Ilang araw na hindi nakabalik si Yanyan sa opisina ni Rex. Marami kasi siyang inasikaso kaya hindi niya nagawang nakabalik. Nasabi niya naman sa lalaki kung kailan siya babalik through a call between their secretaries.
Ngayon ay nagawa niyang bumalik. Inalam niya mula sa secretary ng binata kung anong araw ang pinakamaluwag para dito. At ngayon nga iyon. She reserved that day for them. Kailangan niyang manalo na para mawala na sa landas niya ang lalaki.
She was aware of the attraction that she was developing on the man. At natatakot siya sa maaaring kakahinatnan ng bagay na iyon.
Isang ngiti ang ibinigay niya sa secretary ng lalaki bago siya nito pinapasok sa loob. Gaya ng dati, napakalinis pa rin ng silid. She found the enemy sitting on his executive chair staring at the ceiling. Marahil ay hinihintay nito ang kanyang pagdating.
She gave him her greetings to make her presence known. Napaupo ito ng tuwid at saka mabilis na napatayo. Wala itong imik na lumapit sa mesa na kinalalagyan ng chess board. Kung may hindi nabago sa opisinang iyon ay ang chess board na naiwan niya noon.
Naupo siya sa dati niyang puwesto. "Let us start."
Dantes nodded and took a seat. Napaka-intimidating ito. He was like a king with a very composed wellbeing. Parang bawal itong magkamali o kaya'y bawal na marumihan sa suot nitong suit na sobrang napakarespetado. At may napansin siyang tila pamilyar dito, hindi niya lang malaman kung ano iyon.
She let that thought slip from her mind. Itinuloy na lang nila ang paglalaro. Pagkatapos ng matagal na walang imikan at labanan at tagisan ng galing, sa kasamaang palad ay natalo si Yanyan. Gusto niyang maiyak sa sobrang frustration at sa pagkatalo niya sa hamong siya mismo ang gumawa.
"Congrats!" matabang niyang bati sa lalaki. Inilahad niya ang palad dito para makipagkamay.
Imbes na tanggapin ang pakikipagkamay niya ay naglakbay ang kamay nito papunta sa leeg niya. Inayos nito ang nagulo niyang kuwelyo. Nagulat siya sa ginawa ng lalaki kaya napatitig siya dito. Ang mukha ng isang lalaki mula kahapon ang sumakop sa kanyang isip. That gesture that her ex-bestfriend or ex-boyfriend had always been doing.
"Why did you do that?" aniya. Pinilit niyang magalit dito.
Walang sagot mula sa lalaki. Nakakatitig ito sa kanya at hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito sa pagkakataong iyon.
"Yanyan." he whispered huskily.
Hindi siya sumagot. Naramdaman niya ang biglang pagtambol ng kanyang dibdib. She does know what was happening to her. Napatayo siya ng wala sa oras. "Congratulations again."
Tumalikod na siya at tinungo ang pintuan. Hindi niya alam na nakasunod lang pala sa kanya ang binata. Nahawakan nito ang kamay niya. Sa kanyang gulat ay napalingon siya dito. It was a very wrong move because Rex claimed her lips in a blissful kiss.
Hindi siya tumugon. She was too paralyzed to move. Hindi nakaya ng kanyang sistema ang lahat. Nang pakawalan siya ng lalaki ay mabilis siyang lumabas at patakbong tinungo ang elevator. Napaiyak siya ng wala sa oras. Bumalik ang dating sakit na nararamdaman niya. The familiarity with the man is unexplainable. Ngayon lang niya narealize na nakikita niya rito ang lalaki mula sa kanyang kahapon. Lalaking naiwala niya ng basta-basta.
Dumiretso siya sa kinapaparadahan ng kotse niya at nagmaneho pabalik sa main office ng Craze Magazine. Inayos niya ang kanyang sarili bago umakyat. Her staffs greeted her that she answered with a nod.
"Kathy, I want you to research on someone." mabilis niyang utos sa kanyang sekretarya nang nakita niya ito.
"Right away ma'am." mabilis na sagot ni Kathy. "Sino po ang taong iyon?"
"I hate to say this but I want you to know every information about Edward Dantes." wika niya at saka nagmamadaling pumasok sa kanyang opisina. Hindi na niya napansin ang pagkagulat kasabay ng pagtili ng kanyang secretary. Kailangan niyang i-compose ang sarili at kung maari ay ibakante ang utak niya sa lahat ng mga bagay na bumabagabag sa kanya ngayon tulad ng guilt at pagsisi sa isang bagay na nagawa niyo noon. Iyon ay ang ginawa niyang pananakit sa isang taong walang ginawa sa kanya kundi pasayahin at samahan siya.
Napabuntong-hininga si Yanyan kasabay ng pagbukas ng pintuan ng opisina niya. Pumasok doon si Kathy na hindi niya alam kung excited o nabigla.
"You need to hear this!" bulalas nito at mabilis na naupo sa visitor's chair katapat ng kanyang mesa.
"Bakit? Ano ba iyon?"
"Edward Dantes is dead!"
Nanlaki ang kanyang mga mata. "What the hell Kathy? Baliw ka ba? Paano nangyari iyon? Kasama ko lang kanina ang lalaking iyon. Natalo pa nga ako sa challenge na ako mismo ang nag initiate."
"Sinasabi ko ang totoo ma'am." pilit na sabi ni Kathy. "Matagal na palang patay si Edward Dantes."
Mas lalo siyang nagulat. Kung ganoon, sino ang kasama niya lang kanina. "Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang gusto mong sabihin."
"Matagal ng patay si Edward Dantes. Anak niya pala ang bagong CEO ng Prairie. Si Edward ang nagtatag ng kompanya pero mas pinalawak at pinalaki iyon ng nag-iisa niyang anak. At iyon nga, ang anak niya ang nakaharap natin."
Mas lalo siyang nagulantang. "Saan mo ba kasi nabasa noon na si Edward Dantes ang CEO ng Prairie? Baka pinagtatawanan ako nung tao hanggang ngayon. I always referred to him as Edward."
"Sorry Madamme." sagot ni Kathy na biglang napayuko. "Iyon kasi ang nakalagay sa kanilang site. Maging sa Wikipedia ay ganoon din. Hindi ko naman alam na hindi pala naupdate ang mga iyon. And believe me ma'am, this son of Mr. Edward is very private person. He does not care if his existence is not known."
"Ok ok." aniya. Minasahe niya ang kanyang noo sapagkat biglang sumakit ang ulo niya. "So, what's the name of this son?"
"It's Rex Ma'am. Rex Dantes."
"What?!" Tuluyan ng napatayo si Yanyan sa sobrang gulat.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...