Biglang nagkaroon ng buhay ang camera ni Banang. Her favorite subject is now on the game. Kung kanina, nasa bleachers lang siya habang kumukuha ng larawan. Ngayon ay bumaba na siya sa gilid ng court at doon na talaga siya kumukuha ng shots.Paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya si Coach Clifford at siya ay nginingitian. The coach is very grateful to her. Nakakabawi na ang school team nila sa mga puntos. Ang pagpasok ni Levi sa game ay very effective. Halos sunod-sunod na points ang ibinigay nito sa kanilang team.
When the third quarter ended, konting puntos na lang ang kanilang hahabulin. Nang magpahinga anf mga players ay kinuha niya ang pagkakataong iyon na lapitan ang kanyang mga kaibigan na kanina pa makatingin sa kanya na punong-puno ng mga malisya ang mga mata.
"What?" she asked innocently nang makaharap niya ang mga ito ng tuluyan. Pare-parehong may nakakalokong mga ngiti sa mukha ng mga ito.
"Huwag mo nga kaming ma-what-what diyan." sabi sa kanya ni Dodong. "Baka mukha mo ang maratrat ko."
"Oh, ano na naman ba?" tanong pa rin niya. "Parang may nagawa akong mali sa inyo ah."
"Meron talaga friend." ani Cara na hindi nabawasan ang kalokohang naglalaro sa mukha nito. "Ano iyong nakita namin kanina?"
"Ano bang nakita niyo?"
Sabay-sabay na nagpaikot ng mga eyeballs ang mga ito. This time si Patring na ang nagsalita. "Duh? Painosente much ang Banang. May paabot-abot ka pa ng shirt diyan kanina."
"True." sang-ayon bi Dodong. "Mang-aagaw ka Savs. In-aurahan mo lang si Levi ay naging kayo na kaagad. That is unfair on my part."
"Ano bang pinagsasabi mo diyan. Hindi kami ni Levi noh?"
Magsasalita pa sana ang mga ito pero tumunog na ang buzzer. Senyales iyon na magpapatuloy na ang laro sa final quarter.
"Guys, we need to talk mamaya." paalam niya sa mga kaibigan. "Babalik lang ako sa pagkuha ng mga pictures."
Hindi na niya hinintay ang mga ito na magsalita. Mabilis siyang bumalik sa kanyang puwesto kanina at itinuloy ang pagkukuha ng mga larawan. Muling bumalik ang kanyang isip sa kanyang ginagawa.
Paminsan-minsan ay ibinababa niya ang camera para makapanood naman siya kahit papaano. At sa pagkakataong ginagawa niya ang mga iyon ay napapansin niyang tila nagpapapansin sa kanya si Levi. Palingun-lingon pa ito sa kinaroroonan niya kahit nagdidrible ito ng bola.
At hindi siya nagkakamali, sa kanya talaga ito tumitingin bago nagshoshoot ito ng bola. And to her delight, those shots were all ringless. Hindi na rin nagtagal ay mabilis na naungusan ng mga ito ang mga kalaban.
Nang maramdaman niyang napupuno na ang memory stick ng camera ay naisipan niyang kumuha ng isang final shot bago siya tumigil. Saktong nakataas ang camera niya nang maagaw ni Levi ang bola sa isang opponent. Mabilis itong nagdribble at nang makalapit sa ring ay nakagawa ito ng napakalinis na lay-up. Tuwang-tuwa naman si Banang dahil bawat galaw ni Levi ay may katumbas na pindot sa kanyang shutter button. Pagbaba ni Tisoy sa sahig ng gym ay siya namang pagbaba niya ng kanyang camera.
She smiled victoriously. Alam niyang sapat na ang mga litratong nakuha niya sa araw na iyon. Lumapit siya sa isang bleacher na bakanye at nakiupo. Now, she can enjoy watching the final two minutes of the game.
Natapos ang game na panalo ang Harrison High School as usual. At iyon ay dahil kay Levi. The crowd went violent. Sabay-sabay na isinisigaw ng mga ito ang pangalan ng star player ng Harrison Univ. Ang mga teammates naman nito ay binuhat si Levi at isinabay sa pagsigaw na mga tao ang paglift sa binata.
Nagulat na lang si Banang nang bigla siyang lapitan nina Pacoy at Joel. Hindi na siya nakapagprotesta nang hilahin siya mga ito at walang anu-ano'y binuhat. Dinala siya ng mga ito sa kinaroroonan nina Levi at isinali sa victorious cheer ng mga ito. Now, dalawa sila ng lalaki ang buhat-buhat ng mga teammates ng binata.
Now, she created many enemies. Alam niyang ang pangyayari ay magdudulot sa kanya ng maraming mga kaaway. Surely, Levi's fans would want him for themselves. At hindi lang fans, pati na siguro ang kabi-kabila nitong mga babae. But of course, hindi siya papasindak. Alam niyang wala siyang ginagawang masama kaya hindi dapat siya matakot sa mga ito.
Tama nga siya ng hinala, nang mapatinfin soyasa grupo ng mga supporters ng binata ay nakita niya ang mga matang nanlilisik na nakatingin sa kanya. Kung puwede lang siguro ay saksakin na siya sa oras na iyon gamit ang mga matang nagbabanta.
Nagkibit na lang siya ng balikat. Nahuli pa ng paningin niya ang tatlong niyang mga katok na kaibigan. Parehong hindi matigil ang mga ito sa pagsigaw ng kanyang pangalan. Bah, atleast mayroon siyang fans club. She smiled at her own thought. Mamaya ay ililibre niya ang mga ito.
Nang matapos ang sigawan ay nakiusap siya kina Pacoy at Joel na ibaba na siya. Nagulat pa siya na hindi nangalay at napagod ang mga ito sa kabubuhat sa kanya.
Pagkababa niya ay sumalubong sa kanya si Coach Clifford. Kinuha nito ang kanyang kamay at mainit na ginagap. "Maraming salamat sa iyo Savannah. After ng larong ito, you need to take care of Levi. Ikaw ang pinakamatino at best na maging kasintahan ng bata kong iyon."
Hindi na niya ito kinontra pa. Hahayaan niya na lang ito na isipin ang gusto nitong isipin. Alam din naman niyang hindi ito maniniwala kung sasabihin niyang wala silang relasyon ni Levi.
Mabilis siyang umiwas sa mga tao nang magsimula ng madumog ang team nina Levi. Tumalikod siya at mabilis na lumapit sa kanyang mga jugmental na mga friends. Sinabi niya yata kanina na ililibre niya ang mga ito. The promise that she made to her own self.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...