110 Levi

1.5K 84 7
                                    

He woke up with so much positive vibes inside him. Memories of last night made him smile widely. It was the most wonderful night of his life. May malaking pag-asang namumuo sa loob niya. He started to see things differently.

He went out of the house to take his morning exercise. Alam niyang nakatulog pa si Savannah dahil walang senyales ng presensiya nito sa paligid. Hanggang sa magsimulang siyang magjogging ay hindi pa nawawala ang mga ngiti niya sa labi. He knew that nobody can erase that now. Marami siyang balak sa araw na ito. Ang unang-una doon ay ang makausap ang babaeng ilang araw nang bumabagabag sa kanyang kalooban.

Pagkatapos ng ilang ikot sa bakuran ng mansion ng mga Patterson ay nagdesisyon siyang pumasok na muli sa loob para maligo at nang makausap na rin si Savannah. After taking a bath, he dressed himself and went off his room. Inside him are excitement and nervousness dueling. Nang matapat siya sa pintuan ni Savannah ay kinatok niya ito. Napilitan na lang siyang pumasok na lang nang walang sagot ang dalaga.

Wala siyang makitang Savannah sa loob. The bed is empty and the sheets are removed from the bed. Napansin niya ang mga iyon sa laundry basket. Kinabahan siya nang makitang bakante ang buong kuwarto. Lumapit siya sa closet at binuksan iyon. His mind screamed when he saw that it was empty too.

Dala-dala ang kakaibang kaba ay nagmamadali siyang bumaba sa sala. Nadatnan niya doon si Tito Albert. "Magandang umaga po Tito. Nakita niya po ba si Savannah."

"Magandang umaga din sa iyo Levi." sagot ng matanda kasabay ng pagkunot ng noo. "Si Savannah? Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?"

"Nagpaalam? Hindi po Tito. Bakit po ba?"

Mas lalo siyang kinabahan nang makita niya ang litong expression ng matandang lalaki. "Nagpaalam na siya kanina pa hijo."

"Bakit po siya nagpaalam? Saan po ba siya pupunta?"

"Umalis na siya. Sinabi niya ay may emergency daw sa kanila kaya kailangan niyang makabalik kaagad."

"Ganoon po ba? Hindi po kasi siya nagpaalam sa akin eh. May sasabihin lang po sana ako sa kanya."

"Hinatid siya ni Joel sa bayan. Baka maabutan mo pa siya doon kung aalis ka rin ngayon."

"Sige po Tito. Maraming salamat."

Nagmamadali siyang lumabas ng mansion at dumiretso siya sa garahe. Iyon naman ang siyang pagdating ni Joel. Hinintay niya lamang itong lumabas sa sasakyan nito. Anyway, he needs to talk to him.

"Nakaalis na ba siya?" tanong niya sa lalaki nang makababa ito sa kotse nito.

Nangunot lang ang noo nito bilang sagot.

"Si Savannah." he continued. "Nakaalis na ba siya?"

"Oo." matipid nitong sagot.

"Can I talk to you for a while?" napilitan niyang wika nang mapansin niyang tila tatalikuran siya na naman ng kanyang kaibigan.

"What do you need to say? Doon tayo sa bench sa garden."

"Salamat Joel." aniya bago sila naglakad papuntang hardin.

Doon ay sinabi niya rito ang lahat-lahat. His realizations. His real feelings towards Savannah. Humingi na rin siya ng tawad sa mga allegations niya dito. Luckily, nalaman niyang wala naman talagang namamagitan kina Joel at Savannah. Joel forgave him for his shortcomings.

"Sa wakas ay narealize mo na rin ang bagay na iyan." Joel said with an accompanying sigh. "Kakaalis lang ng bus na sinakyan ni Savannah. Maabutan mo pa siya sa daan."

"Maraming salamat Joel. Hinding-hindi ko ito makakalimutan."

"Sige na."

"By the way, Ryka is an amazing woman. I think you should keep her."

Umasim ang mukha ni Joel sa sinabi niya kaya nagmamadali niya itong iniwan habang tumatawa. He entered the house once more and took his things. Nang bumaba siya sa sala ay nandoon na si Joel. Kasama nito ang mga magulang.

"What's the rush all about Levi?" nagtatakang tanong sa kanya ng ina ni Joel.

"The man is in love Mama." kantiyaw ni Joel. "Hayaan niyo na siya."

"Tito, Tita. Marami pong salamat sa pagtanggap niyo sa akin para magpalipas ng ilang araw dito sa inyo. Wala po akong pinagsisisihan sa pagpunta ko dito. I would like to stay longer but I need to catch someone."

"You are so much welcome hijo. Parang alam ko na rin kung sino ang hahabulin mo. Kahit hindi kayo nagsasalita ay alam kong may kakaibang namamagita sa inyo ni Savannah." sabi ni Mrs. Patterson.

"My blessing is with you Levi. Naway matagpuan niyo ni Savannah ang tunay na kaligayahan sa piling ng bawat isa." dagdag pa ng asawa nito.

"Maraming salamat po." He said then looked at Joel. "Sige pre. Yung sinabi ko rin sa iyo kanina. Huwag mong kalimutan."

"Tssss." Joel hissed. He would have given him the finger if it's not because of the presence of his parents.

"Aalis na po ako. Maraming salamat muli."

Nang tumalikod siya ay narinig pa niya ang sinabi ni Tito Albert kay Joel. "Ikaw naman, kailan mo hahabulin si Ryka?"

Napalingon siya sa mga ito at saka nag-iwan ng thumbs up. Joel stuck out his tongue for him. Nakalabas siya sa bahay na tumatawa. He believes that Ryka and Joel will end up together.

And speaking of that girl, kailangan niya muna itong puntahan bago siya aalis. Kailangan niyang magpaalam dito at sabihin na rin ang dahilan ng biglaan niyang pag-alis. She deserves to know. Besides, tinulungan din naman siya nito sa paglapit niya kay Savannah kahit na hindi naman successful ang mga plano nito. And he needs to encourage her more to continue chasing Joel Patterson. These two deserve to be happy as well. 

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon