"You did an amazing job Banz!"
Mula sa binabasang daily paper ay napaangat ang mukha ni Banang para bigyan ng puwang sa kanyang isip ang gustong iparating sa kanya ni Yanyan. Beside her is Patring who is very busy with her phone. Kung makatap ito sa sariling cellphone ay parang nakikisali sa isang karera ng mga kabayo. Maya't-maya ay napapangiti, napapasimangot at napapatawa ng mababaw. The reason obviously of her being like that is none other than her imp boyfriend Ryan.
Si Yanyan ay patuloy sa ginagawang pagpuri sa kinalabasan ng photoshoot nila ni Levi sa Palawan. Hindi halata na sa opisina sila ni Rex nakatambay ngayon. Andami kasing papel na basta ikinalat doon ni Yanyan. Kakatwang walang pakialam ang lalaki sa mga kalat ng asawa. Nakaupo lang ito sa sarili nitong trono at abala na naman sa harapan ng sariling laptop.
Sa isang kadahilanan ay hindi niya alam kung ano ang ginagawa nila doon ni Patring. Her best friend came at her workplace to fetch for her. They were supposed to go on a night's out. Dahil kinailangan niyang magbasa muna ng news ay sumaglit muna sila opisina ng kanyang boss. Doon ay natagalan na sila. Present din kasi si Yanyan doon kaya madalas na naantala ang sana ay pagbabasa niya.
Base sa sinabi ng makulit na babae, lahat ng mga nagawang photo shoots ay successful. All of which are to be issued next month.
"Ang gaganda talaga ng kuha sa inyo. Kinikilig ako sa photos niyo." Muli niyang narinig na wika ni Yanyan. This time, pati si Rex ay nadistract kaya napatingin ito sa kanya.
"I am afraid." He uttered. Humor is not his thing kaya parang seryoso ang pagkakasabi nito. "Baka mawawalan ako ng isang competent na tao."
Natigilan siya kasabay ng pagkunot ng noo. "Are you somehow referring to me boss?"
"Obviously, parang pipiratahin ka sa akin ng asawa ko. I've seen the pictures myself. You are perfect to be a model."
Tumawa siya ng sarkastiko. "That was my last. Hinding-hindi na ako papayag sa anumang request sa akin ni Ate Yan."
Si Patring na kanina pa sa cellphone nakatutok ang atensiyon ay biglang nakiusyuso na rin. Ibinulsa nito ang phone at saka tumayo. Lumapit ito kay Yanyan. "May I see?"
Iniabot ni Yanyan ang iPad nito sa kanyang kaibigan. "What do you think of them?"
"Oh my gosh!" malakas na bulalas ni Patring. Napansin niyang bumilis ang pagslide nito ng hintuturo sa screen ng iPad ni Yanyan. "Muling ibalik na ba ito bes?"
Biglang siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi nga pala alam ng kanyang mga kaibigan na si Levi ang kapareha niya na pumunta sa Palawan.
Sina Yanyan at Rex ay biglang nawalan ng konsentrasyon sa kung anumang iniisip ng mga ito. She groaned and gave Patring a deadly stare. Tuluyan nang nakuha ni Patring ang atensiyon ng mag-asawa.
"Can you make it clear to us?" Yanyan asked eagerly. "Yung sinabi mo kanina na muling ibalik."
Patring was stunned. It was evident that her best friend is not aware of the bomb that she just unleashed. "Ah, well, Savy and Levi used to be together, you know that, do you?"
Gustong sumigaw si Banang sa narinig. This time, she does not prefer Patring's honesty.
"I knew it!" Yanyan exclaimed gleefully. "Sinasabi ko nga ba at may pinaghuhugutan kayo sa mga pag-aaway at pagbabangayan niyo ni Levi. It is clear that you still love each other. Kailangan nating gumawa ng paraan ngayon."
"You are crazy!" bigkas niya sa paborito niyang linya. "What's clear is that we don't love each other anymore. And I am not even sure kung matatawag ngang pagmamahal ang namagitan sa amin noon. High school pa noong naging kami kaya imposibleng love ang nangyari sa amin. I do believe in puppy love anyways. Fortunately, puppy love iyong sa amin ni Levi. I don't have to explain anymore." Tumayo na siya at hinawakan si Pating sa siko. "Tara na Patring. I am done with the papers."
"I don't believe you Savannah Ismael." pahabol pa ni Yanyan. "Do not try to hide your feelings or try to run away from all of these. Halata namang mahal mo pa si Levi hanggang ngayon. At hindi ako naniniwala na puppy love nga ang nangyari sa inyo. I believe na hanggang sa ngayon ay inaalagaan niyo ang pagmamahal niyo sa isa't-isa. Huwag kang mag-alala, alam kong mahal ka pa din ni Levi. Napansin ko ang kakaiba niyang pagtingin sa iyo sa Palawan."
"Whatever!" she hissed. "Mauna na kami. Salamat boss. Makikitambay kami ulit next time."
"Hindi tambayan ang opisina ko." Nakangiting wika ni Rex bilang pamamaalam.
*****
He could be miserable right now. Hindi niya pa rin alam ang kanyang gagawin pagkatapos ng mga nalaman niya. Hindi rin naman kasi madali na basta-basta na lang siyang lalapit kay Banang para magsorry. Baka magulat lang iyon. And one more thing, that happened many years ago. Bakit hanggang ngayon ay parang apektado pa rin siya?
Nagulo mas lalo ang kanyang buhay sa mga sinabi sa kanya ni Yanyan noong isang araw. Basta na lang siya nitong tinawagan at sinasabing alam na nito na mag-ex sila ni Banang. Like, what the hell? At ano naman ngayon kung sila nga noon ng babae? Mga bata pa sila noon.
Mga bata? Oo. They were young.
Pero bakit ngayon ay apektado pa rin siya? Possible kaya na mahal niya pa rin si Banang ngayon katulad ng sinabi sa kaya ni Yanyan? He does not know. Ang alam lang niya ay naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon. At isa lang ang laman ng kanyang isip, he needs to see this woman. No matter what, he really needs to see her.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...