Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang lumapit sa coach na nagagalit na sumesenyas sa mga players nito. Kahit pinagtitinginan siya ng mga tao ay wala siyang pakialam."Coach.." aniya na saglit na huminga muna. Napagod siya sa ginawang pagtakbo.
Ang coach ay nakakunot-noong tumingin sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito nang siya ay makita. Napansin niya ang recognition sa mukha nito. "Yes Miss Photographer?"
"Ah, coach. May ibibigay lang po ako kay Levi." Napatingin silang dalawa sa lalaki. Napansin niyang nakatingin din ito sa kanila. Tahimik lang ito. He did not even smile when he saw her. Sabagay hindi naman talaga sila friends.
Tuluyan nang napangiti si Coach Clifford. "Ano yun Miss?"
Mula sa balikat ay kinuha niya ng jersey ng lalaki. "This."
"Ikaw pala ang pinagbigyan ni Sullivan ng kanyang shirt." anito at saka muling napabaling kay Levi. "Captain, kunin mo na itong shirt sa girlfriend mo at ipapasok na kita. Makakapaglaro ka na."
Tumango lang si Levi at napatayo. Lumapit ito sa kanila.
"Bahala na kayo diyan.." natatawang wika ni Coach Clifford. "Basta bilisan mong magpalit Levi at nang maipasok kita. Marami-raming puntos din ang hahabulin natin." Bumalik ang atensiyon nito sa team nitong naglalaro. Siya naman ay biglang napipi at hindi makagalaw nang tuluyan nang nakalapit sa kanya si Levi.
*****
Kanina pa naiinis si Levi. Mukhang matatalo sila sa final game na iyon. Patapos na kasi ang second quarter ay tambak pa rin ang kanilang team.
Naiinis siya hindi dahil sa matatalo ang school nila kundi naiinis siya dahil hindi niya maalala kung saan niya nilagay ang jersey niya na gagamitin niya sana sa larong iyon. Hindi tuloy siya makakapaglaro.
Ilang beses siyang nakiusap sa kanilang coach pero matigas ito at ayaw siyang payagan. Nagamit na lahat ang kanyang mga teammates sa larong iyon maliban lamang sa kanya.
He would be creating a record of himself kung hindi siya makakalaro sa pagkakataong iyon. That would be the first time that he will not play in a game. At ang mas malala finals pa iyon.
Ilang beses siyang lihim na nagmumura while blaming anybody that would enter his mind. At ang coach nila ang palagi niyang binibiktima. Bigla ay hindi niya nagustuhan ang pagiging istrikto nito. Puwede naman siyang paglaruin. Hiramin niya lang ang shirt ng isa niyang teammate at ayon ayos na sana. But, Coach Clifford would stick to his self-proclaimed philosophy. Mas pipiliin nitong matalo kaysa buktutin ng konti ang hindi matitibag na pader ng pagdidisiplina nito sa kanila.
Kaya ayon, natapos na naman ang second quarter na walang nangyayari. Pati ang kanyang mga teammates ay nagsimula ng mainis sa kanilang coach dahil ang mga ito ang pinagbubuntunan ni Coach Clifford ng galit nito. Well, if it was his entire fault, wala na siyang pakialam doon. Dapat sisihin din ang coach nila pag sila ay natalo sa game na iyon.
Nang magsimula ang third quarter ay ay muli niyang sinubukang kausapin ang coach nila. Pilit niya itong hinikayat na paglaruin siya pero walang nangyari. Ni hindi siya nito pinakinggan. Wala na siyang nagawa kundi panoorin ang kanilang team na matalo sa larong matagal nilang pinaghandaan. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.
Habang sinasarili niya ang pagluluksa sa tiyak nilang pagkatalo ay siya namang pagdinig niya ng kanyang pangalan. Biglang nagbalik ang pag-asa. Mabilis niyang tiningnan ang kanyang coach. Only again to find out that Menggay was the one talking to their coach. Mabilis na naparam muli ang munting pag-asa. Ang mga balikat niya ay tuluyang nalaglag sa panlulumo.
Then his eyes caught something in Savannah's shoulder. Umahon ang excitement sa buo niyang pagkatao nang bigla ay nagflash sa kanyang ala-ala na sa babae niya ipinahiram ang shirt niya. Buti naman at naisipan ng amasonang ito na dalhin doon ang lintik na jersey na iyon.
Tumayo na siya at lumapit sa mga ito nang tawagin siya ni Coach Clifford. Napagkamalan pa nitong girlfriend nita si Banang. Hindi na niya naitama iyon. Basta makakapaglaro na siya.
Nang iwan sila ni Coach ay parang ayaw pang ibigay sa kanya ni Banang ang shirt. Nakatingin lang ito sa kanya habang hawak-hawak nito ang jersey. Napatikhim siya tuloy ng wala sa oras. "Ehemmm! Baka gusto mo ng ibigay ang shirt. Excited na akong maglaro."
Napansin niya ang biglang pagkataranta nito. Kung hindi niya lang ito kilala ay baka iisipin niyang hindi ito si Savannah. Mabilis nitong naibigay sa kanya ang jersey. "Good luck and God bless." pahabol pa nito sa gulat ng lalaki.
Tumango siya saka nagpasalamat. Tinalikuran niya ito at basta na lang hinubad ang suot niyang shirt. Ang mga tao sa gym ay biglang napatili at napahiyaw sa kanyang ginawa. Hindi niya pinansin ang mga ito. Mabilis niyang ipinalit ang jersey.
Nang balingan niya si Banang ay nawala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Lihim niyang inilibot ang mga mata sa loob ng gym. Nakita niya itong busy sa pagkuha ng larawan. Lumapit na lang siya sa kanyang coach.
Ngumiti si Clifford at tinapik siya sa balikat. "Pasalamat ka at mabait ang girlfriend mo. Nagawa niya pang dalhin dito ang jersey mo Levi."
Sinagot niya ito ng katahimikan. Nang malaman nitong wala na siyang sasabihin ay nagtawag na ito ng timeout. They need substitution. Biglang umapaw ang kanyang nararamdaman nang makapasok na siya sa coaurt. He was now playing.
Kailangan niyang galingan at nang makahabol sila. Tila ba ay bigla siyang nagkaroon ng inspirasyon. Ang katunayang nasa loob ng gym ang number one at favorite enemy niya ay mas lalong nagbigay sa kanya ng drive na ipanalo ang game na iyon. This game is for Savannah Ismael!
Naramdaman niyang napapatingin sa kanya si Banang habang kunwari ay kumukuha ito ng mga litrato. Sa tuwing napapatingin sa kanya ang babae ay sinasadya niyang magpaimpress. Ang totoo kasi niyan ay nagiging challenge sa kanya si Banang. Hindi niya kasi alam kung ano ang meron dito at kahit ni katiting ay walang paghangang ibinibigay sa kanya. Samantalang lahat yata ng mga babae sa HU at iba pang mga paaralan ay gusto siyang gawing boyfriend.
Hinayaan niya lamang si Banang na gawin ang trabaho nito. Kailangan na rin niyang magconcentrate. Nakakabawi na rin sila mg puntos.
![](https://img.wattpad.com/cover/65762326-288-k918250.jpg)
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...