Ilang araw na ang nakalipas mula nang magkita sina Yanyan at Rex pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Yanyan ang naging kahihitnan ng kanilang pag-uusap. Pagkatapos niyang iwanan ito sa restaurant ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa lalaki.
Matagal na niyang naamin sa sarili na kasalanan talaga niya ang pakikipagkalas niya kay Rex noon nang hindi niya sinasabi dito ang totoo niyang dahilan. At her young age, natakot siya sa maaaring kapuntahan ng relasyon nila. Natakot siya sa mga sinasabi ni Rex na mga kasal. At natakot siya sa mga kapangahasan nito na hindi niya matanggihan. Kaya pinili niyang lumayo na lang dito.
Marami kasi siyang pangarap para sa kanya at sa kanyang pamilya. And Rex's obsession with her scared the hell out of her. That was when she decided to break up with him. At iyon ang isang napakafoolish na nagawa niyang desisyon na buong buhay ay pagsisisihan niya.
Now that they met again, she wanted to forget everything. Sana ay hindi na sila nagkita pang muli. Alam niyang hanggang ngayon ay galit pa rin si Rex sa kanya. Hindi niya kailanman malilimutan ang nakita niyang galit noon sa mga mata ng binata nang makipaghiwalay siya dito noon. And that anger is the same as the one she saw during their last meeting.
Kung mayroon sanang pagkakataon na malaman ni Rex ang totoo niyang saloobin. Kung alam lang ni Rex na maging siya ay pinagdusahan niya rin ang ginawa niyang tila pagtapon dito ng walang sapat na dahilan. If ever.
She sighed. Kung wala lang siyang kasama sa elevator sa pagkakataong iyon ay baka pumatak na naman ang kanyang mga luha.
"May problema ka ba hija?"
Mula sa pagkakasandal sa wall ng elevator ay napilitan siyang tumayo ng tuwid para harapin ang nagsalita. Isang ginang ang kasama niya sa elevator na marahil ay nasa lagpas sixty na ang edad. Nakatingin ito sa kanya. Maamo ang mukha nito at hindi niya malaman kung awa para sa kanya ang nakalarawan sa mga mata nito.
"Ok lang po ako." she lied. Lumipat ang mga mata niya sa elevator buttons. Ang kanyang floor lang ang nakapindot. Baka pareho sila ng pupuntahan ng matanda. Maybe, she's a relative of one of Craze's employees.
"Kanina pa kita pinagmamasadan. I saw and heard how you sigh na tila may malaki kang problema. Malungkot ang mukha mo hija. Hindi ako sigurado pero alam kong may bumabagabag sa iyong kalooban."
"Ok lang po ako Ma'am." magalang niyang sagot dito. Napilitan siyang ngumiti para iparating dito na wala siyang nararamdam. Lihim siyang nagpasalamat nang tumunog ang elevator at bumakas iyon. "Dito rin po ba kayo ma'am?"
"Oo hija. May kakausapin lang ako dito. Pero bago ko siya puntahan, maaari mo bang sabihin kung saan ang CR ditto. Kanina pa ako naiihi."
Pagkatapos niyang ituro dito ang comfort room ay nagdesisyon siyang pumasok sa kanyang opisina. Wala pang kalahating oras ay narinig niya ang katok mula sa pinto. Bumukas iyon at sumilip si Kathy.
"May naghahanap sa iyo Madame."
"Let that person in." maikli niyang sagot. Wala siyang inaasahang bisita sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...