20 Levi

2K 104 4
                                    


Pagkaupong-pagkaupo ni Banang sa upuan ng library ay saktong naramdaman niya ang vibrations ng cellphone niya. Gamit ang kaliwang kamay ay dinukot niya ang aparato sa kanyang bulsa. Hindi niya naiwasan ang panlalaki ng mga mata. Ang editor-in-chief nila sa school paper ang nagtext.


Nang basahin niya ang ipinadala nitong mensahe ay hindi niya naiwasang mainis. Ipinapatawag siya nito. Wala naman siyang naaalala na may nagawa siyang hindi naman nito nagustuhan. Pero sabagay, lahat pala ng ginagawa niya ay ayaw ng editor nila.


Padabog siyang tumayo, muling binitbit ang bag at saka lumabas ng library. At tulad kanina, nasa kanya muli ang atensiyon ng mga estudyante. Napangiti siya. Naging instant celebrity siya ng school nila dahil lamang sa pagsuot ng jersey ni Levi. Pero in fairness, kumportable siya sa kanyang suot.


"Bakit mo suot ang jersey ni Levi?" nakakunot-noong tanong sa kanya ng isang estudyante na hula niya ay nasa ikalawang taon.


"Wala lang, gusto ko lang." sagot niya na hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi. Talagang naging sikat na siya dahil lamang sa shirt ng kolokoy na iyon.


"Kayo na ba Ate?" halos maiyak na sabi ng dalagita.


"Ay, hindi. Kilala mo si Ryan?"


"Sinong Ryan? Yung kaibigan ho ni Levi?" inosente nitong tanong. Tumango soya. "Kilala ko ho siya."


"Siya ang boyfriend ni Levi." Halos mapahalakhak siya nang makita ang pagkagimbal ng babae.


"Ano pong ibig niyong sabihin?"


"Alam mo na ang ibig kong sabihin. Bye bye." Iniwan niya itong nakatulala sa kanya. At wala siyang balak na ituwid ang tsismis na nilikha niya.


Marami pa siyang nakasalubong at parehong iyon ang tinatanong sa kanya. Kung sila na nga ba ni Levi at iisa lang din ang sagot niya. Na si Ryan ang boyfriend ni Levi. Humalakhak siya sa isip. Makakarating siya sa kanilang office na na may nalikhang malaking palaisipan sa buong HS department ng Harrison University.


Pero ang napakaluwang niyang ngiti ay agad na naglaho nang makaharap na niya ang halimaw na nagpatawag sa kanya. Hindi man lang siya kinausap ni Myla, ang kanilang editor. Nakakunot-noo lang itong nakatingin sa kanya. At ang tingin nito ay punong-puno ng disgusto. Well, she does not care.


Pero mas malala na talaga ang ipinapakita nito sa kanya. Parang nadagdagan ng sampung beses ang hatred aka anger nito sa kanya. Wala naman talaga siyang maalala na kasalanan niya dito. "May problema ba tayo Myla?"


Hindi ito sumagot. Napansin niya tuloy ang pagsisipat nito ng suot niya. Halos alam na niya kung bakit nadagdagan ng bongga ang inis nito sa kanya. At walang ibang dahilan iyon kundi ang suot niyang jersey. Hay naku! Pati ba naman itong si Myla, pinagnanasaan din si Levi. Hopeless talaga ang mga estudyante rito. Ang bababaw.


"What are you wearing?" inis na inis nitong sabi. "Hindi bagay sa iyo."


"Bigyan mo ako ng shirt na pamalit dito at ibibigay ko ito sa iyo ng buong puso." aniya para iparamdam dito na walang kaso sa kanya kung anuman ang suot niya. Biglang napalitan ng excitement ang nakabusangot nitong mukha. Subalit kaagad na naglaho iyon at muling bumalik ang inis. Marahil ay narealize nito na wala itong extra shirt. "Oh ano?"


"Hindi iyan ang dahilan kaya kita pinapunta rito."


