Hamahangos si Savannah na nakarating ng gym. Muntik na siyang mainis nang mapansing wala namang katau-tao doon. Konting mga estudyante lang din ang mga naroroon na parang may inaantay. There is no sign of any Levi in that place. Mukhang iniisahan siyang muli ni Sullivan. Mabilisan siyang sumilip sa loob. She is about to turn her back and leave the gym when she saw him. Nakaupo sa pinakadulo at tahimik na naglalaro ng cellphone for sure.She exhaled heavily before she made her way towards him. Nang makalapit siya ay hindi siya napansin ng lalaki. Busy pa rin ito. Tinunghayan niya ang cellphone nito at napansin niyang naglalaro ito ng baseball. Lihim siyang napangiti. Hindi lang pala NBA2k ang phone game nito, pati rin pala sa MLB games ay naglalaro din.
Tumikhim siya muna para makuha ang attention nito. But Levi did not even react. Marahil ay hindi siya narinig o nagbibingi-bingihan lang ito. Napilitan na lang siyang magsalita. "Uhm, hello?"
She saw him pressed the pause button on his phone and carefully lifted his face to see her. And she could now see his very beautiful face. A face that is now full of innocence. Mabilis itong nagbawi ang tingin at ibinalik ang atensiyon sa nakapahalang na cellphone nito.
"Sit beside me." utos nito habang nakatingin pa rin sa screen ng cellphone. Napansin niyang hindi pa naman nito itinutuloy ang paglalaro. Nang maalala niya ang sinabi nito ay mabilis siyang naupo sa tabi nito ng buong ingat. She did not intend to but she came very close to Levi. The so called intimate distance. Wala na siyang nagawa kundi namnamin na lang ang pagkakataong makacontact niya ito ng ganoong kaclose.
Pilit niyang pinipigil ang kanyang paghinga. Ayaw niyang ipahalata ang pagiging tense niya kay Levi.
"So, what's your question?" biglang tanong ng lalaki na hindi tumitingin sa kanya. Ipinagpapatuloy pa rin nito ang paglalaro ng phone.
"Question?" tanong niya pabalik dahil hindi niya nakuha kaagad ang gusto nitong iparating.
"Yup. Question. Tanong. Di nga ba at iyon ang dahilan kung bakit mo ako sinasamahan? Kung bakit kita naging ali- assistant. To interview me."
"Of course." nataranta niyang sagot. "Akala ko tapos na ang tanungan. Sabi mo kasi one question per day at sumusunod lang ako."
"I am giving you chance to ask me something that has sense. Yung may significance sa ginagawa niyong magazine."
Saglit niya itong tinitigan. It was another first time. Considerate din pala ang isang Levi Sullivan. "Really? Hindi ka nagbibiro?"
"Bakit? Ayaw mo ba? If you don't want it, it is up to you. Binibigyan lang naman kita ng pagkakataon."
"Wait, I have something here. Saglit lang ha, labas ko lang muna ang note pad ko." Mabilis niyang kinalkal ang kanyang bag at inilabas ang ever reliable niyang ballpen at notepad. "Ok, siguraduhin mong sagutin mo ang tanong ko ngayon."
Tumango lang si Levi tanda ng pagsang-ayon.
"Ok, tell me about yourself."
"That is not a question Miss Ismael."
"Question na ngayon para sa akin."
Levi did not leave any comment. Pinapanood na lang niya ito habang tutok na tutok sa paglalaro ng baseball sa mobile. Hindi niya alam kung narinig ba nito ang huli niyang sinabi. Pero, nararamdaman niyang magsasalita rin si Levi kaya hinintay niya lang ito. Hindi nga siya nga nagkamali. Unti-unting nagsasalita si ito na hindi inaalis ang tingin sa cellphone.
He talked about himself. His name, his age, even his address. Pati na rin ang tungkol sa pamilya nito ay ibinahagi nito sa kanya to her surprise. Hindi niya alam na makakapagshare pala ito ng ganun-ganun lang. Tuwang-tuwa naman siya dahil sa wakas ay napuno niya ang isang buong page sa kanyang note pad.
"Does that satisfy you?" tanong nito nang maramdaman niyang wala na itong ibang gustong sabihin.
"Yeah." she answered gleefully. "Marami na rin akong nakuhang information. Thank you so much."
"That's good. Then, I guess we're done." He closed the application he was playing. Then she saw him put his cellphone into locked mode and drop the gadget inside his pocket. "Let's go."
"Where to?" Muli siyang nagugulat. Hindi niya kaya ang unpredictable Levi. Paano ba naman kasi? Nakilala niya itong despicable at ngayon, lumalabas na pala ang tunay nitong pagkatao. A personality that he does not show frequently. Feeling niya, siya lang ang nakakakita ng ganoon.
"Uuwi na tayo." Napatayo na ito at nagsimulang lumabas ng gym.
"Ahh. . . . Ok?!" she uttered before following him.
"Ihatid na kita sa inyo." presenta sa kanya ng lalaki. This time mas lalo siyang nagulat. She was now no doubt shocked. "Saan ba sa inyo?"
"Huwag na Levi. Sa sakayan na lang ng jeep. Maaga pa naman."
Hindi na ito muling nagkomento pa. Sinundan niya lang ito habang naglalakad palabas ng school campus. Nang makalabas na sila ay walang nagsasalita. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad papunta sa paradahan ng na papunta sa kanila. Nagulat pa nga siya at alam pa ni Levi doon.
Magpapaalam na sana siya rito pero bigla niyang naramdaman ang paghawak ni Levi sa braso niya. Awtomatikong napatingin siya sa hawak-hawak nitong kamay niya. He did not even bother to let go of her arm kahit na napansin nito ang kanyang reaksiyon. "Thanks for being with me this day Savannah."
Tinitigan niya ito ng ilang segundo. Hindi pa niya kasi naaabsorb ang binitiwan nitong mga salita. "There is nothing to thank about. Ako dapat ang nagpapasalamat sa iyo."
Levi slowly let go of her arm. "Ingat sa pag-uwi. I will see you again tomorrow."
Hindi pa ito nakakaalis ay unti-unting bumuhos ang ulan. Mabilis itong bumalik sa kanya at hinubad ang hawak na suot na jacket. Mabilis nitong ipinatong iyon sa kanyang ulo. "Pasok ka na sa jeep para hindi ka mabasa."
Tila wala siya sa kanyang sariling tumango at sumunod sa sinabi nito. Nang makaupo na siya sa loob ng jeep ay sinundan niya lang ang papalayong lalaki. Napansin niyang pumara ito ng taxi at umalis na. Naiwan siya doon sa loob ng jeep na may hindi maipaliwanag na damdamin. Hindi na niya nasagot ang tanong ng katabi niya sa jeep na estudyante rin ng kanilang school kung sila na daw ba ni Levi. Maybe. Pati siya ay wala na siyang sagot doon.
Basta gusto niya kung anong nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...