ay sasabihin.



"Oh, bakit hindi mo itinuloy?" reklamo ng kaibigan.



"Masasaktan ka lang Dodong."



"It is not Dodong, it's Dodang." maarte nitong sabi to emphasize the correction.



"Ipinanganak kang Dodong." si Patring na nakisali rin sa usapan. "Panindigan mo yan kuya."



"Nag-eevolve ang tao Patring." katwiran ni Dodong. "At ako lang naman ay nag-evolve into a very beautiful beauty queen!" Nagsimula itong naglakad. Feel na feel nito ang lahat na tila isang babae nga. "And I am confidently beautiful with a heart."



"Hay naku Dodong. Kailangan kong putulin yang ilusyon mong iyan. Masasaktan ka lang. Kasi wala kang beauty."



"At wala kang heart." dugtong ni Patring sa sinasabi niya.



"Inaapi niyo ba ako? Inaapi niyo ako!"



Malakas na sapok ang ginawad niya rito. "Ginigising ka lang namin para matauhan ka at magising sa masakit na katotohanan."



"Tama si Banang. Mahal ka namin kaya gusto namin na the best is for you. Hindi mo bagay maging babae Dodong."



"Yup. Because you are too ugly to be a woman." Hinawakan niya rito sa baba. "And your chin is too rough. Yuck! May balbas ka! Mag-ahit ka!"


Lumapit din si Patring at hinaplos ang mukha nito saka mahinang sinampal. "Yuck! Ang gaspang ng mukha mo! Magfoundation ka!"



"Akala ko ba kontra kayo sa pagiging girlalo ko?"



"Kumukontra pa rin." aniya. "Pero seriously, kailangan mo na talagang mag-ahit Dodong. Ang pangit mong tingnan pag may balbas ka."



"Truelalo si Ate Banang." sang-ayon ni Patring. "Hindi mo bagay ang balbas at bigote. Nagmumukha kang snatcher pag meron ka nun."



"Snatcher?" wika ni Banang nang may naalala. "Tama ka Patring. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha mong iyan Dodong." Hinawakan niya muli ang baba nito at maingat na in-inspect ang mukha. "Ikaw nga! Ikaw yung nandukot ng purse ko noong isang araw!"



"Savannah Ismael!" sigaw ni Dodong. Napatingin sa kanila ang lahat ng kanilang mga kaklase. Pinandilatan ni Dodong ang mga ito. "Oh, bakit? Wala akong karapatan?"

Agad na nagbawi ang mga ito ng tingin. Nagsibalikan ang lahat sa mga dating ginagawa. "At ikaw Banang, talagang nakakasakit ka na, pinagbintangan mo pa akong snatcher. That was the worst insult I have received."



"Alam mo Dodong?" pagpatuloy ni Patring. "Kamukha mo rin yung dispatcher ng jeep sa amin. Ganoon din kalakas ang boses nun."



"Ah!" malakas na ungol ni Dodong. "Ayoko na sa inyo!" Iniwan sila nito at dumiretso sa pintuan. Lalabas sana ang bruha pero biglang napaatras dahil nakasalubong nito si Jake Alejano na papasok ng classroom.



Ang inis sa mukha ng kaibigan nila ay biglang napalitan ng kakaibang expression. Naging malambot iyon at nagpuppy eyes sa bagong dating na lalaki. "Hello Jake. Pare, alam mo? Gusto kitang maging kaibigan. May iba kasi diyan na akala mo tunay na kaibigan, yun pala mga peke sila." Sinadya nitong lakasan ang boses para marinig nila ni Patring. Well deadma naman sila.



Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon