24 Levi

2.1K 125 8
                                    





Ang mga pictures na nakunan ni Savannah sa mga basketball players ay naging instant hit nang maupload ang mga iyon sa Facebook page at Instagram account ng school paper. Marami ang pumuri sa galing niya. Pinakapumatok ang picture ni Levi.

In the photo, he was dribbling the ball. Nakatingin ito sa kawalan. At may ilang mga bola ng pawis na namumuo sa mukha nito. Although he wasn't smiling, nakalitaw pa rin ang malalim nitong biloy.

Pati si Banang na kumuha ng larawan ay sobrang nagulat sa ganda ng pagkakakuha. Iyon ang isang nadiskubre niya sa lalaki. Kahit napakasama ang ugali nito ay napakaganda nitong subject sa photography. O kaya'y model sa isang pictorial. Nailalabas ni Levi ang galing niya sa paniniyot. And that was a good start for the assignment that her supervisors gave to her. Mamatay na lang uli sa inggit si Myla na siyang nangdidiscourage sa kanya palagi.

"Ang galing-galing mo talaga friend." puri sa kanya ni Dodong nang magkita sila sa school. Ipinakita pa nito ang wallpaper nito. Iyong picture ni Levi iyon. "And he's really hot. Ang ganda ng pagkakakuha mo sa kanya."

"Aww. Thanks friend." masaya naman niyang sagot sa mga papuri nito. "Camera manipulation lang iyan."

"Siyanga, bakit hindi mo nalagyan ng watermark." Anito. "Sayang kung sa iba ibibigay ang credits sa mga larawan."

"Ok lang iyon. Alam naman ng nakakarami na ako talaga ang kumuha ng mga iyon. Sinabi naman ng social media admin na ako ang may-ari ng mga litrato."

"Mabuti naman kung ganoon. Tara sa canteen. Libre mo ako ng Belgian Waffles habang wala pa ang dalawang matakaw at timawa."

Napatawa siya sa sinabi nito. Sinang-ayunan niya rin ang kaibigan. Pumunta nga sila sa canteen at nilibre niya ito. Tuwang-tuwa ang bruha. Sabagay deserving naman siyang maglibre dahil sa munting achievement niya.

*****

"Tol, nakita mo na ba yung mga pictures natin?"

"Anong pictures iyon?" nakakunot-noong tanong ni Levi kay JV. Kasalukuyan silang nagpapahinga dahil katatapos lang nila ng isang round ng training sa basketball.

"Yung kahapon." dagdag ni Timmy. "Di ba may sexyng babae rito kahapon?" Narinig pa niya ang bunton ng tawa nito. Pati na rin ang iba nilang mga kasamahan ay napatawa na rin. Isang batok ang iginawad niya sa kaibigan.

"Nasaan yung mga pictures?" excited niyang tanong. "Hindi ko pa nakikita." Gusto niyang makita kung totoo bang magaling na photographer ang Savannah na iyon. Kanina pa kasi niya naririnig ang tungkol sa mga litrato. Mula pa pagpasok niya kaninang umaga ay iyon kaagad ang tanong na sumalubong sa kanya. And he hates to admit it that he did not have the time to see those damn photos.

Mabilis na lumapit sa kanya si Kit at ipinakita sa kanya ang cellphone nito. "Take a look at those. Your picture is the best."

Kinuha niya ang cellphone ni Kit at nagsimulang tingnan ang mga pictures na sinasabi ng mga ito. Now, he believed that the pictures were indeed awesome. Kahit nasa iisang puwesto lang si Savannah sa pagkuha ng mga photos ay hindi naging hadlang iyon para hindi nito makuha ang pinakamagandang anggulo. And literally, his eyes went wide when he saw his picture. Napakaganda ang posing niya. Kaya pala buong araw ay iyon ang kanyang naririnig. Talagang napakaganda talaga ang pagkakakuha.

Napangiti siya ng lihim. He cannot imagine that Banang actually took that photo of him. Kahit pala saksakan ng kamalditahan at kayabangan ang babaeng iyon ay may nakatago palang talento sa sama ng ugali nito.

Tahimik niyang ibinalik ang cellphone ni Kit. Napansin niyang sa kanya pala nakatutok ang atensiyon ng kanyang mga teammates. Lahat ng mga ito ay pare-pareho ng expressions. Knowing smiles with a little anticipation on their faces.

"So, what can you say?" nakangising tanong sa kanya ni Pacoy. Nasundan iyon ng tawanan ng barkada.

"Saan?" patay-malisya niyang sagot.

"Sa pictures."

"They're awesome!"

"Awesome nga." Narinig niyang turan ni Joel na natatawa pa rin. "At sexy rin kaya ang kumuha ng mga litrato."

"Tigilan niyo nga ako!" sermon niya sa mga ito. "Nakapagpahinga na ba kayo? Isang round ulit."

Sunod-sunod na reklamo ang kanyang narinig. Palibhasa ay wala ang kanilang coach ngayon. Kaya heto, parelax-relax na lang sila.

"Huwag mo naming karerin ang pagiging coach." biro naman ni Miguel. "Ngayon na nga lang tayo nakakapagpahinga."

"Bahala kayo. Kung matatalo tayo next week ay wala akong kasalanan."

"Don't worry captain. Hindi tayo matatalo."

Hinayaan niya lamang ang mga teammates sa gustong gawin ng mga ito. Lihim siyang pasulyap-sulyap sa entrance ng gym. Kanina pa niya iyon ginagawa. Hindi nga niya maintindihan kung bakit parang gusto niyang makita muli si Banang. Nalaman niya kasi kahapon kay Myla na ito daw ang naatasan na magcover ng kanilang final game. At kasali na doon ang kanilang mga trainings.

Pero ngayon ay nagtataka siya kung bakit wala ang babae ngayon. Ang narinig niya na sinabi ni Myla ay dapat mayroon ito sa lahat ng kanilang mga trainings para kumuha ng mga larawan. Gusto niya kasi itong pasikatan. Gusto niyang itama ang masama nitong pagkakakilala sa kanya. Na hindi lang siya babaero. Na meron din talaga siyang maipagyayabang.

"Kap." Tawag sa kanya ni Joel. "Kanina pa kita napapansin diyan. Sino ang tinitingnan mo sa labas ng gym."

At ngayon ay may nakapansin pa pala sa kanya. Mabilis niyang inilipat ang kanyang paningin. "Wala naman."

"Naglilihim na si Kap."biro naman ni Timmy. "Alam kaya naming lahat tol na iyong sexy na photographer ang inaabangan mo."

"Tama, nawawalan ka yata ng gana pare kanina." tudyo naman sa kanya ni Miguel. Sa liit nito ay napakagaling nitong mang-asar. "Pasulyap-sulyap ka sa labas na akala mo ay hindi namin napapansin. Si Banang ang hinahanap mo ano?"

"Banang who?" painosenteng sabi niya.

"The sexy photographer. The one you called 'tabatsoy'."

"Tigilan niyo nga ako." pagsuko niya. Korner na korner na siya ng kanyang mga kaibigan. "Ituloy na natin ang practice. Kung anu-anong lumalabas sa mga utak ninyo."

Sabay-sabay na humalakhak ang mga ito. "Mabuti pa nga dahil kung wala tayo sa training ngayon ay malamang nagisa ka naming tol ng maraming beses.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon