"Rex, ano ba?" reklamo ni Yanyan sa kaharap niyang binata. "Pang-ilang beses mo na iyan sa pag-ayos ang buhok ko."
"Ang gulo-gulo kasi." wika nito. "Bakit ba ang dogyot mo? Magsuklay ka kasi para hindi ganyang palaging nagugulo ang buhok mo."
"Ano bang pakialam mo sa buhok ko?" Natigilan siya dahil may bigla siyang naisip. "Teka lang, bakla ka ba?"
Biglang napalitan ang expression ng binata. Pain crossed his beatiful face. At mabilis na nanlaki ang mga mata nito. "Bakla? Hindi ah."
"Talaga?" asar ni Yanyan dito."Eh, bakit ang ayus-ayos mo? You are so prim and proper na tila isang old lady."
Sa totoo lang ay matagal na ring pumapasok sa isipan niya na baka bakla si Rex dahil nga sa sobrang neatness nito to the point na pati ang kanyang konting mga kalat ay napanpansin nito. Agad din namang nawawala ang suspetsa niyang iyon dahil wala pa siyang nababalitaang nagugustuhan nitong lalaki."Bakla! Bakla! Bakla ka."
"Hindi nga ako bakla." puno ng inis na wika nito.
"Defensive ka. Bakla ka."
"I'm not gay!" Galit na talaga ito. "Kung bakla ako, bakit naging crush kita?"
Ngayon, siya naman ang biglang natigilan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naapektuhan sa sinabi nito. Hinintay niya ang pagtawa ng kaibigan niya saka sabihing 'Joke lang.' Pero hindi nangyari. Nang mag-angat siya ng mukha ay napansin niya ang kaseryusuhan sa mukha nito.
"Crush mo ako?"
"Oo." sagot nito punong-puno ng pagtatampo ang boses.
"Kailan pa?"
"Matagal na. High school pa tayo." anito at biglang tumayo. Basta na lang siyang iniwan ni Rex. Hindi na niya ito nagawang sundan. Nakatatak na sa kanyang isipan ang sinabi nito. And damn, she does not know what to do about it.
Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ito. Mahirap magtampo itong si Rex. Baka hindi na siya nito tulungan sa kanyang mga assignments.Hinanap niya ito sa campus. Naabutan niya itong papunta sa high school department.
"Rex!" Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan nito pero hindi siya nito pinapansin. Patakbo niya itong sinundan para mahabol. Mabilis siyang kumapit sa kamay nito.
"Ano ka ba? Kung magpapahabol ka ay nagbigay ka sana ng warning para pinaghandaan ko. Napagod tuloy ako." aniya na hinihingal pa rin.
"Bitiwan mo ang kamay ko."
"Ayoko nga." At inilapat pa niya ang kanyang ulo sa biceps nito. "Bakit ka ba kasi nagtatampo na naman?"
"Hindi ako nagtatampo."
"Weh!? Eh bakit parang galit ka sa akin?"
"Tumigil ka na dito. Kailangan kong pumunta sa high school department. May sasadyain ako doong importante."
"Isama mo ako. Kailanman ay hindi mo ako isinasama diyan." Hindi nga niya ito maintindihan. Sa tuwing nagtatampo ito sa kanya o kaya'y may away sila ay palaging sa HS department ito nagpupunta.
"Isama mo na ako. Para makita ko naman ang pinagkakaabalahan mo dito." pilit niya pero sa totoo lang ay nakatapak na sila sa campus ng high school.
"Balik na lang tayo."
"Ano ka ba naman Rex?" reklamo niya rito. "Nandito na tayo eh."
"Balik na tayo. Saka na lang."
Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ito pabalik. Ano bang meron sa HS campus at palagi si Dingdong dito. Kailangan niyang malaman iyon.Palabas na sila ng gate nang makasalubong nila ang kaibigan at kapit-bahay niyang si Banang na kausap ang sarili nito.
"Kuya Rex? Ate Yanyan?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
"Oh, Banang. We've met again."
"Kaya nga eh, anong ginagawa niyo dito?"
"May pupuntahan sana si Rex pero biglang nagbago ng isip."
"Ganoon po ba?" anitong nakangiti. "Sige mauna na ako sa inyo. Kailangan kong pumunta sa principal's office eh. It was nice seeing you again. Bye."
"Nice seeing you too."
Parehong nila itong kinawayan bago sila makalabas ng gate.
"Maganda si Banang noh?" Wala sa loob na tanong niya kay Rex.
"Yes. She is."
Biglang may pumasok sa kanyang isipan. "May naisip ako. At magugustuhan mo rin."
"Ok. Ano yun?" ani Rex. Tuluyan na yatang nawala ang pagtatampo nito.
"Di ba fourth year yung pinsan mong mas guwapo sa iyo?"
Biglang bumusangot ang mukha nito. "Sino?"
"Si Levi."
"Yeah, so?"
She snapped her two fingers. "Bingo! Fourth year din si Banang. Guwapo si Levi. Maganda iyong neighbor kong iyon. Bagay sila."
"Then?"
"Then we could matchmake them." Tuwang-tuwa siya sa produkto ng kanyang imahinasyon. Levi and Savannah will make a very good couple.
"Yanyan!" gulat na sabi ni Rex na biglang natigilan.
"Bakit ba? Di ba ang ganda ng naisip ko? I am really brilliant." Pumalakpak pa siya para purihin ang sarili.
"Ang bata pa ng mga iyon." sermon sa kanya ni Rex. "Ikaw nga na fourth year college na ay wala ka pang boyfriend."
"Ok lang kahit wala akong boyfriend." resbak niya sa binata. "Sa totoo lang, may crush na iyang si Savannah. Yung childhood friend niyang si Pacoy. Guwapo rin iyon pero mas type ko si Levi para sa kanya."
"Ewan ko sa iyo."
"Teka lang Rex." awa niya sa binata nang maalala ang sinabi nito kanina. "Di ba sabi mo kanina, crush mo ako? Seryoso ka ba?"
Hindi sumagot ang binata. Ipinagpatuloy nito ang paglalakad. Lakad-takbo naman siya sa pagsunod dito. Malalaki kasi ang mga hakbang nito.
"Oy, Rex, tinatanong kita."
"Ano ulit yung tanong mo?"
"Crush mo ba talaga ako?"
"Puwede ko bang hindi sagutin iyan?"
"Hindi!" angal niya. "Ano na? Yun lang naman."
"Hindi." mabilis nitong tugon.
"Anong hindi?"
"Hindi kita crush. Ang burara mo kaya. Ang gulo-gulo mo."
What the? Halos kanina lang ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin nang sabihin nitong hindi siya nito crish. Tapos ngayon, binabawi na nito iyon. "Hindi nga?"
"Totoo, hindi kita crush. Sinabi ko lang iyon kanina para tumahimik ka."
"Oh, so bading ka nga?"
"Ewan ko sa iyo."
"Ewww! Bading ka Rex. Bading ka!"
"Bakit? Dahil lang ba hindi kita crush ay bading na ako?" anito at mabilis siyang naiwan.
Natigilan na naman siya sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin? Kung hindi siya bading at hindi rin siya nito crush, that means, may iba itong gusto. What?
Mabilis niyang sinundan ang kanyang kaibigan. "Hoy Rex! Balikan mo ako dito!"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...