Masaya si Banang sa araw na iyon. Kahit wala siyang nakuhang matinong interview mula kay Levi ay maganda naman ang kinalabasan ng pagsama niya rito. Unti-unti niyang nakikilala ang kaaway niya. Ang nararamdaman niyang inis sa lalaki ay unti-unting napaparam. Paano ba naman kasi? Ang buong akala niyang arogante at walang modong lalaki ay may pagkagentleman pala."Masaya ka ngayon ah." komento sa kanya ni Patring nang makalabas na sila ng gate ng school. Napansin marahil nito ang pagngiti niya.
"Dati naman akong masaya." ganti niya rito.
"Really?" singit ni Cara. "Parang kahapon lang ay naaasar ka sa pinapagawa sa iyo ni Levi ah."
Hindi na siya nakaimik doon. Partly, totoo naman ang sinabi ni Cara. And she hates to admit it but her friends are right again this time. Ang kawalan niya ng imik ay alam niyang nagbigay ng karapatan sa mga ito na tingnan siya ng makahulugang mga titig. Hindi na rin umimik ang mga ito na mas lalong ikinabahala ng kanyang loob. Her friends are notorious when they're silent like that. Alam niyang siya naman ang bidang naglalaro sa isip ng tatlo. And not in a good way always.
She stepped away from them when she heard Dodong screamed. Awtomatikong napalingon siya sa kaibigan. Nakakatakot kasi ang naging pagtili nito.
"Oh em gee!" paulit na sigaw ng baklita.
"Anong meron bakla?" usisa rito ni Patring. Si Cara ay nagsimula na ring mabahala. "Nakakatakot yung tili mo teh, natalo mo si Kingkong."
"In love ka Savy!" Dodong preached. Isang sapak ang mabilis niyang ginanti sa berde nilang kaibigan.
"Walang hiya ka!" sigaw niya. "Akala ko kung anong nangyari sa iyo nung sumigaw ka. Gagawa ka na nga ng kuwento, sana yung makatotohanan naman ang sinabi mo."
"Feeling ko, tama si Dodong." wala sa loob na sabi ni Cara. Nagpatuloy lang ito ng paglalakad. "In love Si Savannah Ismael. And who could it be?"
"Wala namang ibang kasama iyang lalaki kundi si." Napatigil si Patring na wari ay nag-iisip ng malalim. Then, "I knew it!"
"Ano Patring?"
"Kay Levi in love si Manang Banang!"
"Hindi maari!" mariin na pagtutol ni Dodong. "Hindi ako makakapayag!"
"Hoy bakla, ambisyosa ka rin ano." saway ni Patring sa binabae. "Hayaan mo na si Savannah. Minsan na nga lang mainlove iyan."
"Excuse me lang ha." ani Banang na ngayon lang nagawang makapagsalita. "Hindi po ako in love. At lalong hindi sa Levi na iyon. Gaya ng sinabi ko, una pa lang, he's all yours Dodong."
"Ay, mabuti iyang nagkakaintindihan tayo." maharot na sabi ng bakla. Tapos bigla itong napahalakhak. "Jokes lang. Iyong-iyo siya Banang. Marami pa namang mga kalalakihan diyan. I could always start on Pacoy, you know." Isang matalim na tingin ang ipinukol dito ni Cara. "Ok, I mean there's Ryan."
"He's all yours bakla." mabilis na komento ni Patring. "Ayoko kasi sa Bombay if you know what I mean."
"Are you sure?" Dodong reacted with so much eagerness. "Sinabi mo yan. Huwag kang magsisi, napansin ko pa man din na palaging tumitingin sa akin si Ryan pag magkasama kami. And mind you, malalagkit ang mga tingin niya. What about that?'
"I don't care still. Iyong-iyo siya."
Hindi pa sila nakakalayo sa school ay biglang tumunog ang cellphone ni Banang. It was Levi who sent her a message. Pinapapunta siya ngayon sa gym. Tiningnan niya muna ang nga kaibigan ng isa-isa bago tumikhim at nagsalita.
"Guys, I am sorry. Mauna kayo. May nakalimutan pala akong kunin."
"Huh?" kunot-noong tanong ni Cara. "Ano namang nakalimutan mo?"
"Kaya nga eh." singit ni Dodong. "Palagi mo na kaming iniiwan. Alam mo bang masakit ang palaging naiiwan. May nagtext lang sa iyo ay bigla mo na lang kaming ipinagpalit. Masakit teh. Sabihin mo lang kung ano ang gawin namin para hindi mo naman kami iiwan. Masakit talaga." Pak! "Aray naman Patring!" reklamo ni Dodong. Binatukan kasi siya bigla ni Patring.
"Ang OA mo kasi! Nagpalaam lang naman si Savannah, akala mo naman eh, iiwan ka na niya for life. Nagtext lang naman sa kanya si Levi at pinapapunta siya sa gym kaya kailangan niyang umalis."
Nagulat bigla si Savannah. Hindi niya namalayan na nabasa pala ni Patring ang text na iyon sa kanya. And how did she know that it was Levi? Hindi kaya nakaregister ang number ng kumag na iyon sa phone niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Patring?"
"Huwag mong dagdagan ang mga kasinungalingan mo Savannah Ismael." sabad naman ni Cara habang tumatawa. "Alam kaya namin ang ginagawa mo this past days."
"Anong ginagawa? Wala naman ah."
"How about that lunch in the university canteen?"
"Anong lunch ang pinagsasabi mo?"
"Don't panic gurla." Nagsimula na siyang pinalibutan ng tatlo. Yung paraang nagkokompromta. "Nakita lang namin kayo ni Levi na kumakain sa canteen ng university. And take note, kayong dalawa lang hah?"
"Wala na kaming ibang nakita maliban doon, pramis!"
"At nakita namin ang pagkagentleman niya."
"At mas lalo naming napansin na bagay kayo."
"Korek! Kaya ok lang na iwan mo na kami. Go and see that gentleman now baka magbreak pa kayo."
"Mga loka talaga kayo. Mag-uusap pa tayo bukas. Ingat sa pag-uwi."
"Ikaw ang mag-iingat."
And before she could say anything, natalikuran na siya ng mga walang-hiya. Napapailing na lang siya na bumalik sa school. Ano kaya ang ipapagawa sa kanya ni Levi this time.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...