"Iyon naman pala eh, kung ganoon bakit ipamukha mo pa sa akin na tila wala akong karapatan na isuot ang jersey ni Sullivan? Oy Myla, kung nagseselos ka, iyong-iyo na siya." wika niya para ipaalam dito na wala itong karapatan na sungit-sungitan siya. Pareho lamang silang estudyante, haler? "Kung meron nga talaga akong ibang isusuot ay bakit ko naman ito pagtitiyagaan."


"Anyway, gusto kitang makausap sa bago mong assignment. Ikaw ang magcocover ng basketball finals next week."


Nagulat siya sa kanyang narinig. "Bakit ako? Hindi ko forte ang sports at alam mo iyan. Maghanap kayo ng iba."


"Wala akong magagawa. Kung puwede nga sana ay ako ang gagawa basta hindi ikaw. Si Sir Saavedra mismo ang nag-assign sa iyo." muli ay nakasimangot ito. "Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa. Alam naman ni Sir na basura ang mga article mo baka masira mo pa ang sports section ng ating paper."


"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Myla. Patunayan ko sa iyo na hindi basura ang mga gawa ko. Ikaw lang naman ang nagsasabing walang silbi ang mga gawa ko. Pero, katunayan ay halos lahat ng mga English teachers ay pinupuri ang mga gawa ko. Inggitera ka lang kasi. Good bye."


Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong makasagot. Iniwan niya itong nakanganga. Akala yata nito na dahil editor-in-chief ay api-apiin siya nito. Hah! Neknek niya!


Hustong paglabas niya ay makakasalubong niya naman si Levi. Hindi maipinta ang mukha nito. Hahanap siya sana ng ibang daan pero sinadyang habulin siya ng lalaki. Halos alam na niya kung ano ang kailangan nito. Muntik na siyang mapahiyaw nang mahawakan nito ang kanyang kamay.


"Pangit, may kasalanan ka sa akin." mapanganib nitong turan.


"Wala akong alam sa mga sinasabi mo." patay-malisya niyang sagot.


"Malaki ang kasalanan mo. Bakit mo ipinagkalat na boyfriend ko si Ryan." Hinila siya nito paharap. Nabasa niya sa mukha nito ang pinagsamang inis, galit at amusement. Amusement? Halos matawa na nga ito sa kabila ng galit.


"Bakit ko naman sasabihin iyon? Hindi ako mapanira ng kapwa ko. At teka lang, kung kapwa nga kita, hindi ko rin magagawang siraan ka."


"Gusto mo bang tawagin ko ang mga nagsumbong sa akin? Marami silang pinagsabihan mo. At marami na rin ang naniwala. Hanapin mo ang lahat ng mga taong iyon at sabihin mong hindi totoo ang tsismis na ikinalat mo."


"At paano pag ayaw ko?"


"Then, I will prove to you that I am not gay."


Nasindak siya sa sinabi nito. Inilapit kasi sa kanya ni Tisoy ang mukha nito. "Hindi ako natatakot."


"Binibigyan kita ng hanggang bukas na itama ang ginawa. Kung hindi mo ginawa ay humanda ka." Pinasadahan siya nito ng tingin mula mukha hanggang paa. At nainis siya sa nakita niyang reaksiyon nito. Nandiri sa kanya si Levi. "Mag-isip na lang ako ng ibang gagawin sa iyo pag hindi mo nagawa ang pinapagawa ko."


"Manigas ka. Hinding-hindi ko babawiin ang KATOTOHANANG sinabi ko."


"Ang pangit mo na nga, ang sama pa ng ugali mo!"


"Pangit ka rin! Ang itim ng kili-kili mo!"


"Bakit nakita mo ba?" He folded the sleeves of his shirt. Itinaas nito ang kamay at ipinakita ang kili-kili. "Saan ang maitim? Tabatsoy ka!"


"Hindi ako tabatsoy!"


"Baboy! Tabatsoy!" wika ni Levi. Tumalikod na ito. Naiwan siyang talong-talo.


Baboy at Tabatsoy pala hah? Makikita mong Levi ka!

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon