91 Levi

1.3K 91 5
                                    

Savannah was behaving unusually from the moment joined he her with Jake's family. Hindi ito umiimik maliban lamang kung hihingan siya ng opinion sa kanilang pinag-uusapan. Ngayong tapos na ang dinner at magkasama silang naglalakad pabalik sa cottage ay tahimik pa rin ito. Levi did not know how to start a conversation.


Tumikhim na lang siya. "Hmmm!"


Tiningnan lang siya ni Savannah at saka nagpatuloy sa paglalakad. Napapailing na lang siyang sumunod dito. "Ang tahimik natin ah."


Savannah stopped walking to look at a glance at his expression. "Why do you care?"


He laughed shallowly. "Concerned lang ako."


"Concerned?" Savannah asked in irritation. "Bakit ka naman magiging concerned? Napano ba ako at kailangan mo pang maging concerned sa akin?"


He smiled a bit. At least, nakuha na niya ngayon ang atensiyon nito. "Alam mo bang nakakapanis ng laway ang sobrang pananahimik?"


"So?" pagtataray nito.


"At kung napanisan ka ng laway ay magiging bad breath ka. Kung bad breath ka ay wala nang lalaking gustong lumapit sa iyo. Wala nang magkakagusto pa sa iyo. Tatanda kang dalaga at mamatay kang walang asawa't anak. Gusto mo ba iyon?"


"At paano kung gusto ko nga iyon. May magagawa ka pa ba?"


Siya naman ang nawalan ng imik ngayon. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Ilang hakbang lang ang layo nila nang muli siya nitong nilingon. "At wala kang alam kung ayaw kong mag-asawa. Right at this moment, I really want to die alone."


Si Levi ay nabigla sa sinabi nito. Ngayon ay naintindihan na niya kung ano ang ikinatahimik nito kanina. Nasasaktan siguro ito habang naikita na masaya si Jake sa piling ng asawa at anak nito. Patakbo niya itong hinabol. Bigla kasi siyang natakot na baka totoohanin nito ang sinabi nitong tatandang dalaga na ito. Napahingal pa siya ng sa wakas ay mahabol niya ito. "Alam kong nasasaktan ka. Ako nga rin nabigla nang malaman kong may pamilya ni si Jake."


"What are you saying?" Nanlaki ang mga mata nitong bigkas.


"You are hurt seeing Jake with his family. Alam kong iniisip mo na sana ikaw na lang ang asawa niya. Dahil hanggang ngayon mahal mo pa rin siya."


"You don't know what you are talking about!" Napataas ang boses na wika nito. "First of all, hindi ako nasasaktan habang nakikita ko si Jake na masaya sa kanyang pamilya. Masayang-masaya nga ako sa kanila eh. Secondly, hindi ako umaasa na sana ako ang asawa niya. Kailanman ay hindi sumagi iyon sa isip ko. Most of all, hindi ko siya mahal hanggang ngayon dahil kailanman ay hindi ko siya minahal!"


Ngayon ay bigla siyang natigilan at naguluhan. Ayaw na niyang magsalita at baka mas lalo pa itong magalit. Hinintay siya ng babae na muling magsalita. Nang wala itong masabi ay tinalikuran na siya nito. Later that night, he collected his things. Lumipat na siya ng cottage dahil sa wakas ay may nabakante na.


*****


Ilang araw na ang nakalipas mula nang magbalik si Levi sa totoo niyang mundo ay hindi pa rin niya nakuha ang momentum na ibalik ang dati niyang routines. Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin siya sa huling sinabi ni Savannah noon sa Palawan. Hindi na kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na ipatama ang sinabi nito.


Pagkatapos ng gabing iyon na humiwalay na siya ng cottage ay hindi na sila nagkausap ni Savannah ng matino hanggang sa matapos ang photoshoot. Savannah has been giving him the cold shoulders kaya hindi na siya nalinawan sa sinabi nito na kailanman ay hindi nito nagustuhan o minahal si Jake. Dahil kung ganoon, ano ang ibig sabihin nang narinig at nakita niya noon nung high school sila. Iyon yung panahon na nagconfess si Jake dati. And Savannah's answer broke his heart into pieces.


Levi cleared his mind. Nasa bahay siya ngayon nina Rex para bumisita. Doon siya dumiretso pagkatapos niyang magkaroon ng problema sa opisina dahil sa hindi niya maintindihang nangyayari sa kanya. Sapagkat hindi man lang siya nagpaabiso na pupunta siya doon ay hindi na niya nadatnan ang pinsan at ang asawa nito. Ang nasa bahay lamang ay mga katulong at ang ina ni Rex. Naabutan niya ito sa sala na nakatutok ang atensiyon sa pinapanood. "Hello Tita."


Nagulat ito nang makita siya. Tumayo ito at binigyan siya ng isang mahigpit at mainit na yakap. "Ngayon ka lang uli bumisita anak. I am glad to see you here."


Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Mula iyon sa pinapanood ng matanda.


"Matagal na kitang gusto." came the voice from the component. "Mula pa noong una kitang nakita ay nagkagusto na ako sa iyo. Can you give me chance para ligawan kita?"


Napatutok sa telebisyon ang mga mata ni Levi. Nanlaki ang kanyang mga mata nang magreplay sa ala-ala niya ang eksenang iyon. Ang kaibahan nga lang ng nasaksihan niya noon ay nasa isang classroom sina Savannah at Jake. Sa pinapanood ng kanyang Tita ay nasa entablo ang dalawa. At ang bawat eksena ay recorded! Doon lang pumasok sa kanyang isip na isang palabas lang pala iyon.


"A-ano iyang pinapanood niyo Tita?"


Mrs. Dantes smiled very dearly. "That was your Baccalaureate Program Levi. Sa pagiging principal ko sa Harrison ay iyan ang program na gustong-gusto kong pinapanood. Which I remembered, wala ka diyan at pati sa graduation niyo ay hindi ka umattend."


Sari-saring emosyoon ang biglang sumakop sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isipin at gawin. Bigla niyang narealize na napakalaki pala ng naging kasalanan niya kina Savannah at Jake. He had hated them for so long for the wrong reason. Kung pumasok lang sana siya sa classroom noon ay baka nalaman niyang nagpapraktis lang sina Savannah at Jake para sa palabas ng mga ito. Natakot kasi siya noon kaya siya tumakbo at umalis ng school. Maraming mga what if's at if only's ang ngayon ay bumabagabag sa kanya.


"Tita, I am sorry I have to go. May nakalimutan pala akong gawin."


"That's too fast hijo." Pareklamong wika ng matanda.


"I am sorry Tita. Bibisita rin ako minsan at sisiguraduhin kong magtatagal na ako rito."


Humalik siya sa pisngi ni Mrs. Dantes. Pagkatapos ay napatakbo siya paalis sa bahay na iyon.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon