44 Levi

1.8K 115 8
                                    




                 

"Hi sweetie!" malakas na sigaw ni Joel kay Banang habang naglalakad siya papuntang library. Kailangan niyang humiram ng libro para sa reading assignment nila sa Economics. Awtomatikong napalingon siya sa kinaroroonan nito. Kasama nito ang basketball team.


Itinaas niya ang kamay at nginitian si Joel. "Good morning sa inyo. Library muna tayo."


"Pass muna kami diyan." nakatawang sagot ni Miguel. Sumunod ang halakhakan ng mga kabarkada nito. Siya ay napapailing na lang na napapangiti at nilagpasan ang mga ito. Hindi niya napansin ang isang kasama sa grupo na seryoso at masama ang mga tinging nakasunod sa kanya. Si Levi.


Nagtuloy-tuloy lang siya sa library. Mabilis niyang hiniram ang kakailanganin niyang libro at lumabas na rin. Hindi na niya pinansin ang grupo nina Joel. Mabilis niyang nilagpasan ang mga ito.


Hindi pa siya nakakalayo ay muli niyang narinig ang pagtawag ni Joel. "Sweetie, sandali lang."


Nilingon niya ito. Napansin niyang patakbo itong sumugod at mabilis na nakarating sa kanyang harapan."Puwede bang magpatutor sa iyo? Tungkol sa lesson natin sa economics."


"Yun lang naman pala." nakangiti niyang sagot. "Tara sa room."


Mabilis na kumaway si Joel sa mga kasamahan nito at nagpaalam. Saka sila nagtuloy sa kanilang classroom. Muli ay walang nakapansin sa masasamang tinging ipinukol ni Levu kina Banang at Joel.


*****


"Tol, may chix ba iyong si Joel?" tanong ni Levi kay Pacoy nang makasama niya ang mga ito sa canteen.


"Hindi ko alam tol." sagot nito at saka yumupyop sa lamesa sa paraang matutulog. "Sila naman yata ni Banang. Sweetie nga ang tawagan nila."


Hindi na siya nakapagsalita.


"Bakit pare?" si Jake. He put his CoC on pause mode and face him. "Type mo?"


"Sino?" he countered defensively. "Si Savannah?"


"Hindi, si Joel." malakas na singit ni Ryan. Napatawa ang mga ito. Pati si Pacoy ay biglang napatuwid ng upo at nakitawa.


"Gago ka tol." aniya at binigyan ng mahinang suntok sa balikat si Ryan. "Nagtatanong lang ako."


"Bakit kasi ganoon ang tanong mo? Interesado ka ba kay Joel?"


"May chance."


"Tigilan niyo nga ako." pigil niya sa matatabil na mga dila ng mga kaibigan. "Kami lang dalawa kasi ang walang girlfriend sa team. Pag nagkataon ay ako na lang ang single doon."


"Bakit itong si Pacoy, may chix ba iyan?"


Napailing si Pacoy at muling ibinaba ang mukha sa lamesa.


"Si Cara." sabi ni Jake. "Nakita ko sila sa McDo minsan. Kumakain ng fries."


"Tsismoso ka tol." kantiyaw ni Ryan dito. "Pero hindi maari iyon, nakita ko silang nagsusuntukan kahapon sa gate two."


"Ikaw ang tsismoso Ryan."


"Hindi ako tsismoso. Naalala ko pala ang tanong mo tol kanina. Tama kayo, mag-on na sina Joel at Savannah, nakita ko nga sila kanina sa classroom nila na naghaharutan."


"Tsismoso ka talaga. Ang dami mong nakikita." ani Levi at hindi na muling umimik. Basta na lang siyang tumayo at iniwan ang mga ito. Pumunta siya sa gym at saka pinapunta si Savannah doon.


Wala pang limang minuto ay nakita niya ang babae na papasok sa gym. Inilibot nito ang paningin sa loob. Nang makita siya ay tahimik itong lumapit. "Hello."


Tahimik itong naupo sa kanyang tabi. Nataranta yata ito kaya hindi inaasahang madikit sa kanya ng husto. Nagustuhan niya naman ang pagkadikit ng kanilang mga katawan. Natawa siya ng lihim nang mapansin na nanginginig na ito.


Akma itong lalayo pero pinigilan niya. Nalanghap niya tuloy ang napakabango nitong buhok. "Hmmm! Your hair smells like the wild forest after a heavy rain. Refreshingly sweet."


Bigla itong naconcious at napatuwid ng upo. He saw her face blushing. "Beautiful."


"So, a-anong ipapagawa mo ngayon?" nanginginig pa rin nitong sabi.


"I am not going to make you do something today. Pinatawag kita para magtanong na. Pass muna ako ngayon sa pagpapahirap sa iyo."


Tahimik siyang tiningnan nito. Parang bigla itong naguluhan. "So, magtitigan na lang tayo dito?"


"Ok, bitiwan mo muna ako." mahina nitong usal. "Hindi ako makapagsulat kung ganito tayo kalapit sa isa't-isa. "


Saka niya narealize na nakaakbay pa pala siya dito. Napatawa siya ng malakas sabay bitiw sa pagkakahawak dito. "Of course! Of course!"


And the boring interview begins. They're talking about favorites. Mga walang kuwentang tanong. Tahimik na lang niyang sinagot ang mga tanong nito. Habang tumatagal at tinititigan niya ito ay kakatwang nagagandahan siya sa pinakamalalang kaaway niya. Simple lang ang ganda nito pero it is disturbingly unusual. Ang mukha nito ay hindi basta-basta makakalimutan at hindi nakakasawang pagmasdan. And those lips, oh boy. Muling nagbalik sa kanyang kaisipan ang mga pagkakataong nahalikan niya ang mga iyon.


"Ok, last question, what is your favorite food?" narinig niyang sabi ni Banang. Nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa mukha nito.


"Your lips." wala sa sariling sagot niya.


Biglang natahimik si Savannah at nakipagtitigan siya. Napansin niyang unti-unti itong nagba-blush. "Sorry, what's your question again?"


"Favorite food?" ulit nito na sa notepad na nito nakatingin.


"Nothing in particular. Gusto ko lahat ng pagkain. From spicy to sweet."


"Ok. That's all for today. Thank you so much for your time."


Ibinalik ng babae ang notepad sa bag nito at saka sumandal sa bleacher. Tahimik lang itong nakatingin sa malayo na tila nahihiya. Bigla ay naalala niya ang talagang dahilan kung bakit niya pinapunta ang babae. "Hindi ba magagalit sa iyo ang boyfriend mo sa ginagawa natin?"


"Boyfriend?" naguguluhang wika nito. She was now looking at her innocently. "Wala akong boyfriend."


"You do not have to hide it."


"Wala akong boyfriend. Totoo ang sinasabi ko."


He sighed. "I am talking about Joel."


Nanlaki ang mga mata nito na biglang napatingin sa kanya. "Si Joel? Who gave you that idea? Hindi ko boyfriend iyon."


"I heard him call you 'sweetie'. And some of my teammates see you two oftentimes like a couple."


"Kaibigan ko lang si Joel. Ganoon na talaga iyon sa akin. Noong first year pa tayo nagsimula ang sweetie na tawag niya sa akin. Siya kasi ang pinakamalapit na lalaki para sa akin dahil naging blockmate ko siya ng apat na taon. Well, there's Dodong too."


Bigla siyang nagdiwang sa mga narinig. Hindi naman pala nito boyfriend ang Joel na iyon.


"Yung pinsan ni Kit na si Frances ang pinupormahan nito ngayon. Katunayan nga niyan ay nagpatulong siya kaninang umaga. Akala ko ay economics ang pag-uusapan namin yun pala ay si Frances."


Bigla silang nanahimik nang matapos itong magpaliwanag. Saka lang nila narinig ang school buzzer. Hudyat iyon para pumasok na sila sa kanilang mga klase.


"Wait for me after class, I'll walk you to your terminal."


Tumango ito at saka napangiting tumalikod at nagsimulang maglakad.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon