Mabilis ang ginagawa niyang pagpapatakbo ng sasakyan sa maputik na kalsada. Kanina ay mabato lang iyon. Halos sumakit nga ang kanyang puwit sa paglundag-lundag ng sasakyan niya sa batuhan. Ngayon ay halos walang katapusang putikan naman iyon. He never thought he would be driving on this kind of road. Tama ang desisiyon niyang ang Ford Ranger ang ginamit niya sa pagpunta sa lugar na iyon.
Hindi rin siya nakarating minsan sa ganitong uri ng lugar. At hindi man lang niya naimagine na dito niya matatagpuan ang kanyang hinahanap. Salamat sa mga taong napagtanugan niya at hindi na naman siya naligaw sa pagpunta doon. Well, thanks to Waze and google maps as well.
Ilang minuto pang biyahe sa maputik na kalsada ay nakita na niya ang kanyang hinahanap. Sa dulo ng maputik na kalsada ay nagsimulang naging moderno ang daanan. Sementado na ang binabaybay niya kasabay ng pagkabasa niya sa malaking karatula na nagsasabing nakapasok na siya sa lupain ng mga Paterson.
Ilang saglit lang ay narating niya ang entrada papasok sa malaking villa doon. Sinalubong siya ng isang lalaking may kataasan. Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng sasakyan at nginitian niya ito.
"Magandang araw po." magalang niyang bati. "Dito po nakatira si Joel?"
"Magandang araw din sa iyo." Masiglang sagot ng matandang lalaki. Napansin niyang may pagkakahawig ito kay Joel kaya alam na niyang tama ang kanyang napuntahan. "Ako ang ama ni Joel. Nagkakamakali ka hijo sa tanong mo kung dito naninirahan si Joel, hindi rito dahil bata pa siya ay sa Manila na siya pumirmi. Nagbabakasyon lang siya dito kung gusto niya. Pero tamang-tama ang dating mo. Nandito ngayon ang anak ko. Ano bang sadya mo sa kanya?"
"Kaibigan ho niya ako. May mahalaga lang pong bagay na nais kong malaman mula sa kanya. Ako nga ho pala si Levi. Levi Sullivan ho."
"Ikinakakagalak kitang makilala Levi. Tawagin mo na lang akong Tito Albert. Ipasok mo muna sa garahe iyang sasakyan mo at nang makapasok na tayo sa bahay."
Mainit ang ginawang pagtanggap kay Levi ng ama ni Joel. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay wala silang nadatnang tao doon. Iniwan muna siya ni Tito Albert para magpahanda ng meryenda at nang matawag ang anak nito.
Tahimik ang buong bahay. Unti-unting nawawalan si Levi ng pag-asa parang wala kasi doon ang kanyang hinahanap. Ilang sandali lang ay may bigalng dumating na babae at basta na lang naupo sa sofang nasa kanyang harapan. Hindi siya napansin ng babae. Nakapikit kasi ito na parang pagod na pagod.
Suddenly, he heard her murmuring. "Hayop talaga ang Joel na iyon at talagang pinagtataguan ako. Saan ko kaya siya hahanapin?"
Bigla itong nagmulat nang mata. Nagtama ang kanilang mga paningin. Nagulat ito kaya bigla itong napasigaw. Hindi alam ni Levi ang gagawin. Lumapit na lang siya dito at mabilis na pinakalma. Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay natahimik ito.
"At sino ka namang hudas ka?" tanong sa kanya ng babae nang mahimasmasan ito.
"I am Levi."
"Levi?!" mas lalong nagulat ang babae. "You mean, Levi Sullivan? Iyong palaging sinusumbong sa akin ni Savannah dati. OMG!"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...