68 Levi I Rex

1.5K 95 17
                                    



"Anna Gracia?" nausal niya. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. Bigla niyang narealize na inulit lang pala niya ang pagbigkas nito ng kanyang pangalan. "Of course, I am Anna Gracia. Sino sila?"


"You don't know me?" mapanganib na wika nito. Napansin niya ang pagdaloy ng galit sa guwapo nitong mukha. Hindi niya ito maintindihan.


"May dahilan ba para makilaka kita, Mister?"


"I am from Prairie." matabang nitong sagot. Prairie? Of course! Of course! The problem she is trying to solve right now. So this is the CEO of Prairie?


"Oh?" aniya na hindi alam kung ano ang sasabihin. Matagal niyang iniiwasan ang pakikipag-usap kahit kaninong taga-Prairie hangga't hindi tinititigil ng mga ito ang pag-put up sa bagong line ng kompanya na babangga sa Craze Mag.


"Maybe you already know why I am here." the man said dangerously. "I want you to stop threatening me. I will still pursue on my original plans."


"Sorry Mister. Pero buo na ang loob namin na ilabas ang mga articles namin kung hindi niyo itigil ang pagbubukas ng bagong linya ng publishing niyo." matatag niyang sagot sa kabila ng nanginginig na tuhod. This man has a very strong effect on her. And it is uncontrollable.


"Then, the competition sets forth." muli nitong wika na parang wala itong narinig sa sinabi niya. "But I am still warning you Miss Gracia. Once you released an article about Prairie, good or bad, alalahanin mo, mas malaki kaming kompanya. We have newscast channel and we have bigger audience. Mas malaki ang magagawa namin against Craze."


Namutla si Anna Gracia. Siyempre hindi niya inaasahan na ganoon ang gagawin ng mga ito. Hindi na siya nakapagsalita. Bakit hindi niya kasi naisip ang maaring gawin ng Prairie. They are a lot bigger than Craze Mag.


"Well, I guess I just wasted my time going here." muling sabi ng lalaki without removing the insolence on his face. "Have a good day Miss Gracia."


Naiwan siya na nakatulala. Hindi niya lubos maisip na ganoon kabilis ang lahat. Naramdaman niya lamang ang sekretarya niya na kumakalabit at sumisiko sa kanya. Nakalapit na pala ito na hindi niya namamalayan.


"Sayang naman iyon ma'am." ani Kathy sa paraang nagbibiro. "Sundan mo kaya yung dyowa niyo. Nagtatampo lang naman sa iyo iyon. Sino ba kasi ang nakaimbento ng LQ na iyan? Grabe, wala talaga namang naitutulong."


"Narinig mo ba ang pag-uusap namin?" nanggigigil na tanong niya.


"Opo naman ma'am."


"Then, you should have heard that we are not having an immature Lover's Quarrel since we are not together? Sana narinig mo rin na kanina lang kami nagkakilala." sarkastiko niyang sermon dito.


"Ay, yes ma'am." muli nitong sagot. "Diyan po nagsisimula ang lahat. May forever sa inyo promise."


"Kathy! Tumahimik ka na! Sumasakit ang ulo ko sa iyo!"


*****


Pagkatapos ng matagumpay na pagsama ni Banang kina Dana sa celebrity news ay bigla siyang nangulila sa totoo niyang field. Gusto niyang bumalik sa pagiging hardcore. Feeling niya ay magkakasakit siya kung palaging mga artista, models at mga athletes ang kanyang sinusundansundan. Nagdesisyon siyang makipagkita sa boss niya para makiusap na ibalik siya sa tunay niyang field.


"Magandang hapon." masaya niyang bati kay Rex nang makapasok siya sa opisina nito. Sinigurado niya rin na talagang maayos ang lahat sa kanya para walang mapuna ang clean freak niyang boss.


Umangat ang mga kilay ng kanyang boss nang siya ay masilayan. "What are you doing here?"


"Dinadalaw kita Boss Pogi. Kumusta ka naman?" Inilabas niya talaga ang lahat ng energy niya sa katawan para maging totoo at maging matamis na matamis ang kanyang ngiti.


"As you can see, I am busy." mariin at walang kaemo-emosyong wika ni Rex. "Sabihin mo na kung ano ang sadya mo."


"Eh, gusto ko sanang humirit." aniya na pilit pinagaan ang boses para hindi siya tumutunog na nagdedemand. "You know, successful naman ang pagsama ko sa mga lakad nina Dana. I guess it is about time that, you know."


"Diretsuhin mo na ako Savannah."


"Please bring me back to my real world."


"You are in your real world."


"Boss Pogi naman. Ang ibig kong sabihin ay sana i-lift mo na ang parusa mo sa akin. I want to go back to the real action. Promise, tutuparin ko na ang lahat ng sasabihin mo sa akin."


"Sinabi mo rin sa akin iyan noon bago ka nagpunta ng Cebu. Wala ka namang tinupad sa mga sinabi mo." Rex sighed. Mula sa laptop nito ay bumaling ito sa kanya. "Pag-iisipan ko pa."


"Huwag niyo ng isipin boss pogi. Marami naman yata kayong ginagawa para isipin pa iyon. Payagan niyo na kaya ako para wala ng problema."


"Ismael." Rex warned.


"Ok. Ok." aniya na natatawa. "Basta pag-isipan niyo yan boss. Aalis na ako para makapag-isip ka na. I love you talaga. I love you." Tumayo na siya at nagmamadaling umalis baka may magawa pa siyang hindi kaaya-aya. Kailangan talaga ni Rex.


Sa ngayon ay uuwi na lang muna siya para magpahinga. Baka sa Mindanao siya ipadala ng boss niya. Lalong-lalong kailangan niya ngayon ng mahabang pahinga bago pa man siya sumabak. The thought of going back again to action excites her more.


Sa kanyang excitement ay hindi niya napansin ang taong makakasalubong niya sa entrance ng building. Naramdaman na lang niya ang pagbangga niya sa isang tila bakal na dibdib ng isang lalaki. Natumba siya sa lakas ng impact. Ang pang-upo niya ang unang tumama sa sahig kaya napaungol siya sa sakit.


She expected a hand to help her get up. But nothing came. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang papalayong lalaki. Napatayo siya sa sobrang inis. Hinubad niya ang kanyang sapatos at malakas na ibinato doon sa bastos na lalaki. Her shoe caught his back. It must really hurt kasi napansin niya itong napapailing. Tumigil ito at unti-unting napalingon sa kanya.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon