"Hindi ko alam na nagbunga pala ang minsang pagkakamaling nagawa ko." sumbong sa kanila ni Dodong. Muli silang nagkatinginang tatlo. Hindi nila maintindihan ang gusto nitong iparating.
"Anong ibig mong sabihin Dodong?" tanong ni Cara. Ang mukha nito ay tuluyan ng napuno ng pag-aalala para sa kaibigan.
"Hindi ko alam na magbubunga pala ang ginawa naming minsang pagkakamali ni Levi." patuloy nito. He was now crying tirelessly.
"Anong ginawa niyo ni Levi? Nag-away ba kayo? Pinagbantaan ba niya ang buhay mo? Pinapaalis ka niya rito sa school?"
"Sunod-sunod na iling ang pinakawalan ni Dodong bilang sagot sa mga tanong ni Patring.
"So, ano ngang nangyari?" Siya naman ang nagtanong. Malapit na siyang mainis kay Dodong. Masyado silang binibitin ng kanilang kaibigan sa pasuspense nitong pagkukuwento. "Sabihin mo na kung anong nangyari para masabi rin namin ang mga opinyon namin."
Tumigil ito sa pag-iyak. Nagtaas ng mukha at saka maarteng pinunasan nito ang mga luhang kumawala sa mga mata nito. He inhaled then exhaled ng ilang beses.
"Guys." anitong pinatatag ang boses. He cleared his throat before he resumed. "Buntis ako. At si Levi ang ama."
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ng kaibigan nila. Nagkatinginan silang tatlo. Impatience was on each other's faces. Sapok, sampal, at batok ang natamo ni Dodong sa kanila pagkatapos nitong magdrama.
"Ilusiyonada!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Patring sa mukha ni Dodong.
"Aray ko!" Hinaplos pa nito ang palad. "Ang gaspang ng mukha mo!"
"Grabe ka." natatawang wika ni Dodong. Naglaho ng tuluyan ang kalungkutan sa mukha nito. "Ui salamat Patring ha, tinawag mo akong ilusiyonada instead of ilusiyonado. That means tinatanggap mong babae ako. Guys, kumusta ang pag-arte ko. Pasok na ba?"
Sila naman ni Cara ang nagbigay dito ng sapok sa ulo.
"Pinakaba mo kami." galit na sermon ni Cara. "We symphatized with you. Tapos sasabihin mong joke lang pala iyon."
"Guys, tara na." wika naman niya. Hindi pa rin niya nagugustuhan ang ginawa ni Dodong. "Umalis na tayo at iwan ang baklitang impakto na iyan."
"Tama." sang-ayon ni Patring. Nauna na itong tumayo. "Good bye!"
Nauna na itong maglakad. Mabilis nilang naabutan ni Cara si Patring. Bahalang maiwan ang walang-hiyang Dodong na iyan.
"Guys!" tawag sa kanila nito. Hindi nila ito pinansin. Bahaha na ito sa gusto nitong gawin.
"Hey guys! Bakit ba kayo ganyan sa akin? Maglilibre pa man din sana ako ngayon."
Agad silang natigilan sa sinabi nito. Nag-uunahan silang bumalik sa kinaroroonan ni Dodong. Lumalakas talaga ang kanilang antenna pag libre ang pinag-uusapan.
"Yun talaga ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag kanina. May bonus kasi ako kay Mama."
"Bonus talaga hah?" ani Patring. Nagdududa itong napatingin kay Dodong. "Baka kupit yan ah."
Sinenyasan nila ito ni Cara na magbehave. Baka mag-iba ng isip si Dodong at hindi na sila ililibre.
"Of course, joke lang iyon." agad na bawi ni Patring sa sinabi nito kanina. "Siguro naging good girl ka na naman kaya ka binigyan ng bonus ng Mama mo. Ang bait naman talaga ng mother mo ano."
"Oo nga." pakikisakay naman ni Cara. "Tara na sa canteen. Gutom na ako. Kailangan ko ng kumain ng marami."
"Ako din." sabay nilang sabi ni Patring. Hinila nila si Dodong at magkabilaang inakbayan. Hindi na nakaangal ang baklita.
Pagdating nila sa canteen ay naghanap na sila ng magandang puwesto. Sasagarin nila itong pagkakataon na muli silang ilibre ni Dodong. Tutal, may bonus naman daw ito sa mama nito. Kung hindi nga kupit na siyang sinabi kanina ni Patring. Basta ang mahalaga, nakalibre na naman sila ng pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay saka lang naisip ni Banang ang huling interview sa araw na iyon. Kailangan niyang matapos para hayahay ang buhay.
Nang dumako ang paningin niya kay Cara ay bigla niyang naisip si Pacoy. Napangiti siyang mag-isa nang makaisip siya ng magandang paraan.
"Cara, may load ka ba?" tanong niya sa kaibigan.
"Meron." sagot nito na hindi siya tiningnan busy ito sa paglalaro ng Clash of Clans. "Bakit?"
"Patext nga ako."
"Kanino?" tanong nito. Hindi pa siya nito tinitingnan.
"Kay Pacoy?" nakangiti niyang sambit ng patanong. "Pakitext nga sa kanya na pumunta siya dito."
"Ok." muling sagot ni Cara. Napansin niyang messages ang pinuntahan ng kanyang kaibigan. Halos mabasa pa niya ang isip nito na binibigkas ang bawat salitang naiinput nito sa cellphone.
Then,
"What?!" Cara reacted violently.
Pareho na silang nakangiti nina Dodong at Patring na nakatingin sa kaibigan.
"Ayie!" kantiyaw ni Dodong dito. Ang kaibigan naman nila ay tila wala sa sariling napapamura. "Oy, may number si Pacoy sa kanya."
"Tumahimik ka diyan Dodong!" sikmat ni Cara. "Bakit mo pinapatawag ang lalaking iyon?" Sa kanya nakatingin ito. Nang-aakusa ang mga mata.
"Di ba sinabi kong gumagawa ako ng mga interviews? Si Pacoy na ang susunod kong kakausapin. Pakitingnan nga baka may reply na siya."
Sinunod ni Cara ang sinabi ni Banang. Nanlaki ang mga mata nito. Senyales na may reply nga ang lalaki.
"Bakit daw?" matabang na sabi ni Cara.
"Sabihin mo ang sadya ko."
Hindi na ito sumagot pero alam niyang nagreply ito kay Pacoy.
"Ay Savs." tawag sa kanya ni Dodong. "Samahan kita pag si Levi na ang i-iinterview mo."
"Sorry to disappoint you." sagot niya sa kanyang kaibigan. "Pero hindi ako ang nakaassign kay Levi."
"Sayang." usal na lang ni Dodong.
Pagkaraan ng mahaba-habang sandali ay dumating na rin si Pacoy sa wakas. Parang kagigising lang nito. Malamang sa library ito nanggaling at nakatulog na naman. Ito yata ang pinakatamad na estudyanteng nakilala niya.
Balewala itong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Napansin niya ang pagguhit ng inis sa mukha ni Cara. And Savannah understands her. Hindi kasi nagpakita ng konting interes si Pacoy dito. He did not even acknowledge their presence.
"Ano iyong sinasabi ni Cara na interview daw?" tanong sa kanya ni Pacoy at basta na lang naupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang tabi. Again, he did not even say hi or hello to Cara, Dodong, and Patring.
Ok lang iyon sa dalawa dahil sanay na ang mga ito na ganoon ang lalaki. Si Cara lang ang inaalala niya. Hayun nga at napansin niyang mahigpit ang pagkakahawak nito ng cellphone. Kung boung plastic siguro iyon ay baka kanina pa iyon nabasag.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
ComédieLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...