17 Levi

2.2K 129 14
                                    




Buwisit na Sullivan iyon! Ngitngit na ngitngit si Banang habang iniisip niya ang pang-aapi sa kanya ng lalaki. Halos nalalasahan pa niya sa bibig ang maalat at maasim na shirt nito.

At buwisit na Joel iyon! Saan kasi nagpupupunta ang lalaking iyon.

Kung nandoon sana ito sa lockerroom ay hindi na sana niya naranasan ang malagim na pangyayaring iyon sa buhay niya.


And damn her also for not forgetting what she had seen a while ago. Tila nagjojoke na paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya ang kagandahan ng katawan ni Levi Sullivan. Oh la la! At hindi niya matanggap iyon! It's not that easy, hello?





Naiinis siyang pumunta sa canteen at hinanap ang mga kaibigan. Lihim din siyang nagpasalamat nang mapansin niyang nasa canteen din ang lalaking kanina pa niya hinahanap. Nasa isang table si Joel at nakikipagtawanan ito sa mga kasamahan nito sa basketball team.


"Joel!" tawag niya rito nang makalapit siya sa mesa ng mga magkakaibigan.


"Savs, ikaw pala." nakangiting wika ng lalaki. "Anong meron?"


Dinukot niya mula sa shoulder bag ang envelope na ibinigay sa kanya ni Mister Gomez. Iniabot niya iyon sa naghihintay na lalaki. "Liham daw para sa iyo. Ipinapaabot ni Sir Gomez."


Nakakunot noong tinanggap iyon ni Joel. "Maraming salamat."


"Sige. Puntuhan ko muna sina Patring. Congrats sa game niyo kanina."

"Thank you."

Tinalikuran na niya ito at nilapitan ang mga kaibigan na tila ayaw magpaistorbo sa tawanan ng mga ito. Napatikhim siya para iparating ang presensiya.

Si Dodong ang unang natauhan at nakapansin sa kanya. "Ay, andito ka na Banang. Saan ka ba nagpupunta-punta at kanina ka pa namin hinihintay?"

"Mga buwisit din kayo!" hinaing niya. "Pagkatapos niyo akong iwanan kanina ay nagmamaang-maangan pa kayo ngayon. I hate you."

"Aba, si Dodong lang ang i-hate mo Savannah. Ideya naman niya ang pag-iwan namin sa iyo."

"Korak!" sang-ayon ni Cara kay Patring. "At may sinabi siyang hindi kaaya-aya tungkol sa iyo habang wala ka."

"I beg to disagree!" angal ni Dodong. "Si Cara ang nagchismax sa iyo. Ikaw daw ang dahilan ng pasa ni Levi sa mukha."

"Oy, wala akong sinabing ganyan ah. Huwag mo akong siraan."

Pero natigilan siya sa sinabi ni Dodong. Paano nalaman ng mga ito ang tungkol doon? "Kayo ah, kanino niyo napulot yung chismis na ako ang dahilan ng pasa ng Sullivan na iyon?"

"Teka lang, ikaw nga ba?" naisatinig ni Patring. "Nasabi kasi sa akin ni Ryan minsan na sa iyo daw galing iyon. Pinilit daw kasi nilang paaminin si Levi."

"Ganoon din ang sinabi ni Pacoy sa akin."

"At sinabi rin mismo sa akin ni Levi."

Isang malakas na batok ang ibinigay niya sa kaibigan. "Close kayo? Close kayo?"

"Oo." Dodong declared. "At may nangyari na sa amin."

"Gaga!" sabay-sabay nilang wika nina Patring at Cara.

"Tao si Levi, Dodong." sabi ni Patring.

"At ano ang gusto mong palabasin?"

"Si Levi ay isang inosenteng tao. Ikaw ay, ewan ko ba kung anong klase kang nilalang. Bakulaw ba o pinaghalong hippo at kabayo."

"Tse! Tao rin ako Patring!"

"Tao ka nga pero hindi kayo bagay ni Levi." sunod na protesta ni Cara. "Lalaki si Levi at lalaki ka rin. Hindi kayo bagay."

"Bakit ba kung tungkol kay Levi ay sobra ang angal niyo. Crush niyo rin siya noh?"

Isang mag-asawang sampal ang natamo nito sa dalawa niyang kaibigan. "Gaga!"

"Aping-api talaga ako sa inyo. Teka lang, maiba tayo. Bakit nahimik ka na Banang? Parang mayroon kang naaalala na naggagaling sa kasuluksulukan ng iyong utak. At nakikinita ko, malaswa ang iniisip mo."

"Heh! Behave Dodong. Kailangan kong magconcentrate." Pero nagimbal siya sapagkat ang katawan ni Tisoy ang lumalarawan sa kaisipan niya. Lahat ay ginawa niya maitaboy lamang ang masamang ala-ala.

*****

Pagkatapos magbihis si Levi ay mabilis siyang humarap sa salamin. Hindi niya nagustuhan ang namumuo sa mukha niya. Kinabahan siya habang inilapit ng husto ang mukha sa salamin. At hindi nga siya nagkakamali, may namumuo namang pasa sa kanyang mukha. Lintik na babae iyon!

Hindi pa nga natatanggal ang una niyang pasa ay hayun na naman at nadagdagan ng isa pa sa kabila niyang pisngi. How could a woman like Savannah can do that to his very precious face? At lumilitaw ang mga pasa sa mukha niya dahil sa puti ng kanyang kutis. And at that moment, doon lang niya hindi nagustuhan ang sariling kaputian.

Mula sa pagkakatitig sa kanyang mukha sa salamin ay unti-unti niyang binilang ang lahat ng atraso sa kanya ni Banang. Mabilis din siyang tumigil dahil hindi na niya kayang bilangin. Patay talaga ang babaeng iyon sa kanya.

At mas lalo siyang mainis nang maalala ang mga panlalait sa kanya ng babae. Ipamukha ba naman nito sa kanya na wala itong interes sa katawan niya. Ito lang ang gumawa ng ganoon sa kanya.

He can't accept that there is this particular woman who can't fall into his charm. At masakit iyon sa ego. Ano kaya ang gagawin niya sa babaeng iyon para ipaalam dito na hindi niya uurungan ang isang Savannah Ismael?

And anyway, can he forget her for a while? Marami pa siyang dapat na asikasuhin sa araw na iyon.

Lumabas na siya sa locker room. Kailangan niyang puntahan ang mga teammates niya para pag-usapan ang next game nila na finals na.

Nagulat na lang siya nang makasalubong niya sa corridor ang isang galit na galit na babae. Hindi niya maalala ang pangalan nito.

"Walang hiya ka Levi!" wika nito at ipinakita sa kanya yung video nila ni Banang na naghahalikan. "Akala ko mahal mo ako, bakit may iba kang kahalikan? I thought we were together."

"I am sorry Jenny."

"Who the hell is Jenny? Hindi Jenny ang pangalan ko. Hayop ka! Andami mong babae."

Wala nga siyang maalala sa pinagsasabi nito. Sa dami ng chicks niya ay hindi niya alam kung sino itong nagki-claim na girlfriend niya.

"Ok, Calm down Clarisse."

Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niyang may pasa. Lihim siyang napahiyaw sa sakit.

"Ako si Brenia. Napakarami mong babae. We're through!" Nagdadabog itong napatalikod.

"Brenda!"

Napalingon ito na inis na inis. "It's Brenia."

"Ok Brenda or Brenia or whoever you are. I am sorry but I don't remember having a girlfriend. Although, I am accepting that break up that you just gave me."

"I hate you!"

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon