"Sweetheart."Biglang uminit ang ulo ni Banang nang marinig ang boses ni Levi. Sweetheart? Sino si Sweetheart? Sigurado siyang hindi siya ang tinawag nito dahil hindi naman Sweetheart ang pangalan niya.
"Sino si Sweetheart?" galit na singhal niya rito. Tila nakikita pa niya ang boyfriend na inilayo ang cellphone sa tainga nito.
"Loves naman!" agad naman nitong sabi. At ngayon ay Loves na naman. Has Levi mistaken her for somebody else?
"Hoy! Sino ang sweetheart at loves na mga iyan?! Ako to, si Savannah Ismael aka Banang, girlfriend mo!"
"Aray! Ang sakit sa tainga. Bakit ba bigla kang sumisigaw diyan. I was referring to you. Bakit ayaw mo bang gumamit naman ako ng mga endearments sa iyo?"
"Malay ko bang ako pala ang tinutukoy mo. Sa dami ng mga babae mo, hindi ko alam sa kanila kung sino si Sweetheart at kung sino si Loves."
"Ito naman nagtampo at nagselos kaagad. Dating mga babae na ngayon sweetheart. Mag-isa ka lang dito sa puso ko. At huwag kang mag-alala, I never used endearments to my past girls."
"Pero sigurado kang ako talaga ang tatawagan mo?"
"Sigurado ako. Ikaw nga ang nagpalit ng pangalan mo dito. Magandang Banang."
"Hoy! Ikaw din naman ang naglagay ng Guwapong Levi sa phone ko. Nakigaya lang ako sa pinapauso mo. Anyway, bakit ka napatawag?"
"At bakit naman hindi? May usapan tayo sweetie, remember?"
"Anong usapan iyon?"
"Nakalimutan mo na kaagad? Di ba iistalk natin sina Ryan at Patring?"
"Ay, oo nga pala. Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila."
"Tamang-tama. Kararating ko lang din dito kina Ryan. Kailangan nating mabisto ang mga ito."
Tama ito kailangan nilang malaman kung talagang may relasyon nga sina Ryan at Patring. Nitong nakalipas kasi na araw ay naging alipin sila nina Patring at Dodong literally. Binlackmail sila ng dalawa na kung hindi nila gagawin ang lahat ng mga utos ng mga ito ay ibubunyag ng mga ito ang totoo nilang relasyon. Of course, kasama na rin sina Cara at Pacoy na wala ring nagawa.
At talagang sineryoso ng dalawang opurtunista nilang mga kaibigan ang blackmail ng mga ito. Nagpalibre ang mga ito ng pagkain. Nagpagawa ng assignment. Nagpatransfer ng notes at kung anu-ano pa. Kaya upang matigil ang mga ito, nakagawa silang dalawa ng plano.
"Bantayan mong maigi si Patring." muling sabi ni Levi. "Huwag mo siyang hayaang mawala sa paningin mo."
"Sige. Sige."
"Ok. Bye for now sweetheart. Tawagan na lang kita ulit mamaya."
"Oks."
"I can't wait to see you again. Later."
"Ok, bye na." Siya na ang kusang pumutol ng tawag.
Pilit niyang inalis si Levi sa isip niya nang mapansin niyang palabas na si Patring sa bahay ng mga ito. Maingat niya itong sinundan. Of course, she is always ready taking pictures. Yung camera niya mismo ang dala-dala niya.Nakita niya ang kaibigan na sumakay sa isang pampasaherong jeep. Buti na lang at sa harap ito pumuwesto kaya nagawa niyang sumakay din si jeep na pinasok nito. Nang bumaba ito sa mall ay nakibaba rin siya.
Lihim pa rin niyang sinusundan ito. Gamit ang kanyang camera ay meron na talaga siyang ebidensiya. Sa entrance ng mall ay makita niyang nandoon si Ryan at naghihintay. She turned her camera into video mode. Nagyakap ang mga ito tapos magkaholding hands na pumasok sa mall.
Sumunod pa rin siya sa mga ito. Habang papasok na siya ng mall ay nagulat siya nang maramdaman ang kamay sa kanyang balikat. Napalingon siya at napansin niya ang isang napakaguwapong lalaki na nakangiti sa kanya. Muntik na siyang mahimatay nang masilayan ito. Luckily, ang guwapong ito ay boyfriend niya.
"Good job!" nakangiting sabi ni Levi. "Tara sundan natin sila."
Magkasama nilang sinundan sina Ryan at Patring. Of course, sa tulong ng zoom ng kanyang camera ay nagagawa nilang sundan ang dalawa kahit malayo lang sila. Nakita nilang pumasok ang mga ito sa sinehan. Lumapit sila sa ticket booth at bumili din sila. Susundan nila ang dalawa hanggang sa sinehan.
Nang makahanap sila ng magandang puwesto na hindi nalalayo sa kinauupuan nina Ryan at Patring ay naupo na rin sila. At pagkaupo nila ay naramdaman na naman niya ang hininga ni Levi sa kanyang leeg. He is sniffing her again!
"Stop it!" saway niya rito pagkat nakikiliti siya ng sobra-sobra.
Hindi nakinig ang kanyang boyfriend. Inilapit nito ng husto ang mukha sa leeg niya. And again, she felt his teeth against her skin. Kinagat na naman siya ng walang-hiya! Bago pa niya maitulak ang ulo nito ay kusa na itong lumayo na tumatawa.
Pero muli nitong inilapit ang mukha sa kanya. This time sa kanyang tainga naman. Nagulat siya. Akala niya kung ano na naman ang gagawin nito. May ibubulong lang pala. "Huwag mong isiping ginagawa lang natin 'to dahil kina Ryan at Patring. Consider this also as our date. First time yata nating magdate sa isang sinehan. So, we need to eliminate the two in our minds. This is between you and me only. Beetwen us. Get that?"
Tumango na lang siya. Baka pumiyok pa siya pag nagsalita sa sobrang kilig.
Then he slowly got her arm and held it. He intertwined his fingers with her. Napapikit siya sa gesture nito. Talagang nakakakilig. Hindi talaga siya nagkamali sa pagsagot dito. Kahit seloso ito ay ok lang sa kanya dahil araw-araw at inuras-oras naman na ipinaparamdam sa kanya ng kanyang boyfriend na mahal na mahal siya nito. Tingnan mo ngayon, stalking lang ang plano nila pero sa totoo lang paraan lang pala iyon ni Levi para magkasama sila sa araw na iyon. And honestly, she is enjoying every moment of it.

BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...