Hello. If ever you encounter inconsistencies sa mga names na nagamit, please comment for me to change. I already finished this story with different character names, on going pa ako sa pagpapalit. Thanks!Isang araw habang walang pasok sina Yanyan ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Rosa. Gusto niyang makipagkita rito. Si Rosa ay kaibigan niya mula pa noong bata sila katulad ni Rex. Noong naghayskul sila ay nahiwalay ito ng eskuwelahan kaya madalang silang magkita. Tumuntong sila sa kolehiyo na magkaiba rin ng unibersidad na pinasukan. Kapag kailangan lang nila ng kaibigang masasandalan ay saka sila nakikipagkita sa isa't-isa.
Ang usapan nila ay sa puntahan na lang niya si Rosa sa mga bahay ng mga ito dahil wala itong oras na lumabas. Bagaman sinabi ng kaibigan na marami itong kailangang tapusing paper works ay malugod pa rin siyang sinabihan na datnan ito. Rosa is very eager to see her too.
Pagkatapos niyang magbihis ay saka siya lumabas ng kanilang bahay. Nilakad na lang niya ang daang papunta sa bahay ng kanyang kaibigan. Mahigit isang kilometro lang naman iyon. Para sa kanya ay malapit na ang ganoong distansiya.
Nang dumating siya sa mga ito ay mainit siyang tinanggap ni Rosa. Nagkayakapan sila habang sinasabi kung gaano nila kamiss ang isa't-isa.
"So, ano iyong sinasabi mong kailangan mong sabihin sa akin?" tanong kaagad ni Rosa nang makaupo sila sa sofa sa bahay ng mga ito. "Better start. I guess this is a very long conversation."
She sighed. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pagkukuwento. "Naalala mo pa ba si Rex?"
"Of course!" mabilis nitong sagot. "Sino bang hindi makakaalala sa weirdo mong kaibigan na iyon. Ano naman ang meron sa kanya?"
"We're together Rosa."
"And together means?"
"I'm being literal. Boyfriend ko siya."
"What?!" malakas na sigaw nito. "Why, hindi naman imposible iyon. You've known each other since time immemorial. Walang nakakataka doon."
"Yun na nga ang problema ko."
"Teka lang hah. Sinabi mo kanina na boyfriend mo ang weirdo mong kaibigan na si Rex. At ang pagiging kasintahan nito ay siyang problema mo. Ang gulo Yanyan."
"Yun na nga, alam mo ba na kakaiba pala siya. I mean, noong magkaibigan pa kami ay ok lang sa akin dahil worth-to-keep siya namang kaibigan. Pero ngayong kami na ay para siyang kakaiba."
"Paanong kakaiba? Linawin mo Yanyan."
She sighed at saka tinitigan ang kanyang kaibigan. "Napakapossessive niya."
Biglang natawa si Rosa. "Why, I am not surprised, di ba noong elementary pa tayo ay possessive naman talaga siya sa iyo."
"Iba na ngayon Rosa at natatakot ako. Para akong nasasakal sa kanya. Gusto niya kasi ay dapat araw-araw kaming magkasama. Dapat inuras-oras ay tila obligasyon kong sabihin sa kanya ang mga whereabouts ko."
Napailing si Rosa. "Nakailang boyfriend ka na ulit? Di ba ganoon naman ang lahat ng magkasintahan? Normal na iyon Yanyan."
Napailing siya. Hindi kasi siya maintindihan ni Rosa sa gusto niyang iparating. "Iba pa rin Rosa. Alam mo ba na sa tuwing hinahalikan niya ako ay natatakot ako. Kakaiba ang paraan niya ng paghalik compared sa mga naging boyfriends ko. Hindi naman sa nababastusan ako pero yung klase ng halik niya ay iyong tipong seducing and tempting na kung hindi ko mapipigilan ang sarili ko ay may iba iyong hahantungan."
Ngayon ay mas lalong napatawa si Rosa. Amused na amused itong napatingin sa kanya. "Di ba ganoon naman talaga ang gusto nating halik. Iyong tipong mind-blowing."
"No Rosa. He's really different. Alam mo ba kahapon ay kasalan na kaagad ang sinabi niya sa akin? Papakasal na daw kami pagnakagraduate na."
Doon ay biglang natigilan ang kanyang kaibigan. Tinitigan siya nito at tila hinahanap sa kanyang mukha ang senyales na nagbibiro siya. Nang wala siyang masabi ay nagsalita na ito. "Kailan pa kayo naging magkasintahan?"
"Wala pang isang buwan. At natatakot ako pag ipinagpatuloy pa namin ito. Marami akong pangarap sa buhay at ayoko pang magpakasal sa kanya kaagad. My parents will kill me if I have to allow that. At alam ko ring nagalit siya noong pinakita ko ang pagtanggi sa gusto niyang mangyari? Anong kailangan kong gawin?"
"Do you love him?"
"Yes! There's no doubt about that. Pero natatakot talaga ako. Feeling ko ay obsessed na siya sa akin."
Pagkatapos niyang ipaintindi ang lahat kay Rosa ay wala siyang natanggap na advice dito maliban lamang sa sinabi nitong iwasan na lang niya si Rex. At pagkatapos ng ilang araw ay iyon talaga ang sinunod niya. Kailangan niyang iwasan ang lalaki bago pa may mangyaring pareho nilang pagsisihan.
Isang araw ay hindi siya pinatahimik ng kanyang konsensiya kaya napilitan siyang makipagkita kay Rex at makausap ito.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" nang-aakusang tanong sa kani ni Rex nang magkita sila sa likod ng gym. "Pati mga text at tawag ko ay hindi mo sinasagot."
Napayuko siya. Ayaw niyang salubungin ang mga tanong nito. "Rex, sorry."
"Bakit ka nagsosorry?" anito. Bigla napuno ng tensiyon ang kanilang paligid. Pakiramdam niya ay nakukuha ni Rex ang gusto niyang iparating. At tila isang kidlat ay sinabi niya, "I am breaking up with you."
Then she felt that painful grip on her shoulders. Hinahawakan siya ni Rex doon. "Anong sinasabi mo Yanyan? I don't understand you."
"I am breaking up with you." ulit niya.
"Bakit? Sabihin mo kung may nagawa akong mali at itama ko na. Huwag lang ganito please. Mahal na mahal kita Yanyan. Please don't do this."
"I am sorry. My decision is final. I don't love you anymore."
Ang maamong mukha ni Rex ay biglang bumangis. Anger is written all over his face at ang mga mata nito ay punong-puno ng puot na nakatingin sa kanya. Marahas nitong binitiwan ang kanyang mga balikat. Muntik na siyang matumba kung hindi nga lang niya naibalanse kaagad ang kanyang mga paa.
"Pagsisihan mo itong ginawa mo!" galit na sabi ni Rex. Nakita pa niya ang mga luha sa mga mata nito bago siya iniwan.
Umuwi siya kinahapunan at iniyak ng buong magdamag ang kanyang ginawa. Mula doon ay wala na siyang naging balita kay Rex. He totally disappeared from her life. Napag-alaman niyang bumitaw ito sa pag-aaral at nangibang-bansa. Sa nalaman niyang iyon ay muli siyang umuwi and cried to her heart's content.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...