Habang nasa library sina Savannah para magbasa ay lakas loob na lumapit sa kanila sina Patring at Dodong. Ibinagsak ng mga ito sa harapan nila ni Levi ang mga notebook na dala-dala ng dalawa."Patransfer please." nakangising wika ni Patring sabay hila sa upuan na nasa tabi nila and sat down like a boss. Ganoon din ang ginawa ni Dodong na tila sunod-sunuran dito.
Napangiti lang din sila ng lalaki at saka nagkatinginan. Kinuha ni Levi ang isang notebook at kunwari ay nagsusulat. Nang makita niya kung ano ang isinulat nito ay muntik na siyang mapatawa. Naglalakihang 'IN YOUR DREAMS' lang naman ang itinatak nito sa isang buong pahina ng notebook. Ginawa niya rin ang ginawa nito sa notebook ni Dodong.
Under the table, naramdaman niya ang paghawak nito ng isa niyang kamay. He tapped the notebook with his fingers. Nang mapatingin siya doon ay muli itong nagsulat. 'When I say Run, let's run together.'
Napangiti siya sa ginawa nito. Tiningnan niya ito at saka sumenyas na parang nagtatanong kung seryoso ito. Tumango-tango lamang ang lalaki.
"Run." Levi said in almost a whisper. Sabay silang napatayo at sabay na ring nakalabas ng library. Tawang-tawa sila nang makalayo na sila. Nag-apir pa sila tulad ng dati nilang ginagawa.
"Tara lunch tayo." sabi sa kanya ni Levi habang nakahawak pa rin sa kanyang kamay. Pasimple niyang hinila iyon mula rito pero hindi siya pinahintulutan ng lalaki. Bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakawak sa kamay niya. Napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga estudyante and Levi does not give a damn.
"Tama na yan." pasimple niyang wika rito. "Pinagtitinginan nila tayo oh."
"Hayaan mo na ang mga iyan. For now, I wanted to shout to the world that you are mine. I want to mark my own para wala sanang lalaking mangangahas pang lumapit at magkagusto sa iyo. Dapat ako lang."
"Ano 'to?" pareklamo niyang tanong. "Paano naman ang mga babaeng kung makatingin sa iyo ay tila gusto kang kainin ng buong-buo."
Napatawa si Levi sa sinabi ni Savannah. "Huwag kang mag-alala. Hangga't nandito ka na minamahal ko ay hindi ako titingin sa iba. Napatunayan mo naman siguro iyon."
Pagkasabi ni Levi iyon ay biglang may sumugod sa kanilang babae na galit na galit. Nakikita niya rin ito sa school. Isa itong volleyball varsity at third year student. "Anong ibig sabihin nito?" Kay Levi ito nakatingin.
"Excuse me." aniya. Bumitiw siya sa pagkakawak ni Levi. Tumaas ang kanyang kamay sa siko ng lalaki at hinila ang katawan nito palapit sa kanya. He held him possessively. "Sino ka?"
"I am not talking to you." wika ng babae. "Anong ibig sabihin nito Levi. Akala ko nililigawan mo ako? Bakit may iba kang kasama ngayon?"
"Kailan ka niligawan ng lalaking ito?" inis na niyang sabi. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa siko nito. Naramdaman niyang napangiwi si Levi tanda na nasasaktan na ito.
"Sabi ko, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sabad ng sabad diyan. Ano na Levi? Bakit mo kasama ang babaeng iyan? Paano na tayo?"
Napalunok si Levi. Alam niyang hindi nito alam kung ano ang sasabihin. May namumuong pagdududa sa kanyang isip. Bakit hind ito makasagot? Unless, totoo ang sinasabi ng babaeng ito.
"Look Krissa." panimula ni Levi.
"I am not Krissa." anang babae at galit na namaywang na parang may karapatan itong gawin iyon sa kanilang harapan.
"Ok, miss, whatever your name is. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. Wala akong natatandaang niligawan kita dahil itong babaeng nasa aking tabi ang nag-iisang babae sa buhay ko."
Deep inside ay napangiti siya. Hindi niya akalaing sasabihin iyon ni Levi. Kinilig na naman siya.
"That's impossible! Bakit mo ako hinalikan noon?" mangiyak-ngiyak na sabi ng babae.
Bigla namang umahon ang galit sa kanyang kaloob-looban. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak kay Levi. Napakagat labi ito na tila sobrang guilty.
"Teka lang Miss. Totoo bang hinalikan ka ng lalaking ito?"
Inirapan siya lamang ng babae. Napakabitch pala nito. Puwes kung ayaw nito ng maayos na paraan at kanina pa siya nagtitimpi. "Fine! Minsan ko lang itong sabihin sa iyo miss. Layuan mo ang boyfriend ko. Ngayong may nagmamay-ari kay Levi ay ayaw kong may mga babaeng umaalig-aligid sa kanya. He's exclusively mine at kailan man ay hindi ako nagpaparaya at nagshishare ng sariling akin. Kaya ang mas mabuti pa ay maghanap ka ng ibang lalaki. If you will excuse us, iniistorbo mo na kami."
Hinila niya si Levi at inilayo sa babae nito. Nang masigurado niyang hindi na sila nakikita ng babae ay marahas niyang binitiwan si Levi. "Anong ibig sabihin ng nangyari?"
"Wala lang iyon babe. Hindi ko nga kilala ang babaeng iyon."
"Hindi ako naniniwala diyan."
"Babe naman. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko siya kilala."
"Huwag mo akong mababe-babe diyan. Bakit niya sinabing hinalikan mo siya? Nag-enjoy ka ba?"
"Sweetheart naman, wala talaga akong matatandaang hinalikan ko ang babaeng iyon. Ang naalala ko lang ay siya ang humalik sa akin noon pagkatapos ng isang laro namin sa basketball. Siya ang humalik sa akin sweetheart at hindi pa tayo noong ginawa niya iyon."
"Eh, bakit ang dami-dami mo kasing babae? Kung sinu-sino ang humalik sa iyo, samantalang ako, first kiss lang kita."
Lumiwanag ang mukha nito sa narinig. "Talaga, ako first kiss mo?"
"Tse!"
"Guwapo kasi ang boyfriend mo kaya natural lang na maraming humahabol sa akin. Pero huwag kang mag-alala. I am exclusively yours sweetheart. Iyong-iyo ako. Pati katawan at lahat lahat na. Get that?"
"Ok." aniya na nakangiti na bagaman hindi pa rin nawawala ang inis sa kanyang dibdib. "Tara lunch na nga tayo."
Tumango si Levi at sinundan siya. Habang papunta sila sa university canteen ay nakasalubong nila ang isang lalaking kasamahan niya sa Volition. Nginitian siya nito kaya gumanti rin siya ng ngiti bago ito nagpatuloy sa paglalakad.
Mabilis na humarang sa kanya si Levi. "Sino iyon?"
"Bakit? May problema ba?"
"Sino ang lalaking iyon? Bakit kung makangiti sa iyo ay wagas. Pati ikaw ay ngumiti rin ng kakaiba. Dapat sa akin mo lang ibinibigay ang ganoong ngiti."
"Ano ka sinusuwerte?"
"Savannah!" sigaw nito. "Pagkatapos kong sabihin sa iyo na iyong-iyo ako ay ito lang ang igaganti mo sa akin. Mas guwapo naman ako roon. Mas maganda ang ngiti ko at wala siyang dimple."
"Tara na nga kain na tayo."
Levi sighed at tila bata na naman na biglang nagkaroon ng tantrums.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...