61 Levi I Rex

1.5K 82 2
                                    

Dahil sa kanyang pagod sa misyon niya sa Cebu ay tinanghali si Banang ng gising kinabukasan. Ok lang naman sa kanya na huwag ng pumasok sa araw na iyon but she insisted on going. She could always have the day off since her task is successful. Yun nga lang kailangan niya pa ring pumasok. Kailangan niyang marinig ang sermon sa kanya ni Rex sa araw na iyon. Mas lalo kasing magiging mainit ang dugo ni Boss Pogi pag nadefer pa ng nadefer ang sermon nito.


One more thing, she loves her job so much. She loves the company where she is working. And she loves her boss as well, so much. Napapangiti siya pag naiisip niya si Rex. Bumalik sa kanyang ala-ala ang muling pagtatagpo nila ng landas dito.


She met him again in San Diego, California sa Comic Convention. She was not actually a fan of Comics. Yun nga lang ipinadala siya doon ng kanyang boss sa dati niyang pinagtatarabahuan. It was a thing she did not really like about his former boss. Palagi nitong minamaliit ang kanyang kakayahan kaya sa kung anu-anong seminars at conventions siya pinapadala.


Luckily, she met the ever gorgeous Rex there who was a fan of comics. What happened to him is like an odd version of the ugly duckling. First of all, lalaki ito kaya hindi ito naging magandang swan. Secondly, guwapo talaga ito mula pa noon. Yun nga lang mas lalo itong gumawapo. Ang makakapal nitong mga glasses ay napalitan ng colorless contacts that shows the real color of his eyes. Ang tuwid na tuwid nitong buhok noon ay napalitan at naging isa sa tinatawag na stylish. Maturity becomes him. Kahit hindi malinis na malinis itong tingnan ay nagkaroon na ng class ang mga suot nito.


At first, she did not really recognize him. Ang akala nga niya noon ay isa itong foreign celebrity na fan din ng comics. Her face was unexplainable when he called her by name that day. Muntik na siyang mahimatay nang tawagin siya nito. Nagsalita ito ng sarili niyang wika at mas lalo siyang nabigla.


Nang magpakilala ito sa kanya ay doon siya biglang natauhan at niyakap ito ng mahigpit. Tumatawa nga si Rex nang gumanti ito ng yakap. Nang pakawalan niya ito ay inayos pa ng lalaki ang collar niyang nagulo. The old habit that never died.


Nagsimula silang nagkuwentuhan. They shared what happened their lives sa nakalipas ma taon. Nalaman niyang ito pala ang nagmamay-ari sa pinakasikat na media station sa Pilipinas. Nang ilahad niya ang tungkol sa kanyang trabaho ay doon siya hinikayat ni Rex na lumipat dito. Natuwa naman siya kaya mabilis siyang pumayag sa suggestion nito. Tatanggapin niya ang alok nitong lilipat ng kompanya.


Their conversation went so far. Hanggang sa mabanggit niya ang tungkol kay Yanyan. Mabilis na natahimik si Rex. Ipinagpalagay na lamang niya na hindi ito in good terms kay Yanyan sa pagkakataong iyon. Hindi na siya nagpatuloy pa sa pagtatanong.


Nang makabalik siya sa Pilipinas ay naghintay siya muna ng isang linggo bago nagresign sa dati niyang trabaho. Tila nabunutan pa ng tinik amg dati niyang boss. Doon niya naramdaman na hindi pala talaga kailangan ang serbisyo niya doon.


The next thing she did was to process her application in Rex's company. She underwent rigid screening from the company's HR before she was hired as a photojournalist. Doon na siya humarap kay Rex na gulat na gulat nang malamang empleyado na siya nito. Sinabi sa kanya ng lalaki na tanggap na sana kaagad siya kung dumiretso siya dito. But she's always fair. Hindi naman niya kailangan ang backer sa kanyang trabaho. Gusto niya ay yung maexperience niya ang normal na hiring process. And she impressed the boss for what she did. Her career started that moment until she became Prairie's pride.


Isang araw ay tinawagan siya ng dati niyang pinagtatrabahuan. Gusto raw ng dati niyang boss na bumalik siya doon. Pero magalang siyang tumanggi. Narealize marahil ng mga ito na malaki pala ang nawala sa pag-alis niya doon. Yun kasi hindi siya ginamit ng mga ito sa tamang paraan.


At iyon nga, she became Rex's favorite employee. Aware ang kanyang mga colleagues doon pero hindi nagkokomento o nagrereklamo ang mga ito. Alam kasi ng lahat na deserve niya iyon sa pagiging masigasig at palaban niya. Ilang beses niya ring itinaya ang kanyang buhay sa mga nakakatakot na pagsuong niya sa panganib. She even reached the attention of international media for her impossible shots. Sino ba naman kasi ang makakagawa sa ginawa niyang pagsugod sa isang bakbakan sa Mindanao para lamang makakuha ng mga larawan? Naalala niya na katakut-takot na sermon ang inabot niya kay Rex sa ginawa niyang iyon. She we suspended for a month for what she did. But the pay did not stop from coming. Her shots was recognized all over the world. She was even feautured in CNN and BBC.


Ang hindi alam ni Rex ay sumasama siya sa kanyang mga kasamahan sa lakad ng mga ito. Mas lalo na sa mga field reporting. Gustong-gusto niyang nag-oobserba sa ginagawa ng kanyang mga kasama sa media. Minsan nga ay binibiro siya ng kanyang mga kasamahan na huwag masyadong pag-aralan ang field reporting baka maagawan pa daw ang mga ito ng trabaho. Pero hinding-hindi niya ipagpapalit ang kanyang passion.


"Hi Vina." matamis niyang bati sa secretary ni Rex nang makarating siya sa palapag ng opisina ng lalaki.


Magalang na sinuklian ni Vina ang kanyang pagbati bago siya nito hinayaan na makapasok. Sa tagal niya sa Prairie ay hindi pa niya naging kaibigan si Vina. Mahiyain kasi ito masyado at kung kinakausap niya ay palaging maiikli ang mga sagot nito. Ganunpaman, hindi pa rin nabawasan ang ipinapakita niya ditong giliw.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon