Pagkatapos ng laro na ikinapanalo ng team nila ay kinailangan ni Banang na pumunta sa faculty room. Siya kasi ang huling nagsign sa attendance sheet kaya siya ang inatasan ng kanyang mga kaklase na magpasa ng sheet sa teacher nila.Pinilit niya ang mga kaibigan na samahan siya pero dahil mas tamad ang mga ito sa kanya ay walang pumayag. Kaya ayon, mag-isa siyang pumunta sa faculty room.
"Magandang umaga po Sir Gomez." magalang niyang bati sa teacher. "Ito po yung attendance ng klase."
"Maraming salamat Savannah." nakangiti nitong sabi na inabot ang attendance sheet. "Teka lang Miss Ismael, nasa klase niyo ba si Joel? Yung basketball varsity?"
"Opo Sir. Bakit po?"
Kinuha nito ang isang envelope na tila isang liham. "Puwedeng pakisuyo itong letter para sa kanya. Galing daw iyan sa grandmother niya. Sa akin na-care off."
"Sige Sir."
"Maraming salamat Savannah. Ibalik mo lang sa akin dito pag hindi mo siya nakita ngayong araw."
"Yes Sir."
Lumabas siya ng faculty room na hawak-hawak ang envelope. Kailangan niyang hanapin muna si Joel bago niya samahan ang mga kaibigan kung saan man naroroon ang mga ito.
Sa locker room ng athletes siya dumiretso. Katatapos lang ng laro kaya alam niyang nandoon pa ang kanyang hinahanap.
Pero sa kanyang gulat ay wala siyang naririnig na nag-iingay sa loob. Tahimik ang paligid. Ganunpaman ipinagpatuloy niya pa rin ang pagpasok.
Her wonderment intensified when she entered the lockerroom. Walang katau-tao doon. Bagaman, may narinig siyang lagaslas ng tubig mula sa isang cubicle. Muli niyang inilibot ang mga mata sa loob. Wala talagang tao.
Saan nagpunta yung mga tao?
Narinig niya ang pagtigil ng tubig sa paglagaslas. Tatalikod na sana siya para umalis pero biglang bumukas ang isang cubicle. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Ang mga mata niya ay biglang nanlaki nang masilayan kung sino ang nanggaling mula sa nakabukas na shower area.
Ganoon din ang reaksiyon ng lalaki. Pero mas mabilis itong natauhan dahil lumatay sa mukha nito ang matinding galit.
"What the hell are you doing here?!"
Hindi pa rin siya nakasagot. Hindi niya akalain na makikita niya itong hubad sa pagkakataong iyon na tanging ang puting towel lang ang nakabalabal sa baywang nito.
"Hoy!" bulyaw ng lalaki na ngayon ay nakalapit na pala sa kinaroroonan niya. "Anong ginagawa mo dito?"
Bigla siyang natauhan. Ano nga pala yung ginagawa niya doon? "Ah. . . Eh." Damn her for not finding the words to say. Nakita niya lang ang mga abs at katawan ni Tisoy ay nawala na kaagad siya sa katinuan.
"Binubusohan mo ako noh?" anito. His lips twitched into a lopsided grin. "I knew it, pinagnanasaan mo ako kaya ka nandito para mamboso."
Matagal na nagprocess sa utak niya ang sinabi nito. Pinagbibintangan siyang mambuboso. Naghanap siya nang maaring ihampas dito. Naglanding ang mga mata niya sa suot nitong tuwalya. Hindi na siya nag-isip. Mabilis niyang inilapit ang kamay niya sa tuwalya and clutched it with her hands.
Nanlaki ang mga mata ni Levi. Hindi nito naexpect ang kanyang gagawin. Pati siya ay biglang natigilan. Her hands automatically froze. Nakahawak pa rin siya sa tuwalya nito.
"What do you think you are doing?" gulat na gulat na naisatinig ni Levi. Nakataas ang dalawa nitong kamay na hindi nito namamalayan. Nasilayan niya tuloy ang malinis nitong kili-kili na sa mura nitong edad ay mayroon ng mga buhok na tumubo.
"I don't know." she admitted foolishly. Hiyang-hiya siya sa sarili. Aalisin niya sana ang kamay sa pagkakahawak sa tuwalya ni Levi pero bigla itong umangal.
"Hold on!" nataranta nitong wika. Agad niya namang nahulaan ang ibig nitong sabihin. Pag bitiwan niya ang tuwalya nito, it would result for the towel to fall into the floor. Mabilis na hinawakan nito ang pagkakabuhol ng tuwalya. "You can now remove your hands from my towel."
Para siyang napasong mabilis na binitiwan iyon. Nanatili pa siya doon at nakatingin sa lalaki. Dapat ay tumalikod na siya at nagmamadaling umalis. Pero hindi niya ginawa. Pati siya ay hindi niya maintindihan ang sarili.
Nagbalik tuloy ang kakaibang ngisi sa mga labi ng kulugo. "So, anong ginagawa mo dito?"
Buti na lang at agad na nagbalik ang isip niya sa tamang huwisyo. Mabilis niyang naalala ang dahilan kung bakit siya naroroon. "I am looking for Joel."
"Weh?" tukso nito. "At ano naman ang sadya mo kay Joel? Ang sabihin mo, pinagnanasaan mo ako kaya ka nagpunta rito para mamboso."
Nagbalik kaagad sa kanyang kamalayan ang inis at galit niya rito. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo! At sino ka naman para pagnasaan ko." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. And the sight was very very good and very pleasing to the eyes. But she's clever. Umakto siyang hindi siya nasiyahan sa nakita. "Duh?"
Umasim ang mukha ng lalaki. Ang nang-aasar nitong mukha kanina ay kaagad na napalitan ng inis. "Alam kong namboboso ka. May ebidensiya ako."
"At saan aber?"
"Nalaman mong wala akong kasama dito kaya ka nagpunta para silipan ako. At hindi ka pa nakuntento sa nakita mo dahil gusto mo pang hubarin ang suot kong towel." sabi nito. May bahid ng pagmamalaki sa boses nito. Tila siyang-siya sa mga konklusyong namumuo sa napakabastos nitong utak.
"Aksidente iyon. At kung natanggal man ang tuwalya. Baka wala rin akong makikita." wika niya para mas lalong inisin ito.
"Anong gusto mong palabasin? Na maliit ang ano ko?"
"I did not say a thing. Ikaw ang nagsabi niyan. Pero, hindi kita pinagdududaan kung sinasabi mo sa aking maliit nga." My gas! Anong lumalabas sa bibig niya. Baka kung marinig siya ng Mama niya ay paiinumin siya nito ng holy water. Nagiging makamundo na siya!
"Hindi ito maliit!" matigas nitong turan. "Ipakita ko pa sa iyo." hamon ng garapata. Hinawakan nito ang pagkakabuhol ng tuwalya at akmang tatanggalin. As much as she wanted to see what's behind the towel ay hindi naman siya kaganoong kabastos at kawild. Kung siya si Dodong ay baka kanina pa niya nasilayan ang ano nito.
"Itigil mo yan." Kinalkal niya ang bag at inilabas ang envelope na ibinigay sa kanya ng teacher nila. "Ito ang sadya ko rito. Pinapabigay ni Mr. Gomez kay Joel. Kaya huwag ka ng magpantasya na sinisilipan kita dahil wala namang kasilip-silip sa iyo. Yuck!"
Tumalikod siya rito at lumabas ng lockerroom. Hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Levi. Nalasahan na lang niya ang isang maasim na bagay. Isinungalngal ni Levi sa bibig niya ang jersey shirt nito na ginamit kanina sa paglalaro. Galit siyang napabaling dito at isang suntok ang muli niyang pinakawalan sa guwapo nitong mukha.
"Ouch!"
"Serves you right!" wika niya at tuluyan nang nakaalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...