47 Levi | Rex

1.9K 113 17
                                    


Banang is enjoying the sneaky arrangements she had with Levi. Nakakatawa ang kanilang mga ginagawa. Patago kung sila ay magkita. It was to avoid rumors about their 'friendship'. It was her idea actually. Ayaw niya kasing malaman iyon nina Dodong dahil walang katapusan at katakut-takot na pang-aasar na naman ang makukuha niya sa mga ito.


Hindi naman nagrereklamo si Levi dahil sa kanilang ginagawa ay mas lalong ito ang nag-eenjoy sa ginagawa nitong panggugulat sa kanya. Tulad na lang ng pagkakataong iyon. P.E. subject nila iyon at ang buong klase nila ay nasa gym para maglaro ng volleyball.


Katatapos lang nila at ibang set naman ang maglalaro. Ang team nina Dodong at team nina Patring ngayon ang naglalaro. Silang mga natapos na ay puwede ng umalis dahil late din naman pumunta ang iba sa mga naglalaro ngayon. Karamihan sa mga kasama niyang natapos nang maglaro ay nakaalis na.


Si Banang ay naupo sa may madilim na gilid at pinapanood ng mga kaibigan. Habang natatawa siya sa galing ni Dodong na magspike ay nagulat siya nang maramdaman ang pamilyar at mainit na hininga sa kanyang leeg. Hindi siya nakagalaw. Then she felt the wet lips on her neck at ang marahang pagkagat doon. It was so tingling that she almost screamed in delight.


"Hi." came the husky bedroom voice. Naupo ito sa bleacher sa kanyang likuran mismo. Mabilis niyang iginalaw ang mga mata upang mag-obserba baka may nakakita sa ginawa nito. Luckily, wala siyang nakitang nakatingin sa kanila. "How are you?"


"I am good." nahihiya niyang sagot. Ramdam pa rin niya ang sensasyong dulot ng bibig nito sa kanyang leeg. Ilang beses na ginawa iyon ni Levi pero feeling niya ay hindi pa rin siya masasanay. Gusto na niya itong lingunin. Nararamdaman niya ang pagngisi-ngisi nito.


"I saw you a while ago." pagpapatuloy nito. "Ang galing mo pala sa volleyball. You can pass as a team captain kung nagvarsity ka."


"Thanks." she said with a glint of sarcasm. "But I love my works at Volition."


"You look sexy in your outfit. Kanina pa kita gustong lapitan."


"Your definition of sexy is so dull." kontra niya dito. "Sexy to me is the likes of Kendall Jenner or Carla Delivingne."


"Well, we have our own standards. " muling sambit ni Levi. "As for me, you are the sexiest person I have ever laid my eyes on."


"Bolero!"


"Kilig ka naman." biro nito. "Pero totoo iyon ah. Galing sa puso."


"Ang dami mong alam Mister Sullivan. So bakit nandito ka na naman?"


"Napadaan lang ako kanina." paliwanag nito. Hindi pa rin siya lumilingon. Gusto niyang makita kung ano ang reaction nito. "Narinig ko ang usapan ng dalawang freshmen kanina. Pinag-uusapan nila ang sexy daw na naglalaro. Napailing na lang ako at aalis sana pero sinundan ko kung saan nakatutok ang kanilang mga mata, ikaw pala ang sinasabi nila. Nilapitan ko sila at pinaalis ng gym."


"At bakit mo naman iyon ginagawa?"


"Come on, they are looking at you maliciously. Halos lumuwa ang mga mata nila pag nag-i-spike ka."


"Why would they?"


"Why wouldn't they? Maikli ang shorts mo at mas lalong tumataas iyon pag tumatalon ka."


"Hay naku. Akala ko ba pupunta ka kasi ng locker room. Pati mga bata ay pinatulan mo."


"Hindi na ako tumuloy. Mag-isa ko kasing pinaalis sa gym ang mga lalaking nanonood at iba ang tingin sa iyo."


"What?! Why would you do that?"


"Kaibigan kita. Dapat ipinagtatanggol kita sa mga nambabastos sa iyo."


"Really? Hindi naman ako nababastusan dahil hindi ako aware. And Dodong, Patring, and Cara, won't do what you have just done."


"Iba ako sa kanila Sweetie. Bakit ba kasi nagrereklamo ka? Imbes na magpasalamat ka na lang."


"Right!" muling sabi niya na hindi niya inaalis ang sarkasmo sa kanyang boses. "Thanks to you Levi Sullivan."


"That would do." he concluded. Nararamdaman niya ang kakaiba na naman nitong ngiti. "Samahan mo nga ako sa locker room."


"Anong gagawin natin doon?"


"May kukunin lang ako tapos magpalit ka ng damit. Ihahatid na kita sa sakayan niyo."


Naunang umalis sa gym si Levi. Hindi niya maintindihan kung bakit sumunod pa rin siya dito. She must be out of her mind.


*****


"Mag-isa ka yata ngayon."


Napaangat ang mukha ni Yanyan nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Kailan niya ulit narinig iyon? Last week? Two weeks ago? Last month? Hindi niya alam pero namissed niya ito ng sobra. Hindi na siya nakapagsalita nang hilahin ni Rex ang isang upuan at naupo.


Nagtataka siya nang makitang wala itong kasama. "Wala ka yatang kasama."


"I asked you first."


Hindi siya muna nagsalita. Ngumuya muna siya sa kanyang pagkain bago niya ito tingnan muli. "Si Paolo, we broke up."


Tiningnan siya ni Rex. Akala yata nito ay iiyak siya tulad ng dati pag nakikipagbreak sa kanya ang mga exes niya.


"Masaya ka pa yata." inosente nitong sabi.


"Dahil wala namang dahilan para malungkot. Mutual decision namin ni Paolo ang breakup. We found out na hindi pala talaga kami ang para sa isa't-isa. Ikaw, hindi mo yata kasama ang girlfriend mo."


"Wala akong girlfriend." sagot ni Rex. Kumuha ito ng tissue paper at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. "May naiwang mayonnaise."


Napangiti siya. Hindi dahil nagbalik ang dating Rex pero dahil sinabi nitong wala itong girlfriend. "Bakit? Anong nangyari sa inyo ni Toni?"


"Toni? What gave you the idea na girlfriend ko siya? She is not my girl. May ginagawa lang kaming project kaya kami ang palaging magkasama."


Hindi na siya nagkomento. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain ng sandwich.


"Can I have some?" hindi nakatiis na sabi ni Rex.


"Sure." nakangiti niyang sambit at marahang itinulak ang lunch box palapit dito.


Kumuha ang lalaki at mabilis na kinagat. Ninamnam pa nito iyon. "I missed this. Ilang araw na ring hindi ako nakatikim ng sandwich mo."


"Ikaw kasi, ang busy mo masyado."


"Ikaw ang busy sa boyfriend mo."


"Ok fine."


Masaya na si Yanyan. Feeling niya ay unti-unting bumabalik ang dati nilang samahan ng kanyang bestfriend.


"Hintayin mo ako mamaya pagkatapos ng huli mong klase. Manonood tayo ng sine. Suicide Squad is now showing."


"Are you sure?"


"Yup. Pambawi ko sa kawalan ko ng time sa iyo sa nakalipas na mga araw."


Tuluyan na siyang napangiti.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon