Banang ignored Levi. She pretended that as if she did not see him. Nang lagpasan niya ito ay naramdaman niya ang kamay ng binata na humawak sa kanyang braso. Nakakunot-noo niya itong nilingon. She pretended to be shocked when their eyes met.
Natigilan si Levi. The moment paused for a while until she pulled away from his arm. Tila naman biglang natauhan ang lalaki.
"Sandali lang." Levi uttered softly. "Can we talk for a while?"
"We are already talking." walang emosyon niyang pahayag. "What do you need?"
Levi cleared his throat. "What is your work exactly?"
"Narinig mo na ang lahat tungkol sa trabaho kanina." she snapped. "Why all of a sudden you seem so interested with my job?"
"Nothing." mabilis nitong wika. May napansin siyang kakaiba sa mga mata nito na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. "Always take care."
"Thanks!" naisatinig niya bagaman naguguluhan siya sa inaasal nito ngayon. "Now, can we get back at the table?"
"Mauna ka na." anito ng walang kaemo-emosyon. Napakibit na lang siya ng balikat at naunang bumalik sa mga kasama nila.
"Did you perhaps see Levi?" tanong sa kanya ni Yuki nang mabaling ito sa kanya. "Kanina pa kasi umalis hindi pa siya bumabalik."
"Oh, I haven't seen him." kaila niya. Sakto namang nagbalik si Levi kaya hindi pa muling nakapagsalita si Yuki. Sa lalaki bumaling ang atensiyon nito.
*****
Hindi makapaniwala si Rex sa pagkakataong iyon. Kaharap niya ngayon si Yanyan Vito. He never expected that this woman is actually serious. Buong akala niya ay nagbibiro lang ito nang hamunin siya ng chess. But right now, the woman is here. Completely and truly Yanyan.
"So can we begin?" naiinip na sabi sa kanya ng dalaga.
"Sure." he replied. Tumayo siya at hinubad ang suot niyang coat. Isinampay niya iyon sa kanyang upuan saka lumayo mula sa mesa at tumungo sa center table kung saan doon nakapatong ang chess board. Sumunod sa kanya si Yanyan. Parehong silang naupo sa magkaharap na sofa.
Kinuha niya ang chess board at binuksan iyon. Inilabas niya ang mga pieces at saka bumaling kay Yanyan. "Choose your color pieces."
"I will take white." determinado nitong sagot.
"Fine."
Mabilis nilang inayos ang mga pieces sa chess board at nagsimula na silang maglaro.
"So, tell me about yourself." wika ni Rex. He wanted to initiate a conversation. Ang boring naman pag laro lang sila ng laro na wala man lang salita.
"Is that your way to distract my attention?" Yanyan asked him without giving him a glance. Nakatutok ito sa kanilang nilalaro habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...