"Good morning Manong Guard."Mabilis na napalingon si Levi sa pinanggalingan ng nagsalita. Tama siya ng hinala, yung pangit na babaeng nanuntok sa kanya iyon. Tumatak na kasi sa isip biya ang nakakairita nitong boses. Abot-tainga ang ngiti nitong bumati sa guard.
Napansin niyang itinaas nito ang suot na ID at sabay sabi, "May ID ulit ako."
Nakipagbiruan pa ito sa guard. Ano na ulit yung pangalan nito? Maricar? Mangki? Melay? Isay?
Ano na kasi iyon? Pilit niyang inalala kung ano ang narinig niyang sinabi ng kanyang mga kaibigan na pangalan nito.
Pepay? Tama Pepay ang pangalan nito. Hinaplos niya ang pasa niya sa mukha na hindi pa natatanggal. Kailangan ni Pepay na magbayad. Katakut-takot kaya na sermon ang inabot niya mula sa kanyang mga magulang ng makita ang ang kanyang pasa.
Kesyo, hindi raw siya tinuruan ng mga ito na makipagbasagan ng mukha. Kahit anong sabihin niyang paliwanag sa mga magulang ay hindi siya pinakinggan. At kasalanan lahat ni Pepay iyon.
"Hoy Pepay!" sigaw niya rito nang malagpasan siya ng babae. Hindi pala siya nito napansin kanina.
Hindi ito lumingon. Nagdire-diretso lang ang magaling na babae. Mas lalo siyang nairita. "Hoy Pepay!" napalakas niyang sigaw. Sa pagkakataong iyon ay lumingon sa kanya ang tinawag niya.
"Halika nga rito." utos niya sa babae.
Inismiran siya nito at nagpatuloy sa paglalakad. Mas lalong nadagdagan ang init ng kanyang ulo. This woman is testing his patience.
"Pepay!" tawag niya rito pero hindi ito lumingon. "Pepay! Hoy pangit!"
Muli itong lumingon. Binelatan siya nito at nagmamadaling ipinagpatuloy ang paglalakad.
Patakbo niya itong hinabol. Hinawakan niya ang kamay nito. "Tinatawag kita Pepay!"
"Bitiwan mo ang kamay." galit nitong wika. "At hindi Pepay ang pangalan ko!"
Hindi ba Pepay iyon? Napahiya siya ng very very light lang naman. "I don't care kung anong pangalan mo. Kanina pa kita tinatawag, bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Bakit naman kita papansinin? Close ba tayo? At saka hindi tayo friends. Kung maaari, get your hands off me, or else?" Pinasadahan siya nito ng tingin at hindi niya gusto ang nakita niya sa mukha nito. Para itong nandiri.
"Or else what?"
Hindi niya inaasan ang ginawa nito. Mabilis nitong kinagat ang kamay niya na nakahawak dito. Napahiyaw siya at mabilis na binitiwan ang kamay ng babae. "You. . . . !" Hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin.
"I'm a what?" nakangising wika ni Savannah na walang palatandaan na natatakot ito. "Believe me Mister Sullivan, kayang-kaya kitang labanan."
"Gusto kong magsorry ka sa ginawa mo." galit niyang wika dito.
"Why the hell would I do that?"
"Tame your mouth Pe-!"
"Hindi Pepay ang pangalan ko!" she cut him off! "Huwag mong dungisan ang kagandahan ng pangalan ko."
Hindi niya maintindihan kung bakit nawawalan siya ng kontrol sa sarili pag nakakaharap niya ito. And she pushed him already to his limit. "Wala akong pakialam sa pangalan mo, magsorry ka lang ayos na sa akin."
"Bakit naman ako magsosorry sa iyo?"
"Huwag kang pachicks dahil hindi ka chick."
"Talaga namang hindi ako sisiw. If you would excuse me, marami pa akong gagawin." Tinalikuran siya nito muli pero mabili niyang nahagip ang kamay nito. Hinila niya ito paharap sa kanya.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Miss. Surely, you won't like it when my anger is raised to its limit. Magsorry ka na."
"At paano pag ayaw ko aber?" ganti nito sa parehong tono. Kung hindi lang ito babae ay hindi niya alam kung ano ang ginawa niya rito. "Wala akong maalalang ginawan kita ng masama."
"Nagkaamnesia ka na ganun?" Iwinagayway niya ang braso na nakagat nito kanina. "See that. Ikaw ang kumagat niyan." May trace pa ng mga ngipin nito sa kanyang balat. Bumaon kasi ang kagat nito kanina. "Look at my face." he ordered dangerously.
Sumunod naman kaagad ito. Marahan nitong tinapunan ng tingin ang kanyang mukha. Itinuro niya ang pasa na gagawan nito. "See that."
Kumunot ang noo nito na tila walang alam sa nangyari sa kanyang pisngi. "Anong kinalaman ko diyan?"
"You punched the hell out of my face! At ngayon, sinasabi mong hindi mo alam kung nangyari dito. Oh, come on. Tsk! Tsk! Tsk! Alam mo bang nabawasan ang mga admirers ko dahil sa ginawa mo?"
"Wala akong pakialam! Pasalamat ka at hindi lang iyan ang inabot mo sa akin."
"Huwag kang magmatigas Pangit! Magsorry ka na lang."
Binitiwan niya ang kamay nito na kanina pa pala niya hawak-hawak nang hindi niya namamalayan.
"Shame on you!" sigaw nito. "Kung pangit ako, mas pangit ka!"
"Matigas ka ah." banta niya rito. "Magsosorry ka o magsosorry ka."
Walang emosyong tinalikuran siya nito muli. Hindi niya alam kung gaano katigas ang ulo nito. Muli niyang hinawakan ang kamay ng babae at marahas na ipinaharap sa kanya.
Ikinulong niya ito sa kanyang nga bisig. Then he lowered his face and gave her the doze of her own medicine. Isang mapagparusang halik ang ibinigay niya rito.
Nang bitiwan niya ito ay napansin niyang nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Malakas na dumapo ang kamay nito sa kanyang mukha. Kasunod noon ay tumalikod na ang babae. Naiwan siya doon na hinahaplos ang pisnging nasaktan.
Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay napansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng mga taong papasok ng eskwelahan. Hindi niya pinakialaman ang mga ito. Tumalikod siya at umalis sa lugar na iyon.
Biglang bumalik sa kanyang isip ang halik na ginawa niya sa babae nang siya'y mapag-isa. Ang galit nito. Ang sampal. There's no way that he will apologize for what he had done. Kasalanan naman ng babae iyon.
Then he remembered her lips. Tulad noong una ay lasang bubble gum iyon. And he liked how his lips touched the soft and delicate lips of hers. Marami na siyang nahalikang babae pero kakaiba ang naranasan niya kani-kanina lang. Hindi niya maipaliwanag ang mga damdaming unti-unting sumisibol sa buo niyang pagkatao.
Unti-unti ay tumaas ang kanyang kamay papunta sa kanyang bibig. Then his fingers gently touched his lips. Isang ngiti ang kanyang pinakawalan at muling sinariwa ang halik kanina.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...