54 Levi

1.9K 108 10
                                    


"Saan na ang mga iyon?" sabi ni Levi nang makalabas na sila ng sinehan. Kanina pa natapos ang palabas. Hinintay pa kasi nila yung pagtaas ng mga credits sa movie.

"Kasalanan mo." akusa ni Banang dito.

Biglang natigilan si Levi at kunot-noo siyang tiningnan. "Teka lang loves, bakit ako?"

"Kung hindi mo ako nilandi kanina sana nakalabas na tayo kaagad. May pahaplus-haplos ka pa kasi sa mukha ko."

He eyed her. "Then, that is not my fault. Ikaw ang dahilan. Bakit ka kasi nagpapalandi? At kung hindi ka umiyak sa katapusan ng palabas, hindi ko sana nahawakan ang mukha mo. Tinatanggal ko lang naman ang mga luha mo."

"Eh, emotional naman kasi talaga yung movie. Kasalanan ng movie ito."

"Bakit mo sinisisi ang movie? Sino ba kasi ang nagsabi na magsine pa tayo?"

Sa sinabi ni Levi ay sabay silang natigilan at napatingin sa isa't-isa.

"Kasalanan nina Ryan at Patring!" sabay pa nilang wika but in different languages.

"Yun naman pala eh." ani Levi na bigla siyang inakbayan. "Kasalanan naman pala nila, eh, bakit pa tayo magsisihan? Sweetheart, huwag na lang natin silang alalahanin. Date na natin ito. Saan kaya tayo pupunta ngayon?"

Siniko niya ito sa tiyan. Alam niya kung ano ang iniisip nito.

"Awww!" anitong napahawak sa tiyan at eksaherado ang ginawa na parang nasaktan naman daw talaga.

"Kung anu-ano kasing pumapasok sa utak mo. Kailangan pa rin natin silang hanapin. Kulang ang evidence na nakolekta ko."

"Then what about us?" sambit ng lalaki na hindi niya narinig ng maigi.

"Ano na uli yung sinabi mo."

"Wala." kaila nito at muling hinimas ang tiyan. "Ang sabi ko, nagugutom na ako. Ano kaya kung kakain na lang muna tayo? Alam mo na, para magkaroon tayo ng lakas na hanapin iyong dalawang nawawala."

"Mabuti na nga." sang-ayon niya na rin. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom.

Siya na lang ang pumili ng kainan. Dahil wala naman silang ibang mapuntahan at medyo sawa na sila sa mga burger at fries ay sa Greenwich sila napadpad. Mabilis silang humanap ng puwesto at saka umorder na rin ng makakain.

Habang hinihintay nila ang kanilang order ay naramdaman niya ang mahinang pagkalabit sa kanya ni Levi. Ngumuso ito. But she slapped her in the shoulder. "Not here Levi Sullivan."

"Anong not here ang sinasabi mo?" kunot-noong sabi ni Levi at muling ngumuso. Saka lang niya naintindihan ang ibig nitong iparating. Napatingin siya sa iningunguso nito. Nakita niya doon sina Ryan at Patring na nagtatawanan. Naghihintay din siguro ang mga ito ng pagkain. Kinuha niya ang kanyang camera at mataktikang ipinuwesto sa mesa sabay video sa dalawa.

"Oy, ano iyong 'not here' na sinasabi mo kanina?" maya-maya ay tanong ni Levi. Akala niya ay nakalimutan na nito iyon.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Wala lang iyon?" kaila niya. Bigla siyang nahiya.

Then, his lips slowly moved in a teasing smile. "I know what you mean by that. Akala mo, naglalambing ako noh? Huwag kang mag-alala, hindi ko magagawa iyon dito. Tama ka, not here. Because I will do that once we are alone. Once we are away with these people."

"Tumahimik ka nga diyan!" saway niya rito. Lihim siyang nagpasalamat nang dumating na rin ang kanilang mga orders. Akala niya kasi talaga ay humihingi si Levi kanina ng halik. Yan tuloy siya ang napahiya.

Saktong tapos na silang kumain ay natapos na rin sina Ryan at Patring. Paalis na ang mga ito nang ilibot ni Patring ang paningin sa paligid. Levi immediately cupped her face and hid it using his face. Ngayon ay napakalapit na ng kanilang mga mukha. Sa kanya nakatitig ang kanyang boyfriend. At nanatili silang ganoon hanggang sa mawala sina Ryan at Patring. Mabilis silang naghiwalay at sinundan ang kanilang mga biktima.

Kung saan-saan pumunta sina Levi at Savannah dahil kung saan-saan sila dinala ng kanilang sinusundan. Sa Arcade, sa KTV, at kung anu-ano pa. Naenjoy din naman nila ang ginawa nilang pagsunod-sunod sa kanilang mga kaibigan. Kung tutuusin nga ay mas nag-enjoy sila dahil may thrill ang kanilang ginagawa.

Hapon na nang magdesisyon sina Patring at Ryan na umuwi. Sila man din ay nagdesisyon nang umalis ng mall.

"Oh, bakit pa natin sila sinusundan?" tanong ni Levi nang mapansin nitong nakasunod pa rin siya kina Ryan at Patring.

"Hindi pa ako nakuntento sa mga nakita ko. Kailangan kong masaksihan ang gagawin nilang kasunod."

"Ano pa bang gagawin nila na gusto mong makita?" tanong nito na medyo may inis sa boses. "Base naman sa mga nakita ko ay talagang magkasintahan ang dalawa."

"Basta, sumunod ka na lang."

"Oo na!" mabilis din naman na sang-ayon nito. "Kung hindi lang kita mahal."

"May sinasabi ka?"

"Wala.  Wala. Ang sabi ko, tara sundan na natin sila baka makawala pa. Ayaw mo yun di ba?"

At talagang sinundan pa nila ang dalawa hanggang sa paradahan ng jeep nina Patring. Parehong pumasok ang dalawa sa jeep. Nagmamadali rin silang lumapit sa unahan ng jeep. Mabilis niyang pinapasok si Levi sa harapan.

"Nakita ba tayo?" tanong niya sa boyfriend.

"I doubt." sagot nito. Nag-apir pa sila nang umandar na ang sasakyan.

Nang tumapat ang jeep sa bahay nina Patring ay narinig nilang pumara ito. Sabay na bumaba ang dalawa sa jeep. Hindi kaagad sila bumaba. Pinalagpas nila ang dalawa pang bahay bago sila pumara at nagmamadaling bumalik sa tapat ng bahay nina Patring. Nagtago sila sa isang poste habang nakatutok ang kanyang camera sa kanilang mga kaibigan.

Mula sa screen ay nakikita nila ang ginagawa ng dalawa. Nakita nilang nagyakapan ang mga ito. Bigla siyang nacurious.

"Do you think they will kiss?" tinanong niya si Levi. Para siyang loka-loka.

"They will. This is a free country. They will do whatever they like."

Hinampas niya ito. "Hindi iyan ang ibig kong sabahin."

"Aray naman, mapagkakamalan akong battered boyfriend sa ginagawa mo."

Kapwa silang natahimik nang makitang naghalikan ang kanilang mga kaibigan. Mabilis lang iyon. Nakita nilang nagpaalam na si Ryan. Si Patring naman ay pumasok na sa kanila. Pumara si Ryan ng jeep at nawala na ito. Saka pa lang sila lumitaw mula sa kanilang pinagkukublihan. Masayang-masaya siya dahil nagtagumpay sila. Nag-apir na naman sila.

"Ngayong tapos na ang misyon." nakangiting sabi ni Levi. "Asan ang premyo ko?"

"Anong premyo ang pinagsasabi mo?"

Ngumuso ito at saka itinuro ang mga labi. Para itong bata.

"Kiss?" tanong niya. "Iyon ba ang gusto mo." Mabilis niyang hinalikan ito sa pisngi. "Ayan."

"Hindi naman sa pisngi ang gusto kong sabihin." reklamo ng lalaki na tila bata. "Pang preschooler naman ang halik na iyon."

"This is a free country." panggagaya niya sa sinabi nito kanina. "At gawin ko ang gusto kong gawin. At iyon ang gusto ko. Tara na nga, alis na tayo dito."

Sumunod sa kanya si Levi na nagtatampo. Para itong bata na sinusumpong dahil hindi napagbigyan sa gusto nito.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon