Kung mangkukulam lang sana si Savannah ay baka kanina pa may nangyaring masama kina Levi at Ryka. She killed them in her mind almost a hundred times already. Masakit na masakit talaga ang kanyang loob. Hindi siya mapakali kanina pa. It was only when she heard Levi's arrival that she finally had a peace of mind.
"Teka lang." kausap niya sa sarili nang narealize niya kung ano ang nangyayari sa kanya. "Bakit naman ako naaapektuhan sa kanila? Why would I care anyway?"
Mas lalo siyang kinain ng malalim na realisasyon. "No! Omg! I am not jealous of them, right?"
She closed her eyes and tried to eliminate the invasion of crazy thoughts on her mind. "Hay naku! Iligo ko na nga lang ito."
She grabbed her towel and went straight to the bathroom.
*****
Pangiti-ngiti si Levi habang papasok siya sa kanyang kuwarto. Today is indeed an amazing and awesome day. He enjoyed the unending talks with Joel's parents. Then, there's Ryka too. Ngayong araw lang yata siya tumawa ng maraming beses dahil sa babae. He liked the friendship that was already developing in them. But most of all, ang talagang bumuo ng araw niya ay ang katotohanang nakita na niya ang mahal niya.
Savannah had already put a barrier between them since he arrived. She is very cold towards him. And he is not bothered by it. Saka na lang niya ito suyuin. Ang kailangan niya muna ngayon ay kausapin si Joel ng masinsinan. He does not plan to clear his name but he just want to gain Joel's trust and faith in him. Maybe, he needs to apologize for the troubles he caused his friend.
Pagkapasok ni Levi sa silid niya ay agad siyang naghubad ng damit. Kailangan niya munang maligo. He already stinks.
Kinuha niya ang extrang tuwalya ni Joel na ipinahiram sa kanya ng nanay nito at ibinalabal sa baywang. Pakanta-kanta siyang pumasok sa banyo.
*****
Biglang kinabahan si Savannah nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo. She closed the shower at inaninag ang paligid. Hindi nga siya nagkamali dahil may narinig siyang kumakanta.
Paglingon niya ay nagulat siya sa nakita. Levi is standing in front of hear wearing nothing but a towel wrapped loosely around his waist. Gulat na gulat din ito habang nakatingin sa kanya. Saka lang niya narealize na wala siyang suot na kahit na ano.
"Bastos!" malakas na singhal niya kay Levi at saka mabilis na dinampot ang tuwalya at ibinalabal sa katawan.
Nang mag-angat siya ng tingin ay napansin niya na nasa loob pa rin ng banyo si Levi. Nakatingin pa rin ito na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Ano pang ginagawa mo dito?" galit na sabi niya rito. "Hindi ka ba tinuruang kumatok?!"
Levi winked at her. It made her blood to boil more.
"Hindi ka ba tinuruang maglock ng pinto?" resbak sa kanya ng binata.
"Tse!" malakas na wika niya at saka kinuha ang tabo at nilagyan ng tubig saka isinaboy sa lalaki. "Tsupi!"
Mabilis na lumabas si Levi na tumatawa. Ganunpaman, medyo nakabawi siya dahil nasabuyan niya pa rin ito ng tubig.
*****
Si Levi ay kanina pa hindi makatulog. Ilang oras na ang nakalipas mula pa nang mahiga siya ay hindi pa din siya inaantok. Kanina pa pabalik-balik sa isip niya ang nasaksihan niya kanina.
Hindi naman niya kasi alam na common CR pala ang nasa kuwarto niya at kuwarto ni Savannah. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari. Nakabawi din naman ang babae dahil sinabuyan siya ng tubig.
But Savannah's body invaded his mind once more. He felt the heat all over his body and the shameful tightening of his pants.
Napamura siya at saka mabilis na tumayo. Lumabas siya sa kuwarto niya para magpahangin and to cool down his body.
*****
"Good morning!"
Isang nakangiting Levi ang bumungad kay Savannah pagbukas niya ng pintuan. Kalalabas lang din nito sa sarili nitong kuwarto.
Mabilis na namula ang kanyang mukha nang mapansin niyang nakaboxer shorts at sando lamang ito.
"Hmp!" irap niya rito and went back inside. She did not forget to slam the door. Ang malutong na tawa ni Levi ang sumunod niyang narinig.
Napasandal siya sa pintuan habang nakahawak siya sa dibdib. She could feel the fast beating of her heart. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon. She released one, two, three deep sighs before she could gather herself again. Nang muli niyang buksan ang pinto ng kuwarto ay wala na si Levi sa labas. Nagmamadali siyang bumaba baka maabutan pa siya ng baliw na lalaki.
"Good morning Tito." bati niya sa matandang Patterson nang maabutan niya ito sa sala na nanonood ng morning news. May hawak itong isang tasa ng kape.
"Magandang umaga din sa iyo hija." sagot sa kanya ni Albert. "Masarap ang kape sa umaga. Puntahan mo sina Levi at Joel sa kusina. Nandoon ang dalawa."
"Sige po Tito." she said politely. "Salamat."
Tito Albert raised his cup and nodded his head. Napilitan siyang dumiretso sa kusina. Naabutan niya doon ang dalawang binata na tila nagsusukatan ng mga tingin.
"G-good m-morning." she slowly smiled.
Mabilis na napunta sa kanya ang atensiyon ng dalawang lalaki. Si Joel ang mabilis na tumayo at lumapit sa kanya. Ipinanghila siya nito ng upuan. "Come and let's have some coffee."
"Thank you."
Si Levi ay hindi nagpatalo. Tumayo din ito. Kumuha ang binata ng baso at saka lumapit sa kanya. Ito na ang naglagay ng kape sa baso. "Enjoy your coffee."
She managed to smile to lighten the heavy atmosphere. "Thanks!"
And poof! The competition begins. Si Joel ay kumuha ng bread at butter at inilapit sa kanya. Na sinundan naman ni Levi, ito na ang kusang naglagay ng butter sa tinapay. She wanted to laugh at the two.
"Do you still need something?" tanong ni Joel nang magsimula na siyang humigop ng kape.
"No." she replied softly. "Thank you."
"Water?" si Levi naman. "Baka kailangan mo ng tubig."
"Nope." salungat niya sa lalaki. "Salamat. I can manage from here. Ituloy niyo na lang ang mga kape niyo. Alam kong lumalamig na ang mga iyan."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...