22 Levi

2K 131 4
                                    






"Hindi lang game ang kailangan mong i-cover." Myla commanded Banang on a phone call. Naiinis na siya sa editor-in-chief nilang ito. Nagmamayaman ito sa load sapagkat araw-araw ay tinatawagan siya para ipressure sa assignment na ibinigay sa kanya. Halos ipamukha nga sa kanya ni Myla na hindi siya magtatagumpay sa kanyang gagawin.


"Ang balita ko ay may practice ang basketball team ngayon. Kailangan mo ring pumunta doon to take some pictures." Patuloy na utos sa kanya ng halimaw na editor. "We will be needing those pictures in our facebook page and instagram account."


"Yes boss." Puno ng sarkasmo niyang sagot. Ngali-ngaling ibato niya ang cellphone. How dare that girl to oblige her. Nakakababa ng sarili.


"At kailangan mong gandahan ang mga larawan na kukunin mo. Hindi basta-basta ang ating social media accounts natin."


"Oo na, pero bakit kailangan pang i-post lahat ng mga trainings ng abasketball team? Hindi kaya magkakaroon iyon ng impact sa ating mga kalaban. We are exposing our team to them. Sila nga walang ganya-ganyan." Totoo naman ang katwiran niya. Bakit kailangang irecord ang lahat ng mga pagsasanay ng mga players? Makikita iyon ng mga opposing teams at mas igihan pa nila ang mga paghahanda.


"Basta gawin mo ang ipinapagawa sa iyo!" inis na tungayaw ni Myla. "Gumagawa ka lang ng excuse para hindi mo magawa ng maayos ang trabaho. Palibhasa kasi ay tamad ka."


Mabilis niyang pinindot ang exit button ng kanyang cellphone. Ang walang-hiyang Myla! Binansagan pa siyang tamad. Puwes, ipapamukha niya sa Mylang iyon na hindi naman talaga siya tamad. Makita talaga nito.Gawin niya ng lahat ng makakaya niya para patunayan na siya ang pinakamagaling na photographer sa buong Harrison University High School Department.


Pagkatapos kunin  ang camera sa locker niya ay dumiretso siya sa gym. Nagulat siya dahil maraming mga tao ang naroroon. Karamihan ay mga babae at naghahagikhikan ang mga ito. Alam na rin niya kung ano ang dahilan ng mga inaasta ng mga ito. Dahil lang naman iyon sa mga players na pawisan na habang nagte-training.


Hinawakan niya ng mahigpit ang camera at itinaas iyon. Nagfocus siya at nagsimulang kumuha ng mga pictures. Nang makarami siya ay sinubukan niyang i-capture ang mga varsities ng tig-iisa. Inuna niya si Miggy. Tuwang-tuwa siya rito. Ito kasi ang pinakamaliit sa mga players. Ang huling kinunan niya ng litrato ay si Levi. He was dribbling the ball. Beads of sweat are running down his face. Kahit hindi ito nakangiti ay litaw pa rin ang nag-iisa nitong dimple. Napansin niya ang pagbasa nito ng mga labi gamit ang dila. She never imagined, Levi could be so hot. At the moment, unti-unti na siyang naniniwala na makalaglag panty nga ito. Inalis niya ang isiping iyon sa kanyang isipan at tumalikod para umalis ng gym. Those photos are enough.


"Miss!" narinig niyang may sumigaw. Hindi siya lumingon dahil marami namang babae sa gym at imposibleng siya rin ang tinatawag.


Pero muli niyang narinig ang pagtawag. This time mas malakas iyon. Napalingon na siya sa pagkakatong iyon. Pakiramdam niya kasi ay siya talaga ang tinatawag. Hindi nga siya nagkamali, she was being called. Nalingunan niya si Levi na nakatingin sa kanya. Saglit na rumehistro ang paghanga sa mukha nito. Napalitan kaagad iyon ng inis nang siya ay masilayan.


"Sinabi ko kasi sa iyo pare na si Banang iyan." Narinig niyang wika ni Kit. "Nakasabay ko kasi siya papasok ng gate kanina."


Napatingin siya kay Kit. Kumaway ito at binigyan siya ng very knowing smile. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiti nito. Narinig siguro nito ang pagbabawal ng guard sa kanya na pumasok kaninang umaga dahil sa suot niya. Kinawayan niya rin ito at nginitian bago muling tumalikod. Levi did not bother to call her again.


*****


Habang nagpapractice kasama ang kanyang mga teammates ay hindi mapakali si Levi. Kanina pa siya nabobother sa babaeng nasa malayuan. Nakahawak ito ng camera at alam niyang silang mga varsities ang kinukunan nito ng mga pictures. Actually, kaanina pa ito pumasok sa gym habang nagwawarm-up pa sila.


He was not bothered because somebody is watching him play. He is not bothered because the girl is taking pictures of them. Hindi siya makapagconcentrate dahil sa katotohanang ngayon lang siya nakakita ng ganoong kaseksing babae. Ilang beses niyang ninakawan ito ng tingin. Hindi niya lang kasi matiyempuhan ang mukha nito dahil matagal na nakatabing ang malaki nitong camera.


She is wearing a yellow mini-skirt. Wala itong suot na stockings kaya kitang-kita niya kung gaano kakinis at kaputi ang hita nito. Her upper wear is a body tight shirt. A body hugging yellow and black shirt that emphasized her curves. Curves that are on the right places. Hindi niya maimagine na may ganoong kaseksing high school student.


Napansin ng mga teammates niya ang kawalan niya ng konsentrasyon.


"Ano ka ba naman Pare?" reklamo ni Timmy. "Bakit parang wala sa practice ang atensiyon mo?"


Si Joel naman ay ininguso ang babaeng kanina pa niya tinitingnan. "It's the girl." Nakatawa nitong sabi. "Ang sexy ni Banang noh?"


"Banang?" gulat na tanong niya. "Hindi si Banang yan. Tabatsoy kaya iyon."


"Si Banang yan Levi. Pustahan tayo." sabi naman ni Miguel. "Nagulat nga kami kaninang umaga kung bakit bigla siyang nagsuot ng ganyan."


"Hindi nga si Banang iyan." giit niya. Napansin nilang tumalikod na ang babae at nagsimulang humakbang palabas. Hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon, tinawag niya ito. Sa una niyang attempt ay hindi ito lumingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.


"Miss!" napalakas na tawag niya. Ang kanyang mga kaibigan sa basketball ay nagsimula na siyang kantiyawan. Unti-unti napalingon ang babae. Hangang-hanga siya sa slow move nito that emphasized her very sexy figure. Nagulat siya nang masilayan ang mukha nito. His friends are right, si Banang nga iyon.


Parang kinain niya ang sinabi niya kahapon na tabatsoy at baboy ito. Pinuri-puri pa niya ito kanina sa isip niya. Mahirap nang bawiin iyon dahil totoo naman lahat ang kanyang obserbasyon. Natauhan na lang siya nang marinig ang pagsalita ni Jon. Nginitian pa nito at kinawayan si Banang. Ganoon din ang ginawa ng babae bago muling tumalikod at lumabas ng gym.


"Yun ba ang tabatsoy pare?" biro sa kanya ni Pacoy. Umani iyong ng maraming halakhak mula sa kanyang mga teammates.


"Tama na nga iyan. Ituloy natin ang practice."

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon