Note: Pagpasensiyahan niyo na lang po kung may ibang mga inconsistencies sa mga pangalan. This was previously published under different character names. Please comment na lang kung may makita kayong kakaibang pangalan para mapalitan ko kaagad. Thank you so much! 😘
Yanyan is very excited to see her bestfriend. May sasabihin kasi siya sa kaibigan na importanteng bagay. Sinagot na kasi niya ang manliligaw niya mula sa kanilang department na si Paolo. Isang buwan ding nanligaw sa kanya si Paolo. Hindi niya ipinaalam iyon kay Rex dahil wala rin siyang balak na sagutin si Paolo noon. Pero ngayong sila na ni Paolo ay kailangan niyang ipagtapat iyon kay Rex.
Kaninang umaga pa niya ito tinext na may mahalaga siyang sasabihin sa binata. Bagaman hindi nagreply sa kanya si Rex ay alam niyang makikipagkita pa rin ito sa kanya sa araw na iyon. Katunayan nga niyan ay may ginawa naman siyang sandwich para sa kaibigan.
Matiyaga niyang hinintay ang break ni Rex maaga kasi siyang pumasok dahil lamang sa ibabalita niya rito. Pagkalipas ng mahaba-habang sandali ay namataan niya ang binatang palapit sa kanyang kinaroroonan. Iyong paborito nilang spot sa HU campus. Iyong pangalawa sa mga anim na nasisilungang bench sa kabuoan ng Harrison University.
Rex walked with dignity and posture. Guwapo pa rin ito sa paningin niya sa kabila ng ayos ng buhok nitong tila Rizal at ang makapal nitong eyeglasses.
"Hi." bati nito sa kanya at tiningnan ang hawak niyang bag ng sandwich. Naupo ito sa kanyang tabi. "What was that important thing we are going to talk about. Siguraduhin mong importante dahil busy ako ngayon Yanyan."
"Importante ito." She assured him. Ineksamin niya muna ang itsura nito bago nag-isip ng kung paano ipagtapat ang pagkakaroon niya ng boyfriend. "Pre, may boyfriend na ako ngayon."
Mabilis na nagdilim ang anyo nito sa kanyang sinabi. Sanay na siya rito. Ganitong-ganito rin ang nagiging reaksiyon ng kababata niya sa tuwing sasabihin niyang may kasintahan na siya. Ganoon lang naman ang reaksiyon nito pero maya-maya rin ay lalambot ang mukha at tatanggapin ang kanyang desisyon.
"What do you mean?" he said in a very feral tone.
"Sinagot ko na ang manliligaw kong si Paolo."
"Who the hell si Paolo?"
"Classmate ko siya. Transferee last year sa atin. Hindi ko na sinabi sa iyo na halos isang buwan na siyang nanliligaw sa akin. Akala ko kasi ay hindi ko siya sasagutin."
Rex's expression did not even change. Parang galit ito na hindi mawari ni Yanyan. "Kailan ka uli nagkaroon ng boyfriend before that Paolo?"
"Two months ago."
"Two months ago?" sarkastikong sabi ng binata. "Ang bilis mo yatang magpalit ng boyfriend Yanyan. Padalus-dalos ka palagi. Puwede naming huwag mo munang sagutin ang Paolo na iyon eh. At pagkatapos ng isang buwan ay anong mangyayari, magbebreak naman kayo at mag-eentertain ka kaagad ng manliligaw mo. At pagkatapos rin ng isang buwan ay ibebreak mo. I am sick and tired of that particular attitude of yours."
Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa mukha nito. Nagulat si Rex sa kanyang ginawa. Maging siya ay ganoon din. That was the first time that she ever hit him in the face. Rex did not budge. Nagbalik ang mukha nito sa pagkakaroon ng blangkong expression.
"Kung makapagsalita ka sa akin ay parang masama akong babae." Sa wakas ay wika niya. Punong-puno ng hinanakit ang boses niya. "Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin mo sa akin. Isang playgirl, mapaglaro, at. . ." Hindi na niya naituloy gusto niyang umiyak sa sakit ng kanyang pakiramdam.
"I won't apologize for what I said." Rex said firmly. "Bahala ka nang makarealize na iyon talaga ang ginagawa mo. Good luck na lang sa relasyon niyo ni Paolo. Huwag ka lang magkakamaling lalapit sa akin pag nasaktan ka na naman." Diniinan nito ang mga katagang 'na naman'. Tumayo ito at mabilis na iniwan siya.
Hindi niya alam na ganoon ang kakahinatnan ng kanilang pag-uusap. Ang akala niya ay matutuwa ito pag nalamang may bago siyang boyfriend. Why can't Rex let her to be happy? At kasiyahan naman niya ang pagkakaroon ng kasintahan. This was even the first time that Rex did not approved of her being in a relationship. Teka lang, napapansin niya na madalas na kinukontra na siya ng kanyang kaibigan. Wala naman siyang ginawang masama rito para pahirapan siya ng ganito.
Umalingawngaw ang mga sinabi nito kanina sa tainga niya. Doon niya narealize na totoo ang sinabi ng kaibigan. Ilang taon na siyang nagpapalit-palit ng boyfriends. And he was right again because every heart break she had, Rex is always on her side to comfort her. Ito ang palaging tagasalo ng kanyang mga nararamdaman. Madalas ay tahimik ito pag tinawag niya ito para ibuhos ang sakit ng damdamin. Wala siyang narinig na anupamang reklamo mula sa binata. Ngayon lang talaga. And she hates that about him. Pagkatapos siya nitong sanayin ay bigla nitong babawiin sa kanya ang kanyang nakasanayan.
Mabilis niyang dinampot ang sandwich at malakas na ibinato. Ayaw niyang tanggapin na siya ang nagkamali. Puwes, kung ayaw ni Rex na may boyfriend siya ay wala na siyang pakialam doon. Itutuloy niya ang kanilang relasyon ni Paolo. Bahala na rin si Rex sa buhay nito.
Tuluyan na siyang napaiyak. Feeling niya ay buong mundo ang umaway sa kanya. Hindi niya matanggap na mababa pala ang tingin sa kanya ng kaibigan niya. Paano nito nasabi ang lahat ng mga nasabi nito kanina? Nasikmura ni Rex na pagsabihan siya ng ganoong kalupit. Bakit mabilis yata itong nagbago?
Gamit ang kanyang hinlalaki ay mabilis niya ring pinalis ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Tumayo siya at umalis sa lugar na iyon. Hanapin niya na lang si Paolo at ang boyfriend na lang niya ang kausapin. Tinext niya si Paolo at tinanong kung nasaan ito. Mabilis nman itong nagreply at sinabing nasa gym ito may training ang mga ito. Varsity ang kanyang boyfriend. Sepak takraw player ito.
Habang naglalakad siya papuntang gym ay nakasalubong niya si Rex. Hindi siya tinapunan ng tingin ng lalaki. Mabilis itong lumagpas sa kanya na parang hindi siya kilala. Nasaktan siya sa ginawa nito. Nang lingunin niya ito ay lalo siyang nainis. Mabilis kasi itong nawala sa kanyang paningin. Just like that! Sino ba siya sa akala niya?
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...