78 Rex

1.5K 85 5
                                    

Natatakot si Yanyan na kausapin si Rex. Hindi niya alam kung totoo nga ang sinabi sa kanya ng ina nito. Maraming naglalaro sa isipan niya kaya umabot na ng tatlong araw na hindi pa niya nakakausap ang lalaki. Pero naisip na rin niya na iisa lang ang paraan para malaman niya ang totoong nararamdaman ng nito and that is to talk to him.


Sa nakalipas na tatlong araw, she opted not to talk to Rex and she will just have to forget everything including him. But, it was difficult for her to bear lalo na at may kasalanan siya sa lalaki. Kaya siya nagdesisyon na kausapin na ito sa pagkakataong iyon.


Wala pang security na matutugunan nitong muli ang tunay niyang nararamdaman para dito pero kailangan niyang sumugal. Kung wala na talaga ay hihingi na lang siya ng tawad dito sa nagawa niya sa lalaki noon. By that, she will have to free them together and go on with their separate lives.


Sobrang malakas ang kabog ng kanyang didbdib nang marating niya ang floor ng opisina ni Rex. Sari-saring emosyon ang naglalaro sa kanya ngayon. Pero kailangan niyang gawin iyon. It is now or never.


"Good morning." nakangiti niya pa ring bati sa sekretarya nito kahit sobra siyang kinakabahan.


"Good morning too Miss Vito." magalang na sagot nito. "Gusto niyong makita si Sir?"


"Yes. If he is not busy."


"Hindi po ma'am. Maari po kayong pumasok. Wala din po naman siyang appointment ngayon."


"Thanks."


Kumatok siya muna. Pagkarinig ng boses nito ay itinulak niya ang pinto at saka pumaloob. Nanginginig ang kamay niya habang itinulak niyang muli pasara ang pinto.


"What do you want Vina?"


Hindi siya sumagot. Pinanood niya lang ito habang nakatutok ang mga mata sa laptop na nakapatong sa mesa. She knew that he is waiting for his reply. Still, she did not move, did not talk, and did not budge. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng pintuan habang pinapanood ito.


Napaangat ng tingin si Rex at saglit na nagulat nang siya ay masilayan. "What can I do for you Miss Vito?"


Pain sliced her heart upon hearing his tone and the fact that he called her in last name basis. Tama nga ang ina nito. May biglang nagbago sa lalaki. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito na hinaluan ng galit. Kung para saan ang lungkot ay hindi niya alam pero ang galit ay alam niyang para sa kanya iyon.


"I came by to talk to you." mahina niyang wika. Hindi pa rin siya lumapit. Rex did not even offer her a seat.


"What do you want to talk about?" malamig nitong tanong.


"I want to apologize for what I did to you many years ago." sa wakas ay nasabi niya. Nararamdaman niya ang panunubig ng kanyang mga mata pero pinigilan niya ang sarili para huwag maiyak. It is not the right time for her to be a crybaby. Ngayon ay ayaw niyang salubungin ang mga tingin nito.


Ang kawalan nito ng imik ay siyang nagpawala sa lahat ng mga pag-asa sa kanya. She suddenly broke down. Napaupo siya in a squat way at biglang napaiyak. "Oh my God. I can't do this."


Ang mukha ni Rex ay hindi pa rin nag-iba. Wala itong pakialam kahit na nakikita nitong umiiyak siya at nasa hindi magandang kalagayan. Maybe, his mother is not right all along. Napatayo siyang muli sa sobrang frustration. "I'm sorry Rex." aniya at tumalikod. Napahawak siya sa knob ng door nang marinig niya ang boses ng lalaki.


"I want to know your reasons." kalamado nitong sabi. Sapat iyon para hindi niya ituloy ang pagbukas ng pintuan. Muli siyang napasandal doon. "I want to know why you broke up with me."


She sighed. Pinilit niyang salubungin ang tingin nito. Luckily, she was strengthened again. "Natakot ako Rex. Believe me. I was so scared of where our relationship might lead us. Marami akong pangarap kaya natakot ako kapag binabanggit mo sa akin palagi ang tungkol sa pagpapakasal."


"You were scared of me?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Nanatili itong nakaupo pero nakatiklop na ang laptop nito.


"It is not like that. I am never scared of you."


"Kung ganoon bakit mo ako sinaktan kung hindi ka takot sa akin? Sinabi mo rin sana noon na hindi ka handa pala na magpakasal kaagad. Or maybe, you told me that I shocked the hell out of you because of being fast forward. Marunong akong makaintindi at maghintay Yanyan. I just don't know kung bakit ikaw ang naunang sumuko."


"I knew that." sabi niya. "Kaya nga ako naririto para humingi ng tawad sa inyo.


"Why now?" makahulugan nitong wika. Sarcasm is inseparable in his annoying tone.


"Because I still love you, damn it!" malakas na sigaw niya kasabay ng marahas ng pagpunas ng kanyang mga luha. "Hindi mo alam kung gaano ko pinaghirapan ang desisyon ko noon na pakikipaghiwalay sa iyo. I failed all of my subjects that semester. Kaya ako nagshift ng Mass Communication ay para matalo ang sarili ko. Nagsumikap ako at pilit kong tinapos ang kursong iyon. Dahil sinabi ko sa aking sarili na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Na hindi ko kailangan ang tulong mo. At nagawa ko iyon. Pagkagraduate ko ay kinailangan kong gawin ang lahat ng aking makakaya para parusahan ang sarili ko sa ginawa ko sa iyo. And Craze is the best thing that happened to me. Ang isang dahilan kung bakit walang tumatagal na kakumpetensiya namin sa fashion reporting ay dahil masigasig ako sa pamamalakad nun. Gusto ko kasing ipakita sa iyo na nakaya kong tumayo sa sarili kong mga paa na ang lahat ng aking pinaghirapan ay para sa iyo sa lahat-lahat ng mga naging tulong at pagmamahal mo sa akin noon. Pero nawalan ako ng pag-asa na magkita tayo muli until you stir me when I learned that your company is trying to compete with us. Saka ko narealize na hindi ko pala kaya. Hindi pa pala ako handa sa muli nating pagkikita. Kaya ngayon, humihingi akong muli ng kapatawaran kung nasaktan man kita noon." Pinunasan niyang ang kanyang mga luha at saka tumalikod. "Hanggang dito na lang ang masasabi ko. I have to go."


Hinawakan niya muli ang seradura ng pinto at akmang bubuksan iyon. She was frozen when she heard him again.


"Hindi mo ba gustong pakinggan ang mga sasabihin ko?"

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon