60 Levi I Rex

1.7K 110 1
                                    

The part two of this story finally begins with this chapter. Expect matured and older characters. Let us begin with this one! :)


"Yahoo!" malakas na sigaw ni Banang pagkababa niya ng eroplano. Isang matagumpay na naman na misyon ang nagawa niya. Salamat sa Diyos at nakauwi siya ng ligtas.

Siya lang naman ang ipinadala ng kompanyang pinagtatrabahuan niya na kumuha ng mga larawan sa katatapos lang na lindol sa Cebu. Well, technically, pinilit lang pala niya ang kanyang boss na siya ang pupunta doon. Ilang araw din siyang nanatili sa Cebu. Araw-araw ay pinapauwi siya ng boss niya pero nanatili siya doon at naghihintay ng aftershock ng lindol.

Hindi naman siya nabigo dahil nagkaroon talaga ng aftershock. Hindi naman sa hinihintay o hinihiling niyang magkakaroon talaga. Instinct niya lang iyon. Nakunan niya tuloy ng live ang pagguho ng isang malaki at makasaysayang building.

Of course, her shots made it to the televisions. At naging headline photo ng iba't-ibang mga pahayagan ang kanyang mga kuha. Natutuwa siya at marami na naman siyang naipasok na pera sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Siya rin ay yumayaman sa pamamagitan lang ng paggawa ng mga bagay na gusto niyang gawin. Her passion is making her rich.

Ang palaban na si Banang ay isa na sa mga in demand na photographers sa bansa. Her subject is not the usual type. It's not the frenzy lives of the country's celebrities nor the calming natures of the mother earth. It is not the might of the nation's wildlife rather. But the gross and those things considered as daredevil ones.

Ang mga subjects niya ay iyong mga may kinalaman sa krimen. It includes and is not limited to killings, drug buy-bust operations, hostage takings, at iba't-iba pang mga krimen. Hindi lang mga krimen kundi pati na rin ang lahat ng mga bagay na ibinabalita sa telebisyon katulad ng mga kalamidad gaya ng mga sunog, baha, hagupit ng mga bagyo, landslides, car collisions and accidents, at mga rally sa Kamaynilaan. Pati na rin ang pagputok ng mga bulkan ay kinukunan niya. Ang bakbakan sa Mindanao at sa ibang bahagi ng Luzon ay hindi niya rin pinalagpas.

Sa totoo lang, nakakatakot naman talaga ang kanyang trabaho pero para sa kanya, iyon ang tinatawag na 'enjoyable'. Her passion. She could not erase her excitement everytime she holds her camera with her one finger in the shutter button. That's her life. At pinili niya ang ganoong buhay.

Nakaalis na si Banang sa airport lulan ng van ng kanilang kompanya. Talagang pinasundo siya ng kanyang boss. At alam niya ang mangyayari. Kakain na naman siya ng sermon dahil sa katigasan umano ng kanyang ulo.

Sa Prairie Media Company nagtatrabaho si Banang. Isa ito sa pinakasikat na media and broadcasting companies sa bansa. Hindi naman sa nagmamalaki pero siya ang pinakamalaking asset ng company when it comes to photography. Marami ding magagaling doon at mas matapang pa ang iba sa kanya mas lalo na ang mga field reporters na talagang buwis-buhay ang ginagawa para makakalap ng mga balita.

Marami ding mga kompanya ang gustong pumirata kay Banang pero hinding-hindi siya aalis sa Prairie. Bukod kasi sa kilala niya talaga ang may-ari ay ang kanyang boss lang ang makakatiis sa katigasan ng kanyang ulo. At mawawalan siya ng prebelihiyong gawin ang gusto niyang gawin sa ibang kompanya kung lilipat man siya. Well, her boss is a dear friend too.

Napangiti na lang si Banang nang mapansing nakaparada na ang van sa parking lot ng Prairie. Nagmamadali siyang lumabas sa sasakyan at pumasok sa establishment. Marami rin siyang mga kasamahan ang bumati at nagcongratulate sa kanya. Siyempre simpleng pasasalamat at isang ngiti lang ang ibinigay niya sa mga ito. Dumiretso siya sa kinalalagyan ng elevator. Lihim siyang nagpasalamat nang mabuksan iyon. Pumasok siya at ipinagdiriwang ang pagkakataong nasolo niya ang elevator.

Here it goes! Malakas na hiyaw ng isip niya when the elevator gave it beeps and opened for her. Seventh floor. Doon nag-oopisina ang kanyang boss. Isang ngiti ang pinakawalan niya nang madaanan niya ang cubicle ng boss' secretary na si Vina. Binati niya ito.

Vina responded to her greeting with an equal smile. "He is expecting you." masiglang wika sa kanya nito.

She pushed the door and made her way inside. Bumati sa kanya ang panlalaking silid na sobra-sobra ang pagkakalinis at pagkakaayos. Ni wala siyang makitang kahit anong senyales ng alikabok sa loob. Wala rin siyang makitang kahit isang kalat. Lahat ng mga papel ay nakaayos sa lalagyan ng mga ito.

And that includes the boss who is neatly and charmingly sitting on his executive chair in his usual perfect suit. The breathtakingly handsome CEO. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo nito matitiim ang tinging ipinupukol sa kanya.

"Hello Boss Pogi!" masigla niyang bati. Dumiretso siya sa couch na tila hindi nauupuan sa sobrang pagkakaayos. Basta na lang niya ibinagsak ang katawan doon. "Gosh, I'm so tired!"

"Savannah! What the hell are you doing?!" came the roaring boom which her ears learned to love for the past years.

"Magpapahinga lang ako boss." nakangiti niyang sagot at pilit na ipinikit ang kanyang mga mata.

She heard him sigh and did not hear any word afterwards. Biglang tumahimik ang opisina. Bigla tuloy siyang nagulat. She tried to open her eyes. There, she caught her boss staring at her. Tila nababasa niya sa isip nito ang mga katagang 'What am I going to do with this one?'

Mas lalo siyang napangiti. Nagkunwari siyang tulog. She even made some sounds, pretending that she is snoring. At the back of her mind, she is laughing endlessly. Maybe, she can really sleep pagkatapos ay magigising na lang siya pag wala si Boss at magmamadaling umuwi. In that case, hindi siya makakarinig ng sermon.

She heard footsteps. Aware siyang napilitang tumayo ang boss niya. Narinig niyang tumigil ang tunog ng leather shoes nito sa tapat niya. Hinintay niya ang susunod na gagawin nito. Nang wala itong ginawa ay napilitan siyang dumilat. Huling-huli ng kanyang boss ang pagkukunwari niya.

"Hello boss." she uttered shamelessly. Sinabayan niya iyon ng pilyang pagngiti.

"Bumangon ka na diyan Ismael. Alam kong nagtutulog-tulugan ka lang diyan." sabi nito habang nakatunghay sa kanya.

"Can I just sleep for fifteen minutes, pretty pretty please."

"Kung inaantok ka, bakit hindi ka na lang umuwi at doon matulog sa inyo?"

"Pinatawag mo ako." katwiran niya.

"And you can easily ignore it like the way you used to do. Tumayo ka na diyan. You are messing my couch."

"Hindi ka pa rin nagbabago Mr. Rex Dantes! Hindi ko alam kung bakit pa naging boss kita."

"Just the way I don't know how you became my employee."

Natawa na lang siya. That became a constant joke between them. Yes, her boss is none other than Rex.

"Fine, uuwi na lang ako. Mas concerned ka pa sa pagkagulo ng couch mo kaysa sa pagod ko."

Ngumiti lang ito. Iyong ngiting nakakapagpawala ng katinuan sa mga kababaihan. "Just go home. Bukas na lang kita sesermunan."

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon