21 Levi

2.3K 116 7
                                    




"Maam, hindi po kayo puwedeng pumasok ngayon." bungad kay Banang ng security guard pagpasok niya kinabukasan.


Not again. Pinilit niya pa ring makapasok pero mas inigihan ng guard ang pagpigil sa kanya. Nakakabeast mode na. "Bakit ba?"


"Bawal po ang suot niyo Maam."


"Paanong bawal?" galit na tanong niya. "Civilian day ngayon. I can wear whatever I want to wear."


"Maam, civilian day po talaga ngayon pero bawal po ang ganyang suot." Gamit ang drum stick ay itinuro nito ang tarp sa tabi ng gate. Awtomatikong napalingon siya doon. Nabasa niya ang nakasulat doon. 'Observe Proper Dress Code'.


"Anong gusto niyong palabasin?"


"Number 3 at 5 po maam sa pinagbabawal na damit."


Muli niyang nilingon ang tarpaulin. Uminit ang kanyang ulo ng mabasa ang number 3 at number 5. Listahan pala iyon ng bawal na mga damit sa school. Number 3, miniskirt. Number 5, boddy hugging.


Bumaba ang tingin niya sa suot na skirt. Hindi naman mini-skirt iyon. Matatawag pa bang mini, eh two inches above the knee. And about that body hugging, sinadya niya talaga iyon para ipakita kay Levi na hindi siya tabatsoy at hindi siya baboy.


Nalingat ang guard. Kinuha niya ang pagkakataong iyon. Mabilis siyang tumakbo papasok. Hindi na siya lumingon kahit tinatawag na siya ng guwardiya. Success!


Kailangan niyang hanapin si Levi para ipakita kung gaano siya ka sexy. Tingnan na nga lang niya kung ano ang magiging reaksiyon nito.

Hah! Patay ka ngayong Levi ka. Taas noo siyang rumampa sa school campus. Kailangan niyang hanapin ang kanyang kalaban at irampa ang seksing katawan. Ewan niya na lang kung hindi pa ito maglalaway sa suot niyang iyon.


Nabigo naman siya sa attempt niya dahil magtatime na ay wala pa rin siyang Levi na nakikita. Nababadtrip siyang pumasok na lang sa kanyang classroom. Nabigla pa siyang nang masilayan ang mga kaklaseng nakanganga habang nakatingin sa kanya.


"Ang sexy natin ah." puna ni Joel sa kanya na siyang unang nakarecover sa pagkabigla. "Bagay sa iyo ang suot mo."


"Tama." sang-ayon ni Miggy. "Sana ganyan ka na araw-araw." biro nito na walang halong kabastusan.


Nginitian niya ang mga ito. "Oy, salamat." aniya na sinabayan ng pagtawa. Atleast pa ang mga ito, nagustuhan ang outfit niya. Hindi katulad nung guard kanina. Hay naku! At sexy na talaga siya, kaya makita talaga ng Levi na iyon.


Siya namang pagsugod sa kanya nina Dodong at Patring. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang suot niya. At totoo namang maganda talaga ang outfit niya.


"Bet ko yang outfit mo mader." siyang-siyang papuri ni Dodong. "Puwedeng paarbor? Bigay mo sa akin pag nagsawa ka na ha?"


"Ay." tila nanghihinayang na wika naman ni Patring. "Feeling ko, hindi babagay sa iyo Dodong iyang suot ni Savannah. Sorry hah. Pero feeling ko talaga ganoon."


"Oo na. Pass na muna ako sa pang-aapi iyo. Kailangan ko munang masilayan si Lovidabs para magkaroon ako ng inspirasyon na magpakamartyr sa inyo."


Magkasabay nila itong binatukan.


*****


"Tom Jones na Tom Jones ako." sabi ni Cara nang masamahan nila ito sa kanilang break. Hindi kasi nila ito kasama sa kanilang section. "But, anyway, I like your outfit Savs. Bagay na bagay sa iyo. Sexy!"


"Yeah right." Umikot ang mga mata ni Dodong. "Nakakainggit."


"Hay naku!" singit ni Patring. "Ganyan ka naman talaga Dods. Nakakainis ka nga eh. Tara na nga kain na nga tayo."


"Trulali, Tom Rodriguez na rin ako. Kailangan kong pakainin ang mga alaga ko sa tiyan."


"Mablibre ka naman Patring." susog ni Cara sa isa nilang kaibigan. "Hindi mo pa kami nililibre."


"Kaya nga eh." sang-ayon na rin niya. "Kailan ka nga ulit naglibre? One, two years ago?"


"Ay grabe ka sa akin Banang. Kalilibre ko lang sa inyo last week."


"Really? Bakit wala akong maalala? Ano na uli yung nilibre mo?"


Tumango-tango sila ni Cara sa sinabi ni Dodong. Wala naman silang maalala na naglibre ito.


"Nakalimutan niyo agad. Di ba binigyan ko kayo ng Mentos?"


"Mentos?" gulat na bulalas ni Cara. "Yung tig-iisang candy na pinaghirapan pa naming hingin sa iyo?"


"Oo, yun nga."


"Gaga ka Patring! Eh, yun ang libre mo? Samantalang pag nagpalilibre ka sa akin ay sa inasal pa ang gusto mo, unli rice. O kaya sa McDonald's, chicken filet ala king meal with fries and drinks upgraded to monster coke float."


"Eh di wow sa iyo!" ani Patring. "Ikaw kaya Dodong ang manlibre ngayon."


"Sure ba." mayabang na pahayag ng binabae. "May NINETY ako dito."


Mabilis nilang hinawakan ang kamay ng kanilang kaibigan. "Tara na sa canteen bago pa man magbago ang isip mo."


"Teka lang guys." awat ni Dodong. "NINETYndihan niyo naman na wala akong pera today, di ba?"


Ang pagkakahawak nila sa mga kamay ni Dodong ay mabilis na nabitiwan. Pero, infairness, natawa sa ninety nito.


"Ikaw na kasi Patring ang manlibre." sabi ni Dodong nang matapos silang tumawa.


"Oo na!" sagot ni Patring bilang pagsang-ayon.


"Sure ka?"


"Oo, libre ko kayo ng isang skyflakes tapos paghati-hatian niyo."


"Ay, waley."


"Allergic ako sa skyflakes. Belgian Waffles na lang kaya?"


"Skyflakes? Ano yun?"


Sunod-sunod silang nagreklamo sa sinabi ni Patring. Wala rin itong nagawa. Malakas kaya silang kumumbinsi. Ayun, pumayag ang loka. Dumiretso na sila sa cafeteria. Nakalibre na naman sila ng pagkain. Alam din naman ni Banang na masisingil din siya. Siya na rin ang manlilibre sa susunod.


"Ang sarap talaga ng Belgian Waffles, ano? Kasin sarap ng mga labi ni Lovidabs." Dodong said while they were eating. Hanep, talaga ito. Kung anu-anong lumalabas sa malandi nitong bibig.


"Ang ambisyosa mong bakla. Hindi ka naman nahalikan ni Levi."


"Kung ambisyosa ako, ikaw Cara ay panira. Pinaparinggan ko naman si Banang."


"Bakit naman ako nasali diyan?"


"Painosente. Nahalikan naman ni Levi."


"Hoy Patring! Huwag kang mambintang."


Magsabay na inilabas ng mga ito ang cellphone ng bawat isa. Kanya-kanya ang kanyang mga kaigan sa pagtap ng touch screen na cellphones ng mga ito. Wala pang isang minuto ay nag-uunahang ipinamukha ng mga ito ang video ng 'halikan' nila ni Levi. Tuloy ay nagisa siya ng mga ito. Ikinuwento niya lang sa mga ito.


Ang akala niya ay nakalusot na siya pero hindi pa pala. Muling ipinakita ni Cara ang cellphone nito sa kanya. This time, stolen shot ito. Siya ang bida at suot niya yung jersey ni Levi. Hindi siya tinantanan ng mga ito hangga't hindi nakukuha ang mga kasagutang gusto.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon