Mabilis na umiwas si Savannah ng tingin mula sa lalaking kasama ni Yuki. Ayaw niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na tila ba may malaki siyang kasalanan. Napansin yata ni Quinn ang saglit na pagkabahala niya dahil napatingin din ang binata kina Yuki na sa pagkakataong iyon ay nasa isang mesa at kausap ang mga nakaupo doon.
"What's wrong?" tanong sa kanya ng lalaki nang maibalik nito ang atensiyon sa kanya.
"Wala lang. Napansin ko kasing nakatingin sa akin ang kasama ni Yuki."
A full and live laugh escaped from Quinn. "Well, that is expected. All of the men here are staring at you honey."
"Come on Quinn." natatawa na rin niyang wika. "Alam kong maganda ako pero hindi ko lang gusto ang tingin ng lalaking iyon."
Pero parang isang joke na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga titig nung lalaki. Pakiramdam niya ay nakita na niya ang ganoong titig. She just can't recall where and when.
Then a memory suddenly poked her brain. Something that is old, rare, and childish.
Hinubad ni Savannah ang suot niyang sapatos at malakas na ibinato sa bastos na nilalang na bumangga sa kanya. Naiiritang lumingon sa kanya ang nabato niya. Nakita niya kung paano nanlilisik ang mga mata nito.
"What the hell is your problem?!" dumagundong sa pandinig niya ang galit na galit na boses ng taong kahulihulihan niyang makaengkuwentro. And his deadly glare did not subside a little.
Biglang napakurap si Savannah sa ala-alang iyon. Could it be? Impossible! But the familiarity in his glare is so familiar? Muli niyang binalikan ang lalaki kanina. This time, he is laughing. There she saw the familiar dimple on his face.
Si Levi nga ba ito? Paulit-ulit na tanong niya sa kanyang isip. But he is a little bit different now. Sabagay, ilang taon na ba hindi niya ito nakikita? And he matured a lot. Nawala ang boyish look nito. He is a man now. Medyo tumapang ang mukha nito. A picture of maturity and ripening. He is not cute anymore. He is now a devastatingly handsome human being.
Tumigil ito sa pagtawa nang mapadako ang tingin sa kinaroroonan nila ni Quinn. Nagtama ang kanilang paningin. Makalipas ang ilang kurap ay nagbawi siya ng tingin.
"Quinn, do you somehow know that Yuki's lover?" bulong niya aa kanyang kasama sapat para marinig nito.
"Yup." nakatawa nitong sagot. "Type mo?"
"Of course not! Gusto ko lang malaman ang pangalan niya para alam ko ang isusulat ko sa artikulo tungkol sa party na ito." mabilis na sabi niya. Sana hindi siya mahuli ng binata na nagsisinungaling lang. Ayaw niyang ipipilit ni Quinn ang nasa isip nito.
"Levi Sullivan." nakangiting wika ni Quinn. Buti na lang at mabilis nitong nilingon ang kinaroroonan nina Levi at Yuki. Hindi nito napansin ang pagkawala ng kulay ng kanyang mukha dahil sa pagkabigla.
"Kaibigan ko iyan." Quinn uttered when he brought back his attention to her. "Hindi ko alam na siya na pala ang bagong lalaki ni Yuki."
"Does it feel awkward? I mean, di ba ex mo si Yuki. Hindi ba awkward sa iyo na malamang kaibigan mo naman ang isinunod niya."
"Hindi naman. Ganoon naman si Yuki. May balak yatang dyowahin lahat kaming magkakaibigan."
"And what do you mean by that?"
"Actually, lima kaming magbabarkada. Ako, si Pacoy, si Levi, si Ryan at si Ford. Si Ford ang unang naging boyfriend ni Yuki bago ako."
"What?" gulat na tanong niya. Hindi dahil sa pagkakatuklas niya na kaibigan ni Quinn pati sina Ryan at Pacoy kundi sa pagkakaalam niya sa love affairs ng mga ito. "That's odd. Bakit kayo pumapatol sa iisang babae? Marami namang iba diyan."
"We don't know. Wala lang naman sa amin iyon. Kung wala ngang kasintahan sina Pacoy at Ryan ay baka isusunod pa sila ni Yuki."
Lihim siyang napangiti. Ayaw niyang aminin dito na kilala niya dalawa. At mas lalong ayaw niyang malaman na kilala niya si Levi. Saka na lang kung talagang maging kaibigan niya talaga ito.
"Buti na lang pala ang Ryan at Pacoy na mga iyan." sambit niya. Alam niya kasi na hanggang sa ngayon ay sina Patring at Cara pa rin ang kasintahan ng mga ito. Well, once in a while ay nagkikita silang mga magkakaibigan. Pareho sila kasing busy sa kani-kanilang mga trabaho. And she did not yet meet Ryan and Pacoy again.
"I know." nakangiting sabi ni Quinn. "Those two are hopelessly in love with their girlfriends."
Bagaman wala siyang nakita sa tatlo pang kaibigan nina Levi at Quinn sa gabing iyon ay hindi na siya nagtanong. Bigla niyang naramdaman na gusto na niyang umalis at umuwi. Ayaw pa niyang magtagal dahil ayaw niya ring makalapit pa sa kanila sina Yuki at Levi.
"I guess, I should be going." wika niya kay Quinn.
"Biglaan naman." pareklamong sago nito. Sinabayan pa nito ng pagtingin sa original rolex nito. "Maaga pa naman. And theparty is not yet even in half."
"Tapos na ako sa trabaho ko rito Quinn. Hindi naman talaga ako invited para sa party na ito. At isa pa marami pa kasi akong kailangang ayusin sa bahay."
"Anyway, kung iyan ang gusto mo, ihahatid na kita sa inyo."
"Huwag na. Magtataxi na lang ako." saway niya. Maabala pa niya ito. "Stay and enjoy your ex-girlfriend's party."
Natawa ito sa kanyang sinabi. "Well, can I escort you outside at least? Ako na ang papara ng taxi para sa iyo."
"Sure." mabilis na tugon niya. "Wala naman sigurong mawawala."
Si Quinn na ang bumitbit sa tripod at camera niya. Inakbayan pa siya nito habang palabas sila ng hotel.
"Paano ang mga kasama mo?" tanong ni Quinn habang naghihintay sila ng taxi na paparating.
"Ok lang sa mga iyon. Tatawagan ko na lang sila mamaya. Ang busy nila kaya."
"Sabagay." sagot ng binata at saka pinara ang isang taxi na paparating. Maingat siyang pinasakay nito bago nagpaalam at nagbalik sa loob.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...