Kanina pa hindi mapakali si Savannah. Kanina pa siya nakahiga sa kama niya at hindi alam ang gagawin. Napatayo siya pagkatapos ay biglang napahiga muli. She clasped her pillow and screamed at the top of her voice. Madaling naagapan ng unan ang ingay mula sa kanyang bibig.
"Ahhhhh!" she screamed lightly, enough not to be heard by her sibling. Malakas niyang ibinato ang unan sa kisame. Siya rin lang din naman ang nataman nang bumagsak iyon.
Ang sanhi ng kanyang mental agony, si Levi Sullivan. Hindi niya maisip na masasabi ni Levi ang kondisyon nito kanina. It was very impossible. Very unexpected. Very unfair. Muli ay muntik na siyang mapasigaw. Hindi na siya magtataka kung masabihan siya ng kanyang mga kapatid na nasisiraan ng bait. Well, nagkakatotoo naman talaga. And the culprit is, "Ahhh! Ayoko ng isipin iyon."
Pero napakabilis na bumalik sa kanyang ala-ala ang encounter niya sa lalaki kanina. Parang birong pabalik-balik sa isipan niya ang bawat katagang binitiwan ng hudyo na iyon.
Date me
Date me
Date me
Muli niyang dinampot ang isa niyang unan at itinakip sa kanyang ulo, enough to cover her ears. Mabilis niyang nakalimutan na kasama ng ulo niya ang kanyang utak. Then, the joke started to run over her mind again.
Date me
Date me.
"Ahhhh!" This time she did not suppress her mouth from screaming. Frustrated, she stood up. Malakas niyang ibinato pabalik sa kanyang kama ang unan na hawak niya at mabilis na lumabas sa kanyang kuwarto. Bumaba siya sa kanilang sala kung saan niya nadatnan niya ang kuya niyang si Erwin at si ate niyang si Collie na parehong natatawa habang nanonood ng Spongebob.
"Narinig namin yung sigaw mo." sabi ni Erwin na hindi humihiwalay ang mata sa telebisyon. Minabuti niyang huwag pansinin ang mga ito. Wala ring katuturan kung kakausapin ang dalawa niyang kapatid. She would always know that their concentration will never be distracted. Buti pa ang mga ito.
Dumiretso siya sa kanilang kusina para kumuha ng maiinom. Mabilis din siyang nakabalik sa kanyang kuwarto. Tama nga ang kanyang suspetsa, parang hangin siya lamang na dumaan sa harap ng mga walang-hiya niyang kapatid. Well, they could atleast pretend that they are concerned. Hay naku!
At dahil wala rin siyang napala sa balak niyang pagkalimot sa nangyari, she might as well face the motion. Sinagad niya ang kanyang sarili na alalahanin amg sinabi ni Levi na kondisyon sa kanya.
Well, he just proposed to her. A proposal that every girl in their school would dyingly want to receive. In exchange for the so called interview, she will date him. At hindi lang basta date ang gusto ng mokong. Ito ang magpapasya sa lahat kung magrereklamo pa daw siya o aawayin ito ay 'bye bye interview' ang magiging drama niya. That horrible brute!
Nasa kalagitnaan siya ng mental torture at personality indifference nang bulabugin siya ng kanyang cellphone. Mabilis niyang nilapitan ang bedside table at dinampot doon ang istorbong aparato. It was a text message from an unknown number.
"I changed the condition." malakas niyang basa sa natanggap niyang mensahe. Kahit hindi niya isipin ay alam niya kung sino ang nagtext sa kanya. That made her whole existence exploded into a total blast.
Levi just sent her a text message! Which is odd! Really odd. It was not his nature to sent messages to girls. It was the other way around. Somehow, that made her boost her self importance for a while. Tuluyan na siyang napangiti. Ang haba haba ng hair niya. Sino ba siya para itext ni Levi. And wait, where the hell did he get her number? And with her own wonderment, iyon ang nireply niya sa text ng Sullivan.
She was disturbed by the sudden beep again. A sign that Levi responded again. Yey, she was now so full of her self. Nakuha niya ang atensiyon ng isang matatag na chickboy without doing any effort. And with so much confidence, she read Levi's reply loudly.
"It doesn't matter kung saan ko man nakuha ang number mo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na pinapalitan ko ang kundisyon."
Ok, well, kung yan ang gusto ng royal highness, masusunod. Sino ba siya para magreklamo? Siya naman ang may kailangan dito kaya behave na lang muna siya. And the thought of dating Mister Sullivan makes her sick. Minabuti niyang tanungin dito kung ano ang bagong kundisyon bago pa man mawalan ng gana si Levi na itext siya.
At wala pang isang minuto ay agad din niyang natanggap ang sagot nito. It was in a very short message with three words, four syllables, and nine letters. Oh wait, in CAPSLOCK format.
BE MY SLAVE
"Slave? Siraulo pala ang Levi na ito eh! Anong akala niya sa akin?"
Gigil na gigil ang kanyang mga daliri habang pumipindot siya sa kanyang cellphone. Isang intense at malakas na 'No Way!' ang kanyang naging reply. Hindi na niya hinintay pa na sumagot na ito.
Tumayo siya at nilapitan niya ang kanyang laptop. Binuksan niya iyon at mabilis na nag-online. Kailangan niyang ilabas sa twitter ang ngitngit niya. Habang nagcocompose pa siya ng kanyang sasabihin ay mabilis na nagpop-op ang isang notification. It was a friend request coming from facebook. Nanggigil niyang pinindot ang mouse at tumambad sa kanyang screen ang pangalan ni Levi Sullivan. The request was coming from that inconsiderate brute!
Kahit labag sa kanyang kalooban ay nagawa niyang tanggapin ang friend request nito. At kaagad na nag-pop-up ang isa pang notification. It was a message from Levi. And again she read aloud.
"Hoy pangit! Kailangan mong makipagkita sa akin bukas para sabihin ko ang mga kondisyon. Bye!" And that was it!
"The nerve of this man!"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